Chapter 55: Flashbacks

618 19 0
                                    

Chapter 55: Flashbacks

❇ ❇ ❇

Ignorance is bliss.

❇ ❇ ❇

= Blythe =

Something is really off with this door.

Normal lang naman ang mga laman nito na parang sa normal na mansion lang which is weird dahil sa mga lugar na napuntahan namin sa loob ng teapot na ito ay ito lang ang normal.

High ceiling rin ito pero hindi tulad ng mga malalaking mansion kung saan naka-sabit ang isang chandelier na kalahati lang ang laki kumpara dun sa school but considering na napakalaki nun, malaki pa rin ito. I don't know what kind of wood it is pero sigurado akong mamahalin ang sahig at furnitures. May rag rin sa ilalim ng center table na may mga flower vase, magazines, etc, at naka-palibot dito ang mga couch na halatang malalambot at mamahalin.

"WOAH! If we haven't had the purple ball, I could live in here." nakangiting sabi ni Sydney habang inililibot ang kanyang mga mata.

"Yup." sang-ayon naman ni Paige.

"This is legit the best house I have ever been in." sabat naman ni Marco.

Nakarinig pa ako ng iba't-iba pang papuri para sa lugar na ito pero hindi ko na lang ito pinansin dahil pare-pareho lang ang mga tinutukoy nila at dahil na rin sa nararamdaman ko ngayon.

Naupo muna ako sa isang malambot na couch na pinakamalapit sa akin para makapag-pahinga ng maayos. This past few days kasi natutulog lang kami sa matigas at malamig na sahig na binalutan lang ng kahit na anong mahanap namin.

"Hayy." huminga ako ng malalim at dinama ang napaka-lambot na couch na hinihigaan ko ngayon.

Damn, I miss this feeling so much.

I miss existing.

I miss having comfort.

I miss the cafeteria food.

I miss my morning routines.

I miss, unfortunately, having a bitch fest with bitches.

I miss having lessons I never had before.

I miss having fun.

I miss walking like freaking runway models.

And I miss my freaking life.

Going in to this place is so depressing. Ngayon ko lang 'yun na-realize dahil ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras para mag-isip isip. Masyado kasi kaming pre-occupied kung paano kami makakalabas sa lugar na ito na binigyang sagot ni Summer.

"What are you thinking about?" tabong ni Austin na hindi ko napansin na naka-higa na pala sa ulunan ko.

"Nothing." sagot ko na lang dahil ayaw kong mag-explain. Gusto kong magkaroon ng kahit ilang oras lang na hindi muna pagganahin ang mga nerve cells ko para naman makapag-pahinga ako ng kahit kaunti.

"You really think I am that stupid?" tanong niya na sinundan agad ng isang mahinang tawa na ginaya ko na rin para hindi maging awkward ang paligid.

"No. I just want to rest my mind for a while and stop over thinking." sagot ko na lang ng nakangiti kahit alam kong hindi niya naman makita dahil halos magkadikit ang mga tuktok ng ulo namin.

"Pwese mo namang sabihin eh. Sana hindi na kita inabala." parang nahihiyang sabi niya and I can tell na medyo humihingi siya ng sorry.

"Okay lang." I feel so mean right now. "Nasaan nga pala ang iba?" pag-iiba ko ng topic.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon