Chapter 14: Pancakes

2.4K 79 1
                                    

Chapter 14: Pancakes

❇ ❇ ❇

= Blythe =

Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumama saaking mukha. Anong oras na ba? Nararamdaman ko ang malambot na kama sa baba ko kaya sigurado akong nasa-kwarto ako.

Tiningnan ko ang direksyon kung saan matatagpuan ang kama ni Paige na mahimbing na natutulog habang yakap ang isang malaking unan. And wait. Si Aria ba 'yung natutulog sa tabi niya? Well, wala naman na akong ibang guess at siya lang rin naman ang kasama namin kahapon.

Uminat ako parang pusa na kasabay ang paghikab bago tumayo. Hayy. First time kong gumising ng mas maaga sa kanila. Ano kaya ang gagawin ko?

Dumiretso na muna ako sa closet ko at kumuha ng damit. Pinili ko na lang ang isang plain black T-shirt, skinny jeans, and rubber shoes. Ito naman ang palaging suot ko eh.

Agad kong tinungo ang banyo dahil feeling ko hindi ko masisimulan ang araw ng hindi naliligo at nagagawa ang morning rituals ko.

...

Halos isang oras na ako sa loob ng banyo na gaya ng nakasanayan ko nang maisipan kong lumabas na. Nagsisimula na ring magka-prunes ang mga kamay ko dahil kanina pa ako exposed sa tubig.

*face-palm.*

Napaface-palm na lang ako nung madatnang tulog pa rin ang dalawang babae. Ang take note, nakanganga pa si Paige.

"Hayy." dinaanan ko na lang sila dahil mukhang pagod na pagod sila.

Lumabas na lang ako ng kwarto namin dahil wala naman akong maka-usap magawa and as expected, wala pa rin ng tao sa labas.

"This is really weird." sabi ko sa sarili ko dahil hindi ako sanay.

Ako kasi palagi ang huling gumising at paggising ko lahat sila gising na rin at gumagawa ng mga bagay na sila lang ang nakakaintindi.

*creak*

Oh my gosh! What the hell was that? As far as I know, tulog pa silang lahat at hindi naman ganun ka-creaky ang mga pinto ng mga bagay dito kaya saan galing 'yun?

Umikot ako para gayahin 'yung mga nangyayari sa mga horror movies nang...

"Boo!"

Nasapak ko tuloy ng wala sa oras kung sino man ang ang nanakot na 'yun which is Austin.

"Ouch. Walangya ka, Blythe. Sinasapak-sapak mo lang ang mga ganitong mukha?" sabi niya na nagpapanggap na nasasaktan ng bonggang-bongga.

"Oo nga no." lumiwanag naman ang mukha niya. "Dapat kasi niyan, nginungudngod sa papel de liha para mas masaya."

"Ang brutal mo naman. Kababae mong tao tapos ganyan ka mag-isip?" tanong niya saakin sa normal na boses.

"Kalalaki mong tao tapos ganyan ka mag-inarte? Tsk tsk tsk." ganti ko naman sakanya.

"Whatever."

"Makes you loser." tapos binelatan ko siya. Hayy. Ang sarap talaga asarin ni Austin.

"Ba't ka nga pala napaaga ng gising?" alam kong sinusubukan niyang ibahin ang topic kaya hinayaan ko na lang. "Kadalasan naman kasi ikaw ang nahuhuli."

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon