Chapter 46: Victoria and Ares

607 19 0
                                    

Chapter 46: Victoria and Ares

= Lavender =

As usual, pagkatapos na namang maghasik ng dilim ni Sophia, bumalik na naman siya dito sa dorm nilang kambal habang pinagdidiskitahan ang kanyang potato chips.

=.=

Just by this moment, alam kong mas lalala pa ang kanyang kasamaan. Like all of them do. Masyadong pumasok ang kapangyarihan sa kanilang ulo kaya lahat ng binubunggo sila, may mangyayaring masama.

Nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto ni Cera, dalawa lang naman kasi ang kuwarto at gustong mapag-isa ni Sophia kaya kaming dalawa na lang ang nag-share ng kuwarto. Tho gumawa ako ng sarili kong higaan gamit ang genie magic.

And sa totoo lang, mas marami na kaming napag-usapan ni Cera kaysa sa may-ari sa akin sa ngayon. Mas mabuti rin ang ugali niya kaysa sa kapatid niya pero di pa ako sigurado dahil baka epekto lang 'yun ng pagkakahanap sa akin at parehas talaga ang ugali nila.

"Hey, labas na muna ako." paalam ko sa kanila. Nakakabagot kasi sa kuwarto dahil wala akong ginagawa. Sinubukan kong gumawa nung tinatawag nilang cellphone pero hindi naman ako marunong kaya sa labas na lang ako naghahanap ng entertainment.

"Whatever." as usual, sagot na naman ni Sophia. I think wala naman siyang paki-alam kung nasaan ako basta kasama ko siya tuwing maghahasik na naman ng walang kwentang kasamahan.

This is also one of the reasons why I prefer Cera over her twin even though there are so much similarities between them.

Lumabas na ako dahil ayoko namang istorbohin ang panonood nila ng kung ano habang kumakain ng potato chips at kung ano.

"Hey." tawag ng isang boses ng babae sa aking gilid kaya diretso akong lumingon.

Hindi ko alam ang pangalan niya pero kilala ko ang mukha niya. Isa siya sa walong kaaway nila Sophia. 'Yung babaeng hindi nag-iingay 'yun. Nag-iisa lang naman 'yan dun.

"Hey?" bati ko naman pabalik since ayaw ko namang maging rude. Mukhang wala rin naman siyang masamang gagawin kaya kinausap ko na rin siya.

"Can I talk to you for a second?" tanong niya. I know na hindi naman kami palaging magkasama pero ang weird pa rin pag nagsasalita siya.

At dahil wala naman akong ginagawa, "Sure."

"I-----" magsa-salita na sana siya pero pinigilan ko dahil hindi pwedeng marinig ito ng iba. Especially, Sophia.

"Not here." sagot ko na lang ng makita ang pagta-taka sa mukha niya at nauna ng mag-lakad palayo sa lugar na 'yun. "Since I'm new here at hindi pa alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito, pwede mo ba akong dalhin sa lugar kung saan may privacy?"

I can't risk my cover. Sampung tao pa lang ang may alam na isa akong genie at 'yun 'yung mga nakakita ng pag-labas ko sa teapot. Sa totoo nga lang, marami na ang sampu dahil kadalasan isa o dalawa lang ang may alam pero wala na akong magagawa. Nakita na nila eh.

"Okay." sabi niya at siya na ang naunang maglakad at ako naman na ang sumunod.

Halos 15 minutes na kaming naglalakad sa lugar na ito kaya kanina ko pa gustong mag-reklamo pero hindi hindi ko ginawa dahil alam kong pagod na rin siya.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon