Chapter 19: Grae and Marco

1.8K 52 2
                                    

Chapter 19: Grae and Marco

❇ ❇ ❇

Friends come and go like the waves of the ocean but the true stick you like octopus on your face.

❇ ❇ ❇

= Paige =

Leche! Minsan nakakainis na ang lecheng Austin na 'toh. Minsan palagi na lang siya ang gusto niyang masunod. Hindi ko nga maintindihan ang kakambal ko kung bakit gusto nitong palaging kasama si Austin eh (maliban sa pagkakapareho ng gender nila).

If there's anything I hate someone is that they act like they know something even though they don't. Ugh. Bullshit.

Sumunod na lang ako dahil ayoko naman magkaroon ng walang-kwentang argument laban kay Austin.

Why did I even agreed on this? And what's worse is nadamay pa sila Blythe and Summer.

Si Aria? Meh. Siya nga pumilit na sasama siya saamin eh.

"What the hell are you doing there?!" tanong ni Aria pagkabukas pa lang ng pintuan namin. At dahil may pagka-chismosa ako, hindi ko naiwasang hindi maki-sabat kaya tiningnan ko kung sino ang nandun and omagad!

It's Grae Hallows and Marco Midwinter! Kyahhhh!

Fangirl mode on.

Well, sila lang naman ang dalawa sa hottest guys in the campus. For your information, hindi ko crush si Mar--err I mean sila dahil sa bandwagon. Crush ko sila dahil sila ay sila. Kailangan pa ba ng rason?

"Uhm..." hindi makasagot si Grae dahil sigurado akong naka-taas na ang kilay ni Aria. Alam ko kahit nakatalikod siya saakin dahil nai-intimidate lang naman ang mga tao kay Aria pag tumaas na ang kilay nito.

"What?! We don't have all night!" demand ni Aria sa sagot nila na mas lalo lang nag-intimidate sa dalawa. Gaga rin ang Aria na 'toh. Dapat hindi sinisigawan ang mga guwapo.

Wait, whut?

"Shhhhhh." saway naman agad ng kakambal ko dahil medyo napa-lakas ang boses ni Aria.

"Well, we we're actually looking for Summer because we hadn't eaten our dinners and that's because we don't have any food." sagot naman ni Marco my loves. What the fudge?!

"So? Then go to cafeteria. Alam niyo, mawawala rin kami ni Summer para magluto ng mga pagkain niyo kaya kung ako sa inyo, mag-aaral akong magluto o sipagan ang paglalakad. Grabe kayo. Sinundan niyo pa siya dito. And how the hell did you managed to track her?"

"We know you're building a women revolutionary whatever and we noticed you've been hanging out lately with them kaya dito kami pumunta. At alam rin namin na nandito si Summer dahil naging close agad kayo dahil sa ginawa niya nung lunch."

"Great." sarcastic na sabi ni Aria. "Now get away." at dinaanan pa sa gitna ng dalawa.

"Where are you going?!" pahabol na tanong ni Grae kay Aria.

"Hell. Sama ka?" sarcastic na sabi niya ng hindi man lang lumilingon.

"Excuse me." magalang naman na sabi ni Summer at dumaan sa pagitan nila ng nakayuko.

"We're going to the cafeteria." sabi naman ni Austin at sumunod na sa dalawa.

Nagkibit-balikat naman ang kakambal ko at sumunod na rin na si Blythe. Ang rude na talaga ng mga tao ngayon.

Nginitian ko muna sila bago ko sila imbitahan na sumama. "Wanna join us?"

Nabakas naman ang saya sa mga mukha nila pero hindi nila 'yun masyadong pinahalata.

"Are you sure?" tanong naman ni Marco my loves.

Tinanguan ko na lang rin at nagsimula ng maglakad patungong cafeteria.

"Why are you with them?" inirapan ko na lang ang tanong ni Aria dahil medyo nababastusan na ako sa inaasta nila. Tough medyo magalang naman 'yung ginawa ni Summer kanina.

"Can we have dinner with you guys?" tanong ulit ni Grae sakanila para maka-sigurado. Mukhang inutangan pa naman ang mga mukha ng mga kasama ko. Lalo na si Aria at Austin.

"Whatever." sabi nilang dalawa na tanda na pumapayag na.

...

Natapos ang dinner namin ng normal. Hindi tahimik at hindi naman maingay. Civil kumbaga. Mas nakilala rin namin sila Marco at Grae na ngayon ay kaibigan na namin instead of acquaintances. Nabawasan rin naman ang pagiging rude ni Austin at Aria.

"So what are you guys doing now?" tanong ni Marco kay Aria.

"Ba't kailangan mo pang malaman?" and she's back.

Bumuntong-hininga na lang sila na parang sanay na sila sa inaasta ng babaeng ito.

Nandito na kami ngayon sa dorm namin at hinihintay na lang mag-curfew.

"Hoy." tawag pansin ko kay Blythe na nasa tabi ko lang. "Kailangan mo pang sagutin ang tanong ko sa'yo."

Mukha naman siyang binuhusan ng malamig na tubig at napatulala. May gusto ba 'toh kay Austin?

"Ano?" pilit ko sakanya.

"Ah-eh wala naman." liar.

"Good." Buti naman. Hindi naman ako angal kung may gusto siya kay Austin pero nadala na ako na pagkairita kaya iyon na lang ang nasabi ko.

"What are you talking about?" tanong ng biglang sumulpot sa harapan namin si Austin na mukhang bading dahil naka-taas ang isang kilay.

"Ah-eh wala naman." sagot ulit ni Blythe na medyo tulala pa rin at alam kong nagpapanic siya sa kaloob-looban niya.

Ilang oras pa ang kailangan naming hintayin bago sumapit ang curfew at hindi naman kami makalaro o makagawa ng kahit na anong bagay dahil mukhang mamatay si Austin. Hello! Tatlong oras pa kaya bago mag-curfew at nakakaboring naman kung wala kaming gagawin dito kundi maupo at tingnan ang isa't isa.

Nandito pa rin ang dalawa pero walang sinasabi kahit alam ko naman na gusto na nilang magsalita. Hayy. Mukhang natatakot lang ma-sass ni Aria.

Yinakap ko na lang ang braso ng kakambal ko na katabi ko lang rin. Mukhang bored rin naman siya kaya kanina pa inirapan kung sino ang mga nagsasalita.

Hindi naman siya na-awkward dahil palagi ko naman itong ginagawa sakanya mula pa nung bata kami. Kahit public pa 'yan. Minsan nga napagkakamalan kaming magkasintahan eh.

"So we're just gonna wait here till we die? Cool." sarcastic rin na sabi ng kambal. "This is boring!" tiningnan naman siya ng masama ni Austin

"Let's watch a movie." sabi naman ni Blythe at wala ng nagawa si Austin nun dahil agad na namili na si Blythe ng movie sa harapan.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon