Chapter 47: Sydney and Crystal Balls

569 17 0
                                    

Chapter 47: Sydney and Crystal Balls

❇ ❇ ❇

= Blythe =

Seriously?

Ganito na karami ang mga tumigil sa pag-exist? Damn. Ang sasama naman pala ng mga nakahawak sa mga Genie.

"How many are you here?" tanong ni Paige kay Victoria habang manghang-mangha rin ang expression.

"74 excluding you three." mabilis na sagot niya naman.

Pareho lang ang damit nila sa amin pero ang laki ng variety. May bata, teenager, adults, and senior. Tho, teenagers and majority.

Naiintindihan ko ang dahilan kung bakit may mga teens and adults rito pero hindi ko alam kung bakit may mga matanda at bata. Hindi naman sa pagiging judgemental pero mukhang wala siyang masyadong magawa.

Hindi ko nga rin alam kung paano nila nakayanan na makarating rito considering na ang layo at muntik na nga kaming mahimatay kakatakbo eh.

"Hey!" malakas na tawag ni Ares sa mga kasamahan niya dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang pagdating namin.

"Welcome Blythe, Paige, and Aria." sigaw naman ni Victoria. "Ang pinaka-bagong miyembro natin." dagdag niya pa na naging dahilan ng maraming pagbu-bulongan.

Nagkatinginan na lang kaming tatlo ng may pag-aalala sa mukha dahil hindi namin alam ang gagawin. Kung aarte ba na masaya or something like that.

Nginingitian ko na lang 'yung mga tao mapapalingon sa akin para hindi naman mag-mukhang rude. Especially since bagong salta lang ako rito.

Hindi pa rin tumitigil ang bulungan kaya lumapit na si Blythe kay Victoria.

"Uhm, pwede bang sa gilid lang muna kami?" magalang na tanong niya. "Hindi po kasi kami sanay na maging sentro ng atraksyon eh."

"Bahala ka." sagot naman ni Victoria at nagkibit-balikat pa kaya diretso naman kaming tumungo sa gilid.

Nung nasa-gilid na ko lang napansin ang itsura ng lugar. Malaking hall lang ito parehas sa labas ang disenyo at ang pinag-kaiba lang ay ang mga kumot na nagkalat at I think, personal stuff.

May mga tambak rin ng pagkain sa gilid na puro lang gulay, prutas, grains at kung ano pa man na galing sa mga halaman.

"I am not sure kung kaya kong mamuhay sa ganitong lugar." nanlulumong sabi ni Aria habang nakatingin sa mga taong nag-uusap.

I considered her point of view and I couldn't agree more.

Walang privacy. Walang meat, or at least wala kaming makita. Walang entertainment kung hindi ka makikipag-usap and kung ano pa man na mababaw pero malaki ang epekto sa buhay.

"Hayy, sana lang talaga maka-balik na tayo sa pinanggalingan natin." malungkot naman na sabi ni Paige, and once again. I couldn't agree more.

...

Nag-usap lang kami tungkol sa mga nami-miss namin sa outside world, lol, na nakarating sa mga randomness nung may dumating na isang babaeng kaedad namin ang lumapit sa amin.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon