Chapter 58: The Eclipse

655 19 0
                                    

Chapter 58: The Eclipse

= Lavender =

Ugh. Nakaka-inis.

Ba't ba kasi kailangan pang bumalik ng lecheng Violet ba 'yan. Nagkanda-leche-leche tuloy ang mga buhay dito. Ugh...

Agad akong bumalik sa dormitory nila at inayang lumabas muna kahit ang totoong pakay ko naman talaga ay ang mailayo silang dalawa, lalo na si Sophia, palayo kay Violet.

"Hey." tawag sa akin ni Cera kaya lumingon ako at nag-peke ng ngiti.

"Hey." naka-ngiti pero walang gana kong sagot. Violet is fiving me too much problem.

Damn you, Violet. Damn you.

"What's the problem? You seem tensed." tanong niya at bakas ang kaunting pag-aalala sa mukha at boses niya.

"I'm okay. It just... something not that important." sagot ko kahit na napaka-importante ng bagay na ginagawa ko ngayon lalo na at dalawa na lang ang tira sa kanyang mga wishes. Kailangan ko itong mailayo sa kanila bago pa ito maubos ni Violet.

Nandito na muna kami sa Headmaster's office umuupo dahil ito lang naisip kong puntahan ngayon na hindi diretsong mahahanap ni Violet.

Alam kong hindi sasama sa akin si Sophia pag sinabi ko ang totoong dahilan kung kaya sinabi kong puntahan na muna namin ang headmaster's office na wala ng nagmamay-ari sa ngayon at gumana naman kaya nandito kami ngayon at sinisira niya ang ilan sa mga bagay na naka-display ngayon sa mga lamesa at pader.

Kanina pa rin siya tinitingnan ng masama ng paintings ng mga former headmasters sa loob pero hindi ko alam kung alam niya or hindi niya lang pinapansin pero patuloy lang siya sa pagkalat sa loob.

Habang tinitingnan lang siya ni Cera na naka-upo sa arm rest ng couch at nagce-cellphone at ako naman nakatayo malapit sa pintuan for security reasons.

"What is wrong with you?" tanong ni Cera na hindi ko napansin na naka-lapit na sa akin. "Kanina ka pa naba-blanko."

"I told you. Hindi naman 'yun ganun kaimportante." sagot ko naman at naupo sa couch.

"Kung hindi naman ganun kaimportante, eh bakit hindi mo sabihin?" tanong niya ulit na may halo na ng pagka-bitchesa. What can I say, it runs in the blood.

"Because..." I can't really tell. Their not smart enough for this.

"Because..." sabi niya pero hindi ko sinagot kaya napa-irap na lang siya. "Tell me, meron ka ba ngayon?"

What the fudge?! Kung meron siguro ako ngayong iniinom, nabuga ko na 'yun. Why would you ask that?!

And no I don't. I never had because I am not a person and actually, genies don't have reproductive systems. Thank you very much. *irap*

"What?! No!" malakas na sagot ko sa kanya.

Nakakaloka ka, Cera. Ikaw ang papatay sa akin sa sakit ng puso. Whooo.

"Eh ano nga?" Ang kulit.

Nag-isip ako ng idadahilan para tigilan niya na ako kasi sa totoo lang, nakaka-dagdag sa stress na nararamdaman ko ngayon ang pagka-irita ko sa kanya.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon