Chapter 57: Past

608 14 0
                                    

Chapter 57: Past

❇ ❇ ❇

= Violet =

Kaka-alis lang nung bruhang Lavender ang pangalan and I couldn't be any happier since it's been a while after makalabas sa lecheng teapot na 'yun.

Ang boring kasi sa loob. Wala akong magawa. And bu that I mean, hindi ko maipagka-kalat ang knowledge ko sa ibang lugar.

Nasasawa na rin akong paglaruan ang mga napunta doon na tao kasi ang boring rin nila. Puro lang hanap ng pagkain, at matutulugan ang alam. Ugh. Hindi man lang magkaroon ng away.

Bumaba na ako sa inuupuan kong mushroom at pumasok na sa loob ng castle na tinatawag nilang academy. Psh.

Maganda naman ang disenyo ng lugar at mas may buhay kumpara sa tirahan namin dun sa teapot pero ang nakakainis ay gaya rin ito sa lecheng building na 'yun. Masyadong malaki! Nakakapagod.

And yes, parehas kami ng tinitirhan ni Lavender. Hindi niya lang talaga mahanap kung saan ako namamalagi dahil matalino ako at isa siyang tanga.

Hindi ko nga alam kung paano niya ako nagawa eh and I hate to admit it pero siya ang gumawa sa akin.

Being a genie is a freaking hard job, I know because I actually experienced it. You live alone for thousands of years and can only interact to a person who found the thing you're living in and come back after granting all of his or her wishes.

It often gets a little lonely since minsan lang kami mahanap. 9 years being the shortest and 124 human years being the longest.

Like I said, it often gets lonely and Lavender was the only one living in that teapoat that time so she decided to make someone (me, the amazing Violet) to keep her company which was not that hard considering her magical properties.

Diretso kami naging close dahil wala naman talaga akong ibang choice at that time. Hindi naman siya mahirap maging ka-close dahil kahit papaano ay natatagalan ko naman ang ugali niya.

Okay, I admit. We were inseparable.

We treat each other like sister and having major similarities in our looks. We knew everything about each other.

But all good things must come to an end, right?

It all went downhill nung unang beses na may makahanap sa teapot ni Lavender na namumuhay na ako.

May nakahanap sa teapot niya na isang babae na kasing edad namin mentally. As a genie, kailangan niyang tuparin ang kaniyang mga kahilingan which is tatlo pa lang nung mga oras na yun.

Like I said, kailangan niyang tuparin ang mga wishes nung babaeng 'yun kaya kinakailangan niyang lumabas ng teapot para magawa ito. Kaya naiwan akong mag-isa.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko since every second na nabubuhay ako ay kasama ko siya. Na-miss ko na rin siya kaya mukha akong nabubuhay na patay ng mga oras na 'yun.

Pinag-iisipan talaga ng babaeng 'yun ang kanyang mga kahilingan kaya umabot ng dalawang human years ang pag-silbi ni Lavender sa kanya. Nung nasa kalagitnaan pa lang nung mga oras na 'yun, nagtaka ako kung ano ang feeling ng nasa labas ng teapot kaya humanap talaga ako ng paraan para makalabas lang ng teapot at naging successful naman.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon