Chapter 11: Friday

3K 91 1
                                    

Chapter 11: Friday

❇ ❇ ❇

= Blythe =

"Blythe! Ba't ba ang tagal mong maligo?! Nagmimilagro ka ba habang naliligo? Late na tayo! Bilis." 'yan na naman ang bunganga ni Paige.

Friday na ng ngayon at halos isang linggo na rin ako rito. Tapos naman na siyang maligo eh. =.= Eh wala na akong magagawa. Nasanay na akong matagal maligo dahil wala naman ng sunod na gagamit ng banyo ko so...

"Blythe, uso naman magmadali." sarcastic na sabi niya mula sa kabilang banda ng banyo kaya napairap na lang ako.

Ginawa ko na ng mas mabilis ang mga morning rituals ko dahil mahirap na kung si Paige na ang magmilagro.

"Happy?" bungad ko sa kanya nung makalabas na ako ng prepared na.

"Very much." sabi niya at hinila na ako papalabas ng kwarto kung nasaan ang dalawang lalaki at si Aria.

Wala na silang sinabi at lumabas na lang. Halos ganito naman na ang mga araw ko rito sa paaralang ito eh. Gigisingin ako ni Paige; kakainin ko ang luto ni kung sino, pepestehin ako ni Paige habang naliligo, at sabay-sabay na papasok kahit magkakaiba ang schedule namin.

"Ikaw na naman?" mukhang gulat na sabi ko kay Austin. Alam ko naman na siya ang una kong makakasama araw-araw at gusto ko siyang inisin.

"Whatever. Anyway, may assignment ka ba sa Charms?" tanong niya saakin.

"Wala pa. Next week pa naman ang pasa nun eh. Nakakatamad kaya gumawa ng essay." honest na sagot ko. Yes, may pagkatamad talaga ako.

"Yeah, right." sang-ayon niya naman.

History ang una naming subject ngayong araw at Defense Against the Dark Arts naman ang una nila Paige.

Medyo late na kaming pumasok dahil saakin, duh, pero mabuti na lang at wala pa ang professor namin.

Since hindi naman permanent ang mga upuan, sa hulihan kaming banda dahil nga nahuli kami. Anyway, nakakakita naman dahil parang bleachers na may lamesa ang mga upuan rito kaya nakakakita pa rin naman kami. Maliit nga lang.

Pumasok na ang professor namin na halos tatlong talampakan lang ang tangkad. Hindi naman siya mahirap makita dahil may tinatayuan siya na mukhang podium.

Nagsimula na siyang magsalita at hindi ko maiwasang mabored dahil kahit na-amplified na ang boses niya, hindi pa rin namin ito masyadong marinig and the mere fact that this is a History class!

Tiningnan ko na lang ang mukha ni Austin na mukhang mas bagot pa saakin. Bleh.

"Why are you staring at me?" tanong niya saakin na ikinabigla ko. Sa harapan kasi siya nakatingin kaya hindi ko ineexpect na mapapansin niya.

"No I am not. I was daydreaming about the day when I will bust your face. Hayy." of course, I lied. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya tinititigan eh.

"Sus, aminin mo na lang kasi na nabihag ka na ng gwapo kong mukha." he said with a smug face on. What the hell?! Ew.

"Ew. Yes, aaminin kong gwapo ka pero ew. Hindi ako "nabihag" ng mukhang 'yan." sabi ko na lang.

"So sinasabi mong gwapo ako?" mukhang hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes. Bakit? Ayaw mo? Edi huwag." hindi ko naman talaga ipagkakait sakanya na gwapo siya. Mukhang wala ngang panget sa paaralang ito eh.

"Baliw." sabi niya pero hindi naman maitago ang ngiti. Sino kaya ang baliw saamin?

...

Ugh. Isang oras na kami rito sa boring na History class at isa't kalahati pa kami rito. Nakakabagot na.

Buti na lang at nasa-may likuran kaming bahagi kundi maririnig ng professor ang mga immature na harutan namin.

Gumawa ako ng panget na mukha sa papel at pinangalanang "Austin". Tinawag ko siya at ipinakita sakanya ang mukha na ginawa ko.

"Hindi ganyan ang pag-spell ng pangalan mo, Blythe. Imagine. Nakapasok ka sa paaralang ito ng hindi alam kung paano i-spell ang sariling pangalan.

"Ha ha ha ha. Apat na tawa 'yan ah. Masaya ka na?" sarcastic na sabi ko sakanya habang umiirap.

"Oo naman. Actually, mas masaya ako ngayon dahil may nabu-bully na ako araw-araw." sabi niya kaya binatukan ko siya

"Ako kaya ang bully saating dalawa." sabi ko naman sakanya.

"Pero seryoso, mas masaya ako ngayon dahil may kasama na ako. Makaiba kasi ang section natin at ang section nila Luke kaya wala akong kasama. Wala naman akong masyadong kaibigan rito dahil last year lang ako napunta dito."

"Awkward." na lang ang nasabi ko dahil ang awkward na ng atmosphere. Kanina nagbibiruan lang tapos ngayon seryoso na. Awkward.

Napatawa na lang siya ng mahina dahil sa tinuran ko. Baliw na talaga ang loko.

Natapos na ang oras ng History ng walang natutunan dahil sa paghaharutan namin ni Austin sa buong period.

Nauna kaming lumabas dahil nasa likuran na kami kung saan makikita ang pinto.

...

Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain at nag-uusap tungkol sa pagpunta namin sa Dark Forest.

"So, ano ang mga dadalhin natin?" tanong ni Austin.

"Not much. Hindi naman tayo magca-camping kaya konti lang ang dadalhin natin. Okay na siguro ang konting pagkain at tubig." sagot naman sakanya ni Luke.

"Yup. We'll change first into our combat training uniforms tapos pupunta na tayong Dark Forest." sabi naman ni Aria.

"Nandito na rin ang gate pass kaya mas madali na ito." dagdag naman ni Paige.

Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa mga pinagsasabi nila. Alam ko ang pinag-uusapan nila pero sadyang hindi lang talaga ako maka-relate sa kanila.

"Anyway, how was your class in history?" pagbubukas ng topic ni Aria at uminom ng mango shake.

"Garbage." sagot ko na lang.

"What? You called the time we hangout garbage? How dare you?" sabi ni Austin ng may drama sa boses niya. It's certified. Baliw nga siya.

Inirapan ko na lang siya tapos nagtawanan naman ang iba. Hindi naman nakakatawa diba?

"Uhm, guys, may bibilhin lang ako ah." sabi ni Paige.

"Hey, Paige, mind getting a me a burger and fries?" tanong sakanya ni Luke nung tumayo si Paige patungo sa mga counters.

Umirap na lang siya pero hindi naman umangal at dumiretso na sa mga counters.

"What time are we going to the Dark Forest?" tanong ko sakanila.

"Probably 2 pm?" sagot naman ni Aira.

Actually, ayoko ng time slot dahil sigurado akong magiging mainit ang hapon na ito pero wala naman na akong magagawa dahil parte na ako ng grupo na ito kahit bagong salta lang ako rito and I am really thankful for it.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon