Chapter 1

18.2K 246 4
                                        

Tahimik ang pamumuhay ni Marian sa kanilang bukid, kasama ang kanyang pinakamamahal na kapatid na babae, si Laura ang nakakababata sa kanilang dalawa, kasama din nila sa kanilang pamumuhay ang ama ni Laura, Si Lucio na siyang pangalawang asawa ng kanyang ina. Bata pa lamang ang kapatid ni Marian ng bawiin na sa kanila ng diyos ang kanilang ina, kaya naman si Marian ang nagtataguyod sa kanilang magkapatid. Ang ama naman ni Laura ay lasinggero kaya hindi na din nila inaasahan pa ito na makatulong sa kanilang pamumuhay, mahal na mahal ni Marian ang kapatid niya dahil ito na lamang ang meron siya at ito din ang pangako niya sa kanyang ina na hindi niya maaaring baliin kailanman. Bata pa si Laura ng mamatay na ang kanilang ina. Si Marian na ang halos nag palaki sa kapatid, siya na ang matatawag na ate at ina nito.


Matalinong babae si Marian, bukod sa pinagkalooban siya ng talino ay pinagpala din siya ng ganda, kaya naman hindi na nakakapagtaka na maraming lalaki ang nag nanais sa kanya, malakas makapang akit si Marian ng mga lalaki dahil na din sa ganda ng kanyang mukha at maging ng kanyang tindig at katawan, isa na dito ang matandang mayaman na si Don Alfredo, ang nag mamay ari ng lupang kanilang tinitirahan at kinukuhanan ng hanap buhay, maging ang mga lupa ng mga kababaryo ni Marian ay pagmamay ari din ng mga Grande. Ngunit kahit na malaki ang interes ni Don Alfredo kay Marian ay hindi kailanman naisip ni Marian ang patulan si Don Alfredo o gamitin ang kanyang talino at ganda upang umangat sa buhay.



"Ate, nandito si Don Alfredo." Tawag ni Laura sa kanyang Ate Marian na abala sa pag lalaba. Nilingon naman ni Marian ang kapatid at nakita niya agad ang matanda na nakasunod dito, may kasama ang matanda na dalawang unipormadong lalaki at may hawak din itong tungkod. Tumayo mula sa pagkakatalungko si Marian sa poso kung saan siya naglalaba.

"Naku Don Alfredo magandang umaga po." Bati agad ni Marian sa matanda.

Tinanggal naman ng matanda ang suot nitong subrelong parang pangabayo bago bumati agad kay Marian.

"Mas maganda kapa Marian sa umaga." Sabi ng matanda. Napangiti naman si Marian sa pambobola nito.

"Marian, papasukin mo naman si Don Alfredo sa loob ng bahay natin." Sabat ng amain nitong ama ni Laura. Inirapan naman ni Marian ang pangalawang ama, kahit kailan ay hindi nagustuhan ito ni Marian dahil na din sa pagiging tamad at lasinggerong amain.

"Pumasok po kayo Don Alfredo, pasensya na ho at magulo pa ang aming bahay." Dispensa ni Marian.

Pumasok naman si Don Alfredo sa loob ng bahay ni Marian, may dala pa itong mga tsokolate, bulaklak at iba't ibang imported na pagkain.

"Ano po ba Don Alfredo ang gusto ninyong inumin? Kape o Juice." Sabi ni Marian na ngayon ay nakatayo sa harap ng matanda.

Itinaas naman ni Don Alfredo ang kamay niya.

"Hindi na Marian, huwag kana mag alala pa. Ikaw ang sadya ko dito dahil may gusto akong sabihin sayo "Sabi ng matanda.

Sumeryoso naman ang mukha ng babae.

"Ano po ang gusto ninyong sabihin Don Alfredo?" Tanong ni Marian dito.

"Umupo ka muna Marian sa aking harapan, upang tayo ay magkaintindihan." Dagdag pa ng matanda. Ginawa naman ni Marian ang utos nito.

"Alam mo naman Marian na matagal na akong may gusto sayo, at alam ko na hindi mo pa nakakalimutan ang mga sinabi ko sayo noon tayo ay huling magusap nung nakaraan." Sabi ni Don Alfredo sa dalaga. May halo ang mukha ng matanda ng may pananabik. Hindi pa nakuha makuntento ng matanda. Hinawakan pa nito ang kamay ni Marian.

Dahan dahan naman tinatanggal ni Marian ang pagkakahawak ng matanda sa kanyang kamay.

"Pero Don Alfredo mawalang galang na po, hindi ko po kailangan gawin ang gusto ninyong pagpapakasal ko sainyo, unang una ay ano na lang ang sasabihin sa akin ng ibang tao, pangalawa kaya ko naman po itaguyod ang kapatid ko sa pamamagitan ng pag sasaka." Paliwanag ni Marian dito.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon