"Nandito na si Miguel!"
Sigaw ng bata habang papasok ng kanilang bahay, suot pa ang uniform at ang kanyang school bag. Sinalubong naman agad ni Marian ang kanyang anak.
"Mabuti naman at nakauwi kana anak. Pakiss nga si mama." Hinalikan naman ng bata ang kanyang ina.
"Kamusta ang araw mo ngayon?" Sabi naman ni Badi.
"Maayos naman po Tita Badi. Siya nga po pala may mabait na lalaki na binigyan po ako ng ice cream. Siya po si Tito L."
Napatingin si Marian sa sinabi ng kanyang anak.
"Sino kamo Miguel? Tito L. Sino naman yun?"
"Mabait po siya Mama.. Hinatid pa nga po niya kami pauwi ng mga classmate ko. Tapos nilibre niya pa po kami."
Lumapit si Marian sa anak at umupo sa harap nito ng sa ganun ay makapantay niya ang bata.
"Anak wag kang sumasama sa hindi mo kilala ah."
Tumango naman ang bata.
"Pero Mama mabait naman po siya."
"Kahit na anak. Hindi mo pa din siya kilala. Baka mapahamak ka di kakayanin ni mama kapag may nangyaring masama sayo."
"Sorry Mama."
Niyakap pa ng bata ang kanyang ina tanda ng paglalambing.
"Sige na anak pumasok kana sa loob at kakain na tayo ah."
"Opo mama."
Agad naman sinunod ni Miguel ang sinabi ni Marian.. Naiwan na lamang si Marian at Badi sa sala.
"Oh bakit na naman hindi maipinta yang mukha mo." Sabi ni Badi.
"Katulad ng dati pera na naman ang problema ko. Kahit na hindi ako kumain okay lang.. Basta wag lang ang anak ko." Wika ni Marian sa kaibigan..
"Sinabi ko na kase sayo friend mag apply na tayo sa G Corporation. Ayaw mo naman.. Sa mall lang naman tayo. Ang gandang opportunity na nga dahil kailamgan talaga nila ng empleyado." Paliwanag pa ni Badi.
"Pero-" hindi na natuloy pa ni Marian ang kanyang nais sabihin ng mag salitang muli si Badi.
"Ewan ko ba naman sayo kung ano yang dahilan mo at ayaw mo.. Nag titiis ka sa paglalabada mo pero kulang na kulang naman ang kinikita mo."
"Pero ano ang gagawin ko?!"
"Mag apply tayo doon. Papipiliin kita.. Yang dahilan mo o yang makakain ng anak mo.!" Matigas na sabi ni Badi.
Tila naisip ni Marian na tama ang kanyang kaibigan, pag aari man ng mga Grande ang gusto niyang pag trabahuhan ay iisipin na lamang niya na tapos na ang mga araw o panahon na iyon. At sisiguraduhin niya na hindi malalaman ni Lindon na nag bunga ang kanilang tagong relasyon noon.. Ang kailangan na lamang niyang gawin ay ihanda ang sarili para sa muli nilang pag haharap ng lalaki.
"Oh ano naba? Papasok ba tayo doon o maglalaba ka na lang at hahayaan mong magutom ang anak mo." Dagdag pa ng bakla.
Gagawin ni Marian ang kanyang iniiwasan. Muli ay kakapit siya sa mga grande para sa kanyang anak, pero sa pagkakataon na ito ay magiging mas matalino na siya at hindi niya hahayaan na siya ay masaktan lalo na ang kanyang anak na si Miguel.
"Oo. Sasama ako sayo."
"Yes! Mabuti naman friend at pumayag kana. Bukas na bukas din ay mag aapply tayong dalawa."
NAKAUPO LAMANG si Lindon at hinihintay ang tawag ng kanyang katiwala na si Raul upang malaman ang balita tungkol sa pag hahanap nila kay Marian Mercado. Pero sa dami ng napag alaman ni Raul ay iba't ibang tao na ang hinaharap ng lalaki sa kanya.
Dumating naman si Raul at katulad ng kanyang inaasahan ay bigo na naman ito sa pag hahanap sa babae.
"Sir. Bakit ba ayaw mo pang kumuha ng private imbestigator para lalong mas mabilis ang paghahanap natin." Tugon ni Raul sa kanyang ama.
Tahimik lamang si Lindon na tila nag iisip ng kanyang dapat na gawin.
"Hindi! Ayokong kumuha ng ganun. Hindi kriminal si Marian at ayokong guluhin ang buhay niya."
Tumahimik naman si Raul sa sinabi ng kanyang amo. Pero nakuha ang atensyon ng dalawa ng biglang may pumasok sa pintuan na hindi man lang kumakatok.
"At sino ang gusto niyong ipaprivate imbestigator, ganun ba siya kahalaga para pag aksayahan niyo ng panahon, oras o pera." Galit na sabi ni Zam na nakatayo sa harap nila.
"Pwede ba next time kumatok ka muna. Office ko ito kaya matuto kang rumespeto." Mahina lamang ang pagkakasabi ni Lindon pero may diin na hindi man lang tinitignan ang babae..
Lumapit si Zam kay Lindon at galit na ibignagsak ang kamay sa table ni Lindon.
"Ikakasal na tayo Lindon kaya may karapatan ako!"
Pinukol ni Lindon ng masamang tingin si Zam.
"Talaga bang nababaliw kana? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi kita kayang pakasalan alam mo yan!" Nagtaas na din ng boses ang lalaki.
Hindi alam ni Raul kung ano ang kanyang dapat na gawin dahil sa nakikitang pag tatalo ng dalawa.
"Tigilan mo na siya. Siya ang taong sumira ng relasyon niyo ng dad mo at ng pamilya mo.. Kalimutan mo na siya." Mahinahon na sabi ni Zam kay Lindon na puno ng pag susumamo.
Tumayo si Lindon na puno ng galit at puot ang mga matang nakatingin kay Zam.
"Bago pa siya dumating sa buhay namin matagal na kaming sira ng dad ko! At siya ang dahilan para magising ako sa katotohanan! Ako! Kami ng dad ko ang dahilan ng pag sira ng buhay ni Marian!"
Nang gigilid ang luha ni Zam sa mga sinabi ni Lindon sa kanya..
"Pero tapos na ang lahat. Kaya kalimutan mo na siya." Yumakap pa ang babae kay Zam pero agad na kumalas si Lindon..
"Hindi paba sapat ang Limang taon na hiniwalay mo ko sa taong mahal ko?" Hindi na mapigil pa ni Lindon na mapaiyak sa tuwing maaalala niya si Marian at kung paano niya iwanan at baliwalain ang babae.
Lalapitan sana muli ni Zam si Lindon pero biglang nagtaas ng boses ang lalaki kaya naman hindk na siya nakalapit pa.
"Lumayo ka sakin! Umalis kana!"
Galit na galit si Lindon. Kaya naman wala na din nagawa pa si Zam kundi ang umalis at sundin ang gusto ng lalaki..
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
عاطفيّةAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.
