Chapter 16: Creatures

2.1K 72 1
                                    

Chapter 16: Creatures

❇ ❇ ❇

Bitch please. Don't be proud if every guy wants you. Cheap items have many buyers.

❇ ❇ ❇

= Paige =

This. Is. An. Outrage. I know that I'm a grade-conscious girl not because I want to but because of our elder brother and the promise Luke and I made to our parents.

87. 87! I am pretty sure that we followed what's exactly written on that damn potions book. Gosh, we wasted our whole Friday afternoon for that.

What was it even for? Psh.

Tiningnan ako ni Luke at mukhang nagets niya naman agad ang ibig kong sabihin.

"What's your score?" tanong niya 'dun sa likuran namin.

"85."

"Thanks."

I may act like a freaking grade-conscious brat but not because I want to. But because of our freaking brother who wants us to follow his high-grades footsteps.

Psh. 85. Biased talaga ang creature na 'yun. Palaging mababa ang grade namin maliban sa mga kapwa niya creatures.

And what I mean about kapwa niya creatures ay 'yung mga ambisyosang bruhabels na sinagot ni Blythe. And that's why I was really excited nung sinagot niya ito. Hell, wala pang record sa history ang sumagot sa mga bruhang 'yon. Why? Because alam nila na somehow, connected ang mga creatures sa isa't-isa.

Ugh. Connections.

"Are you okay?" tanong saakin ni Blythe ng hindi ko maipaliwanag ang mukha. Mukhang natatae na concern na ewan pero tumango na lang ako bilang sagot.

Actually, this is the second highest score I got from her and I don't know how the hell she rate our project. Tinitignan niya lang ito then 'yun. May grade na. Kaloka. Hindi man lang sinubukan.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga class records niya, tatayo ulit ng taas noo at magle-leksyon ng kung anu-ano. Psh.

Hindi ko naman na kailangan pang makinig dahil nag-advanced reading na ako tungkol sa topic ngayon. Tungkol lang naman sa kung saan matatagpuan ang mga ingredients na maaari naming gamitin ngayong year at alam na namin ang iba sa mga nababanggit dahil ginamit na namin 'yun nung mga previous years.

And to be honest, mas may natutunan ako nung mga nakaraang tao kaysa sa ngayon.

Psh. Why am I even in this class?

"Psst." tawag saakin ni Aria na nasa-likuran ko lang. "87?" tinanguan ko na lang ang tanong niya at binalik ang tingin sa harap.

Mukhang walang naa-absorb ang utak ko dito eh.

Pasimpleng sinubsub ko na lang ang mukha ko sa desk pero hindi dahil gusto kong matulog pero gusto kong mag-cellphone ngayon.

Confident naman akong hindi ako makikita dahil nasa-pinakagilid ako at katabi ko naman si Blythe na mukhang tanga na nakabusangot habang nakikinig. I feel you, girl.

Natapos na nga ang period ng hindi ako nakikinig. Dumiretso agad kami sa cafeteria dahil labasan na ng mga estudyante at ayaw naman namin na maubos ang oras namin sa pila.

At gaya namin, binilisan rin ng iba ang paglalakad patungo sa cafeteria.

"Ugh." malakas na bagot na sabi ko dahil hindi man lang kami makadaan. Walang hiya.

"Chill lang kasi. Mukha kang hindi nakakain ng isang buwan eh." sabi saakin ni Luke at hinigit ako patungo kung nasaan si Austin, Aria, at Blythe.

Hayy. Suguro masyado lang akong dissapointed dahil sa mababang grade ng bruhang 'yun.

Ginawa ko na lang 'yung palagi kong ginagawa pag-frustrated or disappointed, ang mag-breathe in at breathe out.

Mukha akong tanga dahil ginagawa ko ito sa gitna ng dagat ng estudyante pero paki-alam nila. Sila ang buhusan ko diyan disappointment ko.

Habang ginagawa ko ang nakakahiyang breathing exercise na 'yun, bigla na lang akong hinila ng kambal ko hanggang sa makarating sa cafeteria.

Walang hiya rin itong kambal ko eh. =.=

And as expected, ang haba na ng pila. Bleh. Pumila na lang kami kaysa sa tumayo doon na parang tanga na wala namang mapapala.

Mabuti na lang at mabilis ang service dito kundi gumawa na ako ng iskandalo rito. I'm not exactly happy right now.

"Bow down to the queens." malakas na sabi ng isa sa mga creatures habang naglalakad papasok sa gitna ng cafeteria.

Wala naman ng sumunod. Psh. Mga assuming. Ito ang entrance nila everyday simula nung second semester nung first year kami pero wala naman ng sumusunod. Bakit? Kasi hindi naman kami natatakot kung anak man siya ng politiko o sadyang mayaman lang. Pare-pareho naman na may abilities at pride kaya manigas ka na lang.

Kung may isang bagay na mabuti sa pagkakaroon ng kapangyarihan ay ang pagkakaroon ng pride. Hindi kami matatapak-tapakan dahil sa oras na gawin 'yan saamin, giyera ang kakalabasan.

Hindi ko nga alam kung may hiya pa ba sa katawan ang mga nilalang na ito dahil napaka-awkward kaya ng mga ginagawa nila. Seriously. Aasta silang mga reyna, wala namang sumusunod.

Dumiretso sila sa unahan at wala naman kaming magawa dahil sa oras na umalis kami sa pwesto namin ay wala ka ng babalikan. Kaya minsan, mas mabuti ng maghintay kaysa sa madaliin.

"Move!" sigaw nung leader sa kanila pero walang gumalaw. I told you, it's a matter of pride and dignity. "I said move, you stupid creatures." wow. Lakas ng loob makatawag ng creature. =.=

Gaya ng kanina, wala na naman ng gumalaw kaya naiinis na ang bruhang creature at hinatak ang buhok ng isa sa mga nakapila.

"Summer." sabi ni Aria na nasa-unahan ko.

At hindi ko ineexpect ang sunod na mangyayari: hinatak rin nung Summer na 'yun 'yung buhok ni leader ng mga creatures.

Nagsimula ng mag-cheer ang mga estudyante. Pati 'yung mga nakaupo na tumayo para makita lang ang sabunutan ng dalawa.

"Don't touch me, you ugly--ahhh!" 'di niya na natapos ang sasabihin niya dahil mas nilakasan ni Summer ang paghatak sa buhok niya.

"Want me to break your ugly, bitchy, face? 'Cause I'm not in my best mood right now, and you decided to bully me? Wrong choice bitch!" sigaw naman pabalik ni Summer at nilakasan pa lalo ang paghatak sa buhok ni creature.

Napansin naman nung dalawang alipores na mukhang nahihirapan na si leader creature kaya tumulong na rin sila.

Ang daya! Three to one na tuloy ang labanan.

"I'll rip your heads off, bitches." sigaw ni Summer at hindi nagpatalo sa tatlo pero agad namang umaksyon ang iba pang estudyante at pinaghiwalay na ang dalawa.

Patuloy pa rin ang pagbabatuhan ng masasamang tingin at masasakit na salita pero mukhang talo pa rin ang tatlo.

"You'll pay for this." sabi ni leader creature at lumabas na ng cafeteria. Bumalik naman si Summer sa pila ng inaayos ang buhok at wala namang umangal.

Habang tumatagal yata, parami ng parami ang lumalaban sa mga creatures na 'yun ah. I like it. No. I love it.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon