Chapter 8: Defense Against the Dark Arts

3.6K 109 5
                                    

Chapter 8: Defense Against the Dark Arts

= Blythe =

"Blythe, tapos ka na ba?" tanong ni Paige mula sa labas ng banyo. "Kanina ka pa diyan ah. Buhay ka pa?"

Grabe naman kung makatanong kung buhay pa ako. Duh. Banyo kaya toh kaya maliit lang ang tsansang mamatay ako rito. And ew. Never kong pinangarap ang mamatay sa banyo.

"Wait lang naman. Ang aga pa kaya. Ang lamig kasi ng tubig eh kaya ang sarap sa pakiramdam." sagot ko naman.

"Ugh. Dalian mo na kasi kundi iiwanan ka namin rito at hayaan kang mamatay sa kakahanap ng mga rooms dito." pananakot niya saakin kaya dinalian ko na lang ang pagligo.

"Opo." medyo-sarcastic na sabi ko.

Dinalian ko na ang pagpapatuyo at paggawa ng mga morning rituals ko dahil paniguradong sinusumpa na ni Paige ang pagiging makupad ko.

Sinuot ko na ang napaka-cute na uniform namin at lumabas sa banyo. Naabutan ko sila roon na nakaupo sa couch habang nasa ibaba nila ang mga gamit nila.

"Finally." sabi ni Austin at tumayo na.

Sumunod naman na ang dalawa habang nahuli akong lumabas dala ang bag ko na nakita ko lang sa closet na sinabi ng headmaster.

"What's our first subject?" tanong ko sa kanila.

"Didn't you checked schedules yet? We have different schedules so we can't really answer your question." mahabang sagot ni Paige.

"Oh?" nasabi ko na lang at hinanap ang schedule ko sa bag ko. "I got Defense Against the Dark Arts as my first subject and Potions as my second."

"Oh, talaga? Parehas lang pala ang schedule ng unang subjects ko ngayong araw." sabi naman ni Austin.

"Aw, hindi tayo magkasama sa Defense Against the Dark Arts dahil mamayang hapon pa namin iyon pero kasabay namin kayo sa potions." sabi naman ni Venus.

"O sige. Kita na lang tayo mamaya. Male-late na tayo." sabi naman ni Luke at hinatak na si Paige habang kumakaway palayo.

Hinatak naman ako ni Austin patungo sa kabilang direksyon siguro dahil doon ang room ng Defense Against the Dark Arts.

Ilang liko na ang nagagawa namin pero hindi pa rin namin nararating ang room. Iilan lang rin ang mga pinto rito. Paano ba kalaki ang kastilyong ito?

Finally! Nakita na namin ang section ng kastilyo kung saan puro Defense Against the Dark Arts ang mga kwarto. Siguro mga anim ito. Tig-iisa per year.

Medyo kinakabahan akong pumasok dahil una: baguhan lang ako, pangalawa: masyado pa akong dependent, pangatlo: ayoko ng introduce yourself, at pang-apat, wala akong maisasagot kung tanungin nila kung ano ang kapangyarihan ko tulad na lang nung tinanong ako ng tatlo kagabi.

Pumasok kami sa pang-apat na room dahil may nakalagay na sign na para ito sa mga fourth years.

Napalingon saamin lahat ng tao sa malaking kwarto dahil sa pagi-interrupt ng lesson nila.

"Sorry, we're late, professor." medyo nahihiyang sabi ni Austin habang nakayuko kaya yumuko na rin ako.

Nagi-guilty tuloy ako dahil ako ang dahilan kung bakit kami late at hindi na rin ako magugulat kung male-late rin ang kambal.

"Enter and take your seat, Mr. Lockhart." pormal na sabi ng guro nila at napabaling saakin ang atensyon nito na ginaya ng iba pang estudyante. "The headmaster informed us about a new student, so do you mind introducing yourself, miss?"

Oh my gosh. I am freaking out. Aware na maaring magkaroon ng introduction pero hindi ko ineexpect na sa ganito karaming estuduante. Halos 200 silang naririto habang inuusisa ako.

Pumunta na lang ako sa harapan kahit alam kong namumula na ako sa sobrang hiya. Sinundan lang ako ng mga tingin nila at nakita ko si Austin sa bandang likuran na nakangiti at parang pinapalakas ang loob ko.

"I am Blythe Britney Benson and I am 18 years old. Hope we could be friends." oh my god, this is awkward. Please lupa, kahit ngayon lang, lamunin mo na ako!!!

"Ano ba ang abilities niya?"

"In fairness, may itsura."

"Paano niya naka-close agad si Austin my loves."

Sunod-sunod pang tanong ng mga estudyante pero ang kadalasan ay kung ano ang ability ko.

"Okay, class. That's enough. Miss Benson, please take a seat at the last row." sabi ng professor kaya nagmadali akong pumunta sa likurang bahagi ng room dahil ito na lang ang may bakanteng upuan. Hindi ko katabi si Austin dahil nasa-harapan ko siya ng mga apat na rows.

May mga estudyante pa rin naman sa row ko pero may malaking pagitan sa kanila. I think they are the outcasts.

I don't really mind kung maging outcast ako. To be honest, parang mas maganda maging outcast kaysa sa sikat dahil mas may privacy ka at hindi ka jinu-judge ng ibang tao. I've been too long in the spot light and now it's my time to embrace the darkness.

Hindi ko magawang makinig dahil lumilipad ang isip ko sa kung saan-saan. Sinubukan kong makinig pero sadyang boring lang talaga ang klase so...

Mabilis na lumipas ang oras dahil hindi ko man lang ito pinansin. Ewan ko. Parang ayoko lang makinig.

Nung oras ng lumabas, nauna na ako at hinintay na lang ang paglabas ni Austin na hindi naman nagtagal dahil malapit lang rin siya sa pintuan.

"Saan ang room ng potions?" tanong ko kay Austin na kasabay kong maglakad.

"I don't really know kung saang wing pero alam ko ang daan papunta doon kaya sundan mo na lang ako. Anyway, wala akong masabi sa introduction mo kanina sa class." medyo natatawang sabi niya. Walangya.

Ito talaga ang ayaw ko pag-baguhan eh. Ang introduction dahil di mo alam ang sasabihin.

Pabiro ko siyang inirapan at naunang maglakad ng ilang steps.

"Uy, mukhang tanga." pigilan niyo ko.

"Shut up." at dinagdagan ang distansya namin at hindi man lang niya binawasan.

"O sige, mauna ka. Maligaw ka sana." natatawang sabi niya. Anong nakakatawa?

"Edi sundan na lang sila." sabi ko naman at dinilaan siya.

"Bakit? Nakakasigurado ka bang lahat sila patungo potions?" lecheng Austin 'toh.

"Edi magtanong kung sino sa kanila ang pupuntang potions." sagot ko naman.

"Gawin mo nga." dare niya saakin. Sige lang Austin, sige lang.

Inirapan ko naman siya at nagsimulang magtanong.

"Uhm, excuse me. Papunta po ba kayo ng ----" hindi na natapos ang sasabihin ko nung tawagin na ako ni Austin.

"Oy, Britney, nandito ang daan. Haha."

What the fudge? Britney?

Sinundan ko na lang siya ng hindi nagsasalita dahil wala naman akong chance na manalo eh.

❇ ❇ ❇

Author's Note:


Hi! Wala lang. Hi!

And also, thank you for not giving up on this story.

-JA

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon