Chapter 50: Instincts

606 18 0
                                    

Chapter 50: Instincts

❇ ❇

Always trust your guts.

❇ ❇ ❇

= Blythe =

Agad na kaming nag-simula mag-hanap ng mga shards na kung tutuusin ay wala namang kwenta para sa akin. Ano naman ang magagawa ng salamin na 'yun? I mean alam ko kung ano ang kayang gawin nun pero ano ang magagawa nito para sa amin?

Call it selfish pero sa tingin ko ay nagsasayang lang kami ng oras sa paghahanap ng mga piraso ng salamin na 'yun. Imbis na maki-close kami sa iba pang nandito, heto kami ngayon naghahanap sa mga 'yun. As if naman may maitutulong 'yun para makalabas kami.

Pero, kahit labag sa kalooban ko, naki-sama na lang ako. Nandito rin naman ang dalawa kaya okay lang. Medyo naka-close na rin namin si Sydney at naikwento niya na ang buhay niya at kung paano siya napunta dito. Habang kami ay narito dahil ginusto ng bitch na 'yun, nandito siya dahil sa kanyang pesteng sister-in-law.

Palagi rin naman siyang naka-ngiti pero hindi ako tanga para hindi makita ang mga tinatago niyang emosyon. Kalungkutan at galit.

"Let's try this one." sabi ni Aria habang naka-turo sa isang malaking pintuan pero medyo mas maliit kaysa sa magic archive.

"Sure." sabi naman ni Sydney at nauna ng tinungo ang pintuan kaya sumunod naman kami.

Nung hindi pa kami dumadating rito, may dalawa ng pirasong salamin na nahanap si Sydney, tapos nakahanap rin kami ng tatlo kanina kaya walong piraso na lang ng salamin ang kailangan naming mahanap.

Pumasok na kami sa loob ng pintuan na 'yun at malakas at malamig na hangin ang bumati sa amin. And what I mean by cold, I mean freezing!

How in the freaking hell is there a freaking snow world in this freaking door in a freaking desert?!

"A-ang l-la-lam-lamig." nanginginig na sabi ni Aria habang yinayakap ang sarili niya sa sobrang lamig ng lugar. Hindi naman kasi pang-lamig ang mga suot namin. Pang-desyerto pa nga eh.

"M-muk-h-hang w-wala na-man d-dito eh." nanginginig rin na turan ko.

"Ta-ra na nga." napipilitan rin na sabi ni Sydney dahil sobrang lamig talaga ng paligid. Sa tingin ko nga magkaka-sakit na ako dito eh.

"Look at that." hindi nanginginig na sabi ni Paige habang naka-turo sa tuktok ng medyo matangkad na bundok. Ikinagulat ko ang hindi niya panginginig pero agad ko naman na na-realize na ice nga pala ang element niya.

"Pa-paa-no?" tanong naman ni Aria na ngayon ay sobrang putla na sa sobrang lamig.

"Wait for me outside." seryosong sabi niya habang naka-focus lang sa piraso ng salamin.

"No." maka-hulugang sabi ko. Hindi ko siya kayang iwanan rito. Paano na lang kung may mangyaring masama sa kanya? No. Hindi ko kakayanin.

"Blythe." maka-hulugan rin na sabi niya na ngayon ay seryoso ng naka-tingin sa akin.

"Paige." panggagagaya ko sa kanya. "I'll light a fire." sabi ko at agad ko namang ginawa. Binato ko ng isang fireball ang isang malapit na maliit na kahoy na agad namang natupok ng apoy.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon