Chapter 56: Violet

578 17 1
                                    

Chapter 56: Violet

❇ ❇ ❇

= Lavender =

"Lavender, I wish that the headmaster is fired." hiling ni Sophia at kahit labag man sa kalooban ko, ginawa ko na lang dahil kailangan kong sundin siya.

"As you wish."

Nakita ko naman ang gulat at galit sa mukha ng headmaster pero wala na siyang nagawa nung umepekto na ang kapangyarihan ko.

Hindi ko alam kung paano 'yun gumana dahil alam kong makapangyarihan siya at ang mga kapamilya niya lang ang mga maaring mamuno sa buong school.

Nawala lahat ng marka niya na dahilan para kilalanin siyang headmaster. 'Yung plaque sa harapan kung saan nakalagay ang pangalan ng current headmaster ay nawalan ng nakasulat at 'yung picture niya na nasa-gitna ng lahat ng pictures ng mga nagdaang headmaster ay napunta sa pinaka-gilid. Bigla na lang din na natambak sa loob ng napakaraming gamit niya sa loob ng 25 na taon.

Nakita ko ulit ang gulat at kalungkutan sa mukha niya habang unti-unting nawawala ang kanyang mga pinaghirapan sa loob ng sobrang dalawang dekada.

Napatingin naman ako kay Sophia na ngayon ay may ngiting tagumpay sa mga labi niya habang si Cera naman ay may naawa na expression.

"Ano ka ngayon?" mapang-inis na tanong ni Sophia sa headmaster na ngayon ay may namumuong luha na sa mga mata. "HAHAHA!" sinundan niya pa ito ng nakaka-insultong tawa kaya napalingon ako sa kanya at laking gulat ko na lang ng makita ang itim na usok na pumapaligid sa kanya.

Damn it.

Hanggang ngayon ba sinusundan mo pa rin ako. Leche.

"Let's go, girls." sabi ni Sophia at nauna ng lumabas ng office kaya sumunod na lang ulit kami ni Cera sa kanya.

Pumalakpak siya sa unang segundong makalapit kami sa kanya na dahilan para gumalaw ang hagdan na parang escalator at sumampa doon.

"Buti nga sa kanya." narinig kong sabi niya habang naglalakad kami patungo sa dorm namin.

"Sophia Blackthorne, expelled. Ha!"

Marami pang sinabi si Sophia tungkol sa dating headmaster dahil inis na inis siya at mukhang wala ring bahid ng pagsisisi ang boses niya kaya nanahimik na lang ako at binura ang plano kong konsensyahin siya.

Plus, yung itim na usok talaga ang pinoproblema ko ngayon dahil...

Nakarating na kami sa dorm namin at padabog na binuksan ni Sophia ang pinto kaya nagulat ako at natigil sa pag-iisip kung pano papaalisin ang lecheng usok na 'yun.

Dumiretso silang dalawa sa mga kwarto nila habang ako naman ay lumabas ulit ng dorm at sinubukang hanapin ang lecheng 'yun.

"Damn it. Ba't ngayon ko lang kasi napansin?" inis na sabi ko sa sarili ko habang patuloy na naghahanap.

Matagal ko ng kasama ang usok na 'yun sa teapot kaya pamilyar na sa akin ang presensya niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ngayon ko lang naramdaman. At kung hindi ko siguro 'yun nakita, hindi ko pa rin mararamdaman na nandito 'yun.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay naramdaman ko na ang presensya niya ang tumayo ang mga balahibo ko nung mapagtantong nandito ako ngayon sa bukana ng dark forest.

"Come in, Lavender." mapang-asar na sabi niya gamit ang kaniyang malamig at nakaka-iritang boses at sinundan pa ng mahinang halakhak pero parang galing ito sa mga puno mismo nanggaling dahil sa lakas ng tunog na nagmula sa iba't-ibang direksyon.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon