Epilogue

1.8K 29 0
                                    

Epilogue

"As you wish."

Pagkatapos tuparin ni Lavender and kahilingan ni Sophia ay agad itong nawalan ng malay. Agad kaming lumapit sa kanya para tignan ang kalagayan niya pero mukhang hindi naman ganun kalala ang kalagayan niya at humihinga pa naman.

Unti-unting nawala ang mga party decorations at ang rebulto ni Sophia na naging magical dust muna bago mawala.

Hindi pa rin makapaniwala si Violet sa hiniling ni Sophia pero kahit ganun ay bakas na bakas pa rin sa mukha niya ang saya at kaunting pagsisisi.

*shooom!*

Napatingin kami sa tunog na 'yun at laking gulat namin ng makita ang teapot ni Lavender.

"I guess it time to go." mahinang sabi ni Violet. Lumapit siya sa walang-malay na katawan ni Lavender at iniyakap ito ng mahigpit. "Thank you and I'm really sorry for everything." at tuluyan na siyang hinigop ng teapot.

Tumaas muna ng ilang talampakan ang teapot bago itong tuluyang sumabog at umiwan ng magical dust.

"I guess it happens every time a genie completes the last wish." sabi ni Marion at isa-isang bumalik sa akin ang mga alaala ko tungkol sa kanya.

Bumalik na ang inis ko sa kanya pero kahit papaano, masasabi kong hindi na ito ganun kalalala.

Wala pa ng nag-salita kaya naging awkward ang paligid.

"Ehem." tumikhim muna si Marion para makuha ang attention namin. "Yes, I know that I am a bitch but I'm talking not because I'm proud of it but because I want to say sorry to each and everyone of you." at tiningnan niya kami isa-isa na puno ng sinseridad ang mga mata.

"You eight. It was only supposed to be a one time bitchfest but because you fought back and won, it happened more than once. But I'm not blaming you though. It's all my fault and I'm sorry." pagpapatuloy niya pa.

"Apology accepted." sabi ni Paige at tinanguan na lang namin.

"Thank you... and Sophia and Cera. I am most sorry to you. I've been bossing you around since we were litte and I am really sorry for that. You could boss me around for as much as you want, just please forgive me."

Nagkatinginan muna ang kambal at nag-usap sa pamamagitan lamang ng mga mata at mukhang may nagkaisa na sa isang plano.

"Okay. We are not gonna boss you around and forgive you but for one condition..." sabi ni Cera kaya medyo bumakas ang kaba sa mukha ni Marion.

"Ililibre mo kami for three months." pagpapatuloy ni Sophia sa sinabi ng kakambal niya.

Nakahinga naman ng maluwag si Marion. "It's that it."

"Okay. Six months." sabay na sabi ng dalawa na nakangisi kaya nagtawanan kami at napa-busangot si Marion kahit halata namang masaya siya.

"Okay, it's my turn na." seryosong sabi na ni Sophia

"Uhm..." napatingin kaming lahat sa baba ng makitang unti-unti ng nagigising si Lavender.

"Lavender!!!" masayang sigaw ni Sophia at agad na dinaganan si Lavender.

Tuwang-tuwa ang lahat sa pagbalik ng malay ni Lavender at nung maka-recover na si Sophia sa shock tumayo siya kaya kami naman ang lumapit kay Lavender at yinakap rin siya pero hindi pinatagal dahil mukhang naghihina pa rin siya.

"I am so sorry, Lavender." sabi ni Sophia habang unti-unting tumutulo ang luha. "This is all my fault and I hope that you're not angry about the wish I made."

Nginitian na lang siya ni Lavender na ngayon ay nanghihina pa rin. May napansin rin akong kakaiba sa buong pagkatao niya at mukhang dahil 'yun sa pagkawala ng kapangyarihan niya bilang genie.

"Don't worry. You're forgiven." sabi niya pa at naupo na sa sahig para hindi na siya naka-higa.

Napangiti na rin si Sophia kahit may tumutulong luha. "Aside from Lavender, I also want to apologize to all of you..."

"Marion, I think that we have made our point but I am really sorry. Nobody deserves to be forgotten and to stop existing and if you want, I can forgive you even without the six months of treating me because to be honest, what I did to you is far worse than what you did to us. I am really sorry."

Napangiti si Marion at halatang pinipigilan na tumulo ang luha pero may nakatakas na isa. Lumapit na lang siya kay Sophia at Cera at yinakapa sila ng mahigpit at nag-sorry ulit.

"To you eight. I am really sorry. I knew you had a lot of troubles inside that teapot I can never imagine nor survive. I just want you to know that we were kind of jealous about your friendship and decided to ruin but failed. If its okay with you, we can be friends, or at least end this feud once and for all." hopeful na sabi niya habang isa isa kaming tinitingnan ng may ngiti sa mga labi.

To be honest, I still dont like her. After all those things inside that freaking teapot, na uh. But...

I suppose we can end this feud once and for all.

"Friends, thats not necessarily impossible but I'm pretty sure that it would be not now." sabi ko kaya malungkot na lang na napatango si Sophia.

"But... its okay to me if we finally end this feud." pahabol ko pa na sinangayunan na lang ng iba ko pang kasama.

I don't like holding grudges as much as possible and ending the feud is the most I can do at this time. I need time for the wounds to heal and I hope that they can respect my decision.

Nagkaroon ng maliit na ngiti si Sophia sa labi niya bago ipagaptuloy ang paghingi ng tawad niya.

"And finally, to my twin, Cera. I am really sorry to you because even though I didn't wished anything against you, I ruined your reputation because of my actions. Wala ka namang ginawang mali and yet, nakadamay ka pa rito at nadumihan ang pangalan mo. Sorry."

"Its okay, sis." sabi naman ni Cera at mahigpit na yinakap ang kakambal niya.

"Enough of all this drama na." nagbibirong sabi ni Aria na halatang pinapagaan ang mood. "Look, tayo na lang ang tao rito at papasikat na ang araw." sabi niya habang nakaturo sa sun.

"I agree. Who wants to watch the sunrise?!" masayang tanong naman ni Marion na agad namang sinagot nila Sophia ng taas kamay.

Tinaas ko na rin ang kamay ko kasi never pa ako nakakakita ng sunrise sa buong buhay ko and who am I to decline watching the sunrise with these people?

Inaya ko na rin 'yung iba ko pang kasama kasi I want this moment to be special and I want nothing more but to spend it with them.

"Tara na!!!" yaya nila kaya...

Humarap muna kami sa sunrise at nag-formation bago nagsimulang maglakad patungo sa direksyon nito like freaking runway models....

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon