Chapter 42: Together

704 24 0
                                    

Chapter 42: Together

❇ ❇ ❇

More heads are always better than one.

❇ ❇ ❇

= Paige =

Boring.

Wala na naman ng teacher. Or kahit meron man, boring pa rin. Bihira kasi rito ang mga teacher na may magandang thrill. I mean, 'yung iba nga may thrill naman, pwede ka naman mamatay o bumagsak. Tulad ni Potions-bitch.

"Ano na kaya ang ginagawa ni Blythe ngayon?" tanong ni Aria na naka-upo sa table habang nagce-cellphone.

"Probably plotting revenge?" pabirong sagot ko naman.

"Probably." sang-ayon naman ng kambal ko. v(=∩_∩=)フ

Tapos nagtuloy-tuloy na ang pag-uusap namin tungkol kay Blythe at hindi ko alam kung paano pero nakarating na lang ito sa kung ano ang population ng mga taong gaya namin sa mundo.

Sana nagdala ako ng libro. T.T

Nakikipag-usap naman ako pero bagot na bagot pa rin ako. Hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala kay Blythe. Seriously, 24 hours of shit sticking to you like a second skin? I rather eat a spoon of soil. And that's already disgusting.

"Hey guys!" tawag pansin ng isang kaklase namin na malapit sa pintuan habang hinahabol ang kanyang hininga. Natahimik naman ang buong klase at hinintay ang kanyang sasabihin na agad niya namang ginawa nung makabawi na siya ng hininga. "There's something happening in the girl's bathroom."

At dahil mga dakilang echosero at echosera ang mga kaklase ko, nagpaunahan silang pumunta doon sa lugar na may gulo. Psh.

Mabuti na lang at may natira kahit konti. At least hindi lang kami ang bandwagon.

"What do you think is happening?" takang-tanong naman ni Austin.

"Don't know, don't care." sagot naman ni Aria na patuloy sa pag-kalikot sa cellphone niya.

"Hmmmm." sabi naman ni Luke.

"Seryoso?! Weh? Sunog talaga?!" rinig naming pag-uusap ng mga echosera na bumalik na sa room.

"Oo nga. Napaka-laki na. And take note. Nasa-likuran na ako niyan." sagot naman nung kasama niya.

Fire in bathroom? Psh.

"Ano ba kasi talagang nangyari?" tanong ulit nung isa.

"May vines sa labas so there's a high chance na isang Blackthorne ang may gawa and may sunog so I guess isang fire bender ang kalaban. I don't know. Nasa-likuran nga ako eh." sagot naman nung isa.

"Oo, sige sige." sabi nung nag-tanong at hindi ko na ulit pa pinakinggan pa ang mga sinasabi nila.

May point naman 'yung babaeng sumagot. Mga Blackthornes lang naman ang mga nature-benders na takaw-gulo sa lugar na ito at hindi malabong gumawa ulit sila gaya ng ginawa nila sa cafeteria pero ang naka-pagtataka is 'yung fire bender?

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon