Chapter 51: Reunited

600 18 0
                                    

Chapter 51: Reunited

❇ ❇ ❇

Treating someone you don't like nicely is not being plastic. It's called being mature.

❇ ❇ ❇

= Luke =

Holy shit.

Holy freaking shit.

Paige, what is freaking wrong with you?!

Diretso na akong sumugod sa direksyon ni Paige na nasa-maliit na burol ng snow habang unti-unting umaatras palayo sa isang abominable snowman na parang gorilla pero limang beses na mas malaki at puti ang buhok.

Ginamit ko ang anti-gravity ko para mas mapa-bilis ang pag-punta ko sa kanya para lang mailigtas siya. Kitang-kita na sa mukha niya ang pagod at takot. Hindi ko na rin pinansin pa ang mga sigawan nila sa likuran ko at ang pagod na kanina ko pa nararamdaman. Ang importante ay ang mailigtas ko ang kakambal ko.

Tinira ko ng water ball ang likuran ng ulo nung abominable snowman kaya napunta ang atensyon nito at ni Paige sa akin na kitang-kita ang gulat, saya, at relief sa mukha.

Dumaan ako sa ilalim ng mga paa snowman dahil ito ang pinaka-safe na daanan kahit nakakadiri at mabilis na binuhat si Paige sa likuran ko.

Hahampasin na sana niya kami ng kanyang malalaking braso ng may bigla na lang na lumabas na malaking ice spikes sa ilalim ng kanan niyang paa at dumaan dito kasabay ang pag-bulwak ng kulay asul na dugo ang pag-daing nito sa sakit.

"What the hell are you doing here?!" gulat na tanong niya sa akin.

"What the hell is wrong with you?!" sagot ko naman pabalik. Matalino naman siya eh pero anong pumasok sa isip nito at pumunta sa lugar na ito na muntik niya ng ikamatay.

"It doe-----" hindi na natapos ang sasabihin niya ng bigla na naman hatawin ng abominable snowman ang braso niya. Buti na lang at mabilis ang reflexes namin at naka-yuko bago pa ito tumama.

"This isn't the time!" sigaw ko sa kanya dahil maingay paligid dahil sa sigaw nila Aria at tunog ng snowman.

Sinubukan kong tumayo para maka-alis na kami rito pero umatake ulit ang snowman kaya yumuko agad kami.

Damn this abominable bitch!

"Hey, asshole. Look here!" narinig kong sigaw ni Austin sa hindi kalayuan na tinatawag ang snowman. Lililingon sana ito pero hindi magawa dahil sa naka-turok na ice spikes sa paaralan nito.

"That abominable piece of shit." galit na sambit ni Paige at lumabas ang isang ice spike na mas malaki kaysa sa nauna sa ilalim mismo kaliwa nitong paa namin umabot hanggang tuhod.

Mas malakas na ang pag-sigaw ng abominable snowman at mas marami ng dugo ang lumabas mula rito. Kita na rin ang mga lamang-loob nito.

*GROOOOOOOWLLL!*

Crap. Galit na galit na talaga siya. Hinataw niya ulit ang mga kamay niya pero mas mabilis at accurate kaya hindi na kami maka-ilag kaya ang ginawa ko na lang ay yinakap si Paige at protektahan laban dito.

= Paige =

Ramdam na ramdam ko ang lakas ng impact ng pag-atake niya pero sigurado akong walang-wala iyon kumpara sa nararamdaman ni Luke ngayon na siyang humarang sa atake ng punyetang snowman na 'yun. Argh.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon