Chapter 20: GLAMSPAB

1.6K 54 0
                                    

Chapter 20: GLAMSPAB

❇ ❇ ❇

= Blythe =

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Austin ng simulan kong pumili ng movie dahil nagsimula ng maging awkward ang atmosphere. Plus, mamatay siguro ako sa bagot dahil wala naman kaming ginawagawa. Ni mag-usap hindi. Naawa na rin ako kay Grae at Marco dahil ang sama ng timing nila.

Hindi pa rin nila alam ang dahilan kung bakit nandito sila Summer at Aria. Hindi nila alam kung para saan ang paghihintay na ginagawa namin pero parang gusto rin nilang makisabay or makisali.

"Horror na lang para mas masaya." sabi ni Aria kaya 'yun ang hinanap ko. Nung na-play ko na ang napili ko, inayos na nila ang mga couch paharap sa TV at pinatay ang ilaw.

Nasa-sahig si Grae at Marco, nasa-armrest naman nakaupo si Aria, at nakatayo naman sa tabi niya si Austin, habang nakaupo naman kami nila Luke, Paige at Summer sa mismong couch.

...

Kahit nakakatakot, naging masaya kami dahil sa malalakas na tili nila. Kahit lalaki tumitili. Hindi ko alam kung natural 'yun o sinasadya nila pero 'yun ang nagpasaya ng aming panonood.

Nawala na rin  ang bossy attitude ni Austin at bumalik na sa pagiging, ugh, I don't know the term.

"Guys, nagsimula na ang curfew. Tara na." sabi ni Aria ng nakatingin sa relo at nauna ng tumayo.

"Pwedeng makitulog na lang rito. Baka may makahuli diyan saamin eh. Ang layo pa naman ng dorm namin." sabi ni Marco at alam kong umaasa siya na papayag kami.

Wait. Diba friends lang naman ang nagkakaroon ng mga sleepovers? So this means, tinuturing na nila kaming kaibigan. Okay.

"Okay lang saakin pero may kailangan pa kaming gawin eh. Gusto niyong sumama?" sabi sakanya ni Austin at nagsimula naman ng mag-ayos.

"Saan?"

"Rule breaking." casual naman na sagot ni Luke.

"Sure." masayang sabi naman ni Grae. "It's already been awhile since we broke rules intentionally."

"Do you have any black clothes?" naka-busangot na tanong ni Aria.

"We're already wearing black pants kaya pang-itaas na lang ang kailangan namin." sagot naman ni Marco. "May extra pa ba kayong black na t-shirt?" baling niya naman kay Luke at Austin.

Hindi na sumagot si Austin pero sinenyasan niya ang dalawa na sumunod na lang na agad naman ginawa nung dalawa na sumunod sa kanya papunta sa kwarto nila ni Luke.

"Sino ang gusto ng face paint?" tanong ni Paige habang naglalagay ng itim na pintura sa magkabilang pisngi.

"Ako." energetic na sabi ni Aria at lumapit kay Paige na agad naman na linagayan.

"Ako rin." sabi ko naman at gumaya na rin si Summer. Lahat kami ay may face paint na nung lumabas sila Austin sa sa kuwarto nila.

"Let's do this."

...

Nauna naming puntahan ang library dahil ang rules ng library ang pinaka-madaling gawain pero nagpahinga muna kami ng ilang minuto papunta rito. Gosh. Ang layo! Ilang hagdan ang binababa namin at ilang minuto rin kaming tumatakbo.

As expected, sarado na ang library nung dumating kami. Sinubukang buksan ni Aria ang malalaking pintuan at buti na lang bukas ito. Siguro confident ang school sa security nito or may nauna ng dumating saamin. Alam kong isa lang sa dalawang 'yun ang dahilan.

"Shhhhhh." paalala saamin ni Paige bago dahan-dahang binuka ang pinto at pumasok.

Nung makapasok na kaming lahat, siniguro na muna namin kung may tao ba o wala sa pamamagitan ng pagsilip nila sa mga pagitan ng naglalalakihang bookshelves. At nung sinenyasan na nila kami na walang tao bigla na lang sumigaw si Austin na parang baliw.

Observe silence. I've observed silence and it is just a freaking word with the letters S, I, L, E, N, C.

Okay. Waley.

Nagsimula na rin silang mag-ingay pero hindi naman kami nagkakakalat or nanggugulo. Sumigaw lang talaga ang pinunta namin dito dahil ito naman talaga ang main rule ng library. Ang huwag mag-ingay.

"Ahhhhhhhh!" naki-sigaw na lang ako dahil ayoko naman maging killjoy at mukhang nage-enjoy rin naman sila sa pagsigaw at nakuha ko naman kung bakit.

It's fun breaking rules.

Hindi ko naman intention pero parang nawala lahat ng reklamo ko sa buhay at pansamantalang nakalimutan ko ang mga mapapait na nangyari saakin dahil sa isang sigaw.

Wala namang tumutulong luha pero parang mamasa-masa ang mga mata ko. Ugh. Life. Why do you have to hit like a bitch?

At tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sakit, lungkot, o saya pero parang gumaan na ang mga loob ko.

"Blythe." tawag ni Paige sa pansin ko na kaagad ko namang binigay. Ako na lang pala ang natirang sumisigaw. Shet. Kung kailan feel na feel kong sumigaw tsaka naman kululangan ng oras at ang mas malala pa ay ang awkward ng ng atmosphere namin.

Nginitian ko na lang sila para mawala ang pag-aalala nila. Lalo na kay Paige.

Sinunod naming puntahan ang likurang bahagi ng school. Hindi naman likod na likod. What I mean is 'yung mga part ng school na hindi na masyadong nagagagamit. 'Yung lugar malapit sa mga rooms na ginagamit ng mga clubs.

"So what are we gonna do in here? I'm pretty sure na wala naman ng rules ang part na 'toh." sabi naman ni Grae habang pinagmamasdan ang hallways na puno ng punit punit na posters and flyers. Nagmukha tuloy itong shooting scene sa horror movies.

"And can we please hurry up? This place is giving me the creeps." hanggang ngayon naninibago pa rin ako tuwing nagsasalita si Summer. Hindi naman dahil kilala ko na siya ng pangmatagalan kundi sa definition ni Paige at Aria sakanya.

"Magva-vandal tayo." sagot naman ni Austin at sinimulang ilabas ang mga spray paints sa itim na bag na dala niya.

Puno na rin ang mga walls ng vandal at may mga natapon ring pintura sa sahig. Siguro wala na talagang gumagamit ng lugar na 'toh. Sayang naman.

Kumuha na sila ng mga spray paints at nagsimula ng gumawa ng kahit na anong maisipan nila. Ako naman tiningnan muna ng matagalan ang apart paint bago gawin ang aking vandal.

Life is a bitch.

"Guys, gawa tayo ng signature natin." sabi naman ni Grae at gumawa ng malaking letter "G" gamit ang pintura niya.

Sinundan naman ito ni Luke na sinulat ang "L", kay Austin "A", at "M" naman kay Marco. Agad naman itong sinundan ni Summer na sinulat ang "S", sumulat na rin si Paige ng "P" at "A" naman kay Aria. Ako ang nahuli at sinulat ko na lang ang "B".

GLAMSPAB

Nakasulat ang salitang "GLAMSPAB" sa malaking pader na may iba't-ibang kulay ng pintura at writing font na ginamit.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon