Chapter 59: Out of the Teapot

687 17 0
                                    

Chapter 59: Out of the Teapot

❇ ❇ ❇

= Blythe =

"What the fuck?!" napalingon kami sa kung kanino nanggaling ang boses na 'yun at laking gulat na lang namin ng makita ang kamukha ni Lavender sa salamin. Kitang-kita ang gulat, panic, at galit sa mukha niya pero mabilis lang 'yun na nawala.

Wait. Ano 'yun? Parang video call pero sa salamin?

"What the fuck?" hindi makapaniwala ring sabi ni Austin at lumapit ng kaunti sa salamin.

"You think that bitch owns this room?" tanong ni Aria at naupo sa magulong kama.

Even though hindi naman kami ganun ka-close ni Lavender, alam ko naman na hindi siya 'yun dahil mukhang may malaking galit 'yung bababeng 'yun sa kanya at magkaibang-magkaiba rin ang kulay ng buhok at aura nila.

"Sa tingin niyo, paano siya nakakita sa salamin?" takang-tanong ni Marco.

"Their genies. They pretty much do anything they want." sagot naman ni Paige.

"Pero nakita niyo 'yun?" sabat naman ni Summer. "'Yung background niya?"

"Why? Anong meron sa background niya?" kinakabahang tanong ni Aria kaya napa-ayos siya ng upo. Napalingon rin kaming lahat kay Summer para malaman ang nakita niya.

"Mukhang nasa bukana siya ng dark forest." pahayag naman ni Marion na katabi ni Summer.

"Not only that but the fact na hindi 'yung buong salamin ang na-occupy ng... err... let's call it 'Mirror Call'. May certain shape lang ito and hindi lang ito isang shape dahil mukhang piraso ito ng basag na salamin." paliwanag pa ni Summer.

"So you're saying na pwedeng nasa-kanya ang huling piraso ng salamin?" paninigurado ni Luke na tinanguan na lang ni Summer.

"Eh paano kayo nakaka-siguro? Remember. Isang beses lang natin maaaring gamitin ang crystal ball." tanong ni Austin.

"Take out the pieces of the mirror." sabi na ni Paige at kinuha na ni Aria ang mga pieces na nakatago sa isang secret compartment ng palda niya.

Kinuha ito ni Paige at binuo sa sahig ang salamin na parang jigsaw puzzle.

Okay lang naman ang laki ng salamin. 1 and a half foot ang tangkad at mas manipis naman ng half a foot and taba. Hindi rin naman ito ganun kakapal at wala rin ng frame.

"Ganyan na ganyan ang shape ng mirror call ni evil Lavender." sabi ni Summer habang nakaturo sa missing piece na nasa-upper left-most part ng salamin.

"So, is it safe to say na ba na maari na tayong maka-labas dito?" excited na tanong ni Aria at tumayo na.

"Yup." masayang sagot naman ni Paige at kinolekta ulit ang mga piraso ng salamin at binigay kay Aria na inilagay na naman ulit sa secret compartment ng palda niya.

"Pero pwede bang sa labas natin gawin 'yun? Ayoko kasing ang kwartong ito ang last memory ko sa loob ng teapot." request ni Sydney.

Cinonsider namin at may point naman siya.

"Okay." sagot naman ni Austin at nauna ng lumabas ng kuwarto na sinundan na agad namin dahil excited na kaming maka-labas sa deathtrap na ito. Yeah!

"Guys, mag-hawak kamay tayo and Summer, basagin mo na!" sabi ni Aria na mukhang mapupunit na ang mukha sa sobrang saya niya.

Inilabas na ni Summer ang crystal ball at nag-hawak hawak na kami ng mga kamay pero agad kaming nanghihinang bumitaw ng makaramdam kami ng malakas na daloy ng kuryenta sa katawan.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon