Chapter 7

8.4K 166 4
                                    

MARIAN'S POV'S

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan na makita ko si Lindon na may kasamang ibang babae, alam kong mali ang nararamdaman ko pero kailangan ko tiisin ito para na din kay Alfredo.

Palakad lakad ako sa loob ng mansion ng mapadaan ako sa kwarto ni Lindon at mapahinto ako dahil sa narinig kong sigawan sa loob ng silid.

"The hell Lindon. Ginagawa mo lang akong tanga." Basag ang boses ng babae ng marinig ko itong pinag tataasan niya ng boses si Lindon, para akong itinulos sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa upang hindi ko marinig ang kanilang pag uusap. Pero hindi ko man lang nagawang umalis.

Laking gulat ko ng may bigla na lamang nagbukas ng pintuan ni Lindon. At iniluwa nun ang kasama nitong babae, natigilan pa ang dalaga sa kakatingin sa akin mula ulo hanggang paa, at inirapan pa ako bago ito tuluyan umalis, pero namilog ang aking mata ng bigla na lamang kasunod na lumabas ng babae si Lindon.

"What are you doing here?!" Seryoso ang pagkakasabi sakin ni Lindon, hindi ko magawang makapag salita.
"Napipi kanaba? Nakikinig kaba sa usapan namin?" Tanong muli nito. Lumakas ang kalabog ng aking dibdib, para kong natutunaw na kandila dahil sa biglaan namin pag haharap.
Dahan dahan inihakbang ni Lindon ang kanyang mga paa papalapit sa akin tapos ay itinapat niya ang kanyang bibig sa aking punong tainga.

"Ano man ang narinig mo! Wala kang pakielam doon." Mahina lamang ang pagkakasabi ni Lindon pero nakakakilabot. Matapos niyang sabihin yun sakin ay prente siyang naglakad palayo at ako ay naiwan mag isa sa aking kinatatayuan na tinitignan ko na lamang ang kanyang likuran na ngayon ay papalayo na sa akin.

ORAS na nang almusal, ilang araw na din hindi umuuwi si Alfredo, wala akong ibang kasama sa mansion kundi ang anak nitong si Lindon, Si Leo na kanyang kanang kamay at ang mga kasambahay lamang. Lalapit na sana ako sa mesa sa garden kung saan kumakain si Lindon upang siya ay aking sabayan, uupo na sana ako pero napahinto ako ng bigla siyang mag salita.

"Kailangan ba talaga kasabay kita kumain?" Nakatingin lamang ako sa kanya pero nakikita ko sa kanyang mga mata na seryoso siya sa kanyang sinasabi.

"Im Sorry, sige na hindi na lang ako kakaen."

Umalis ako sa hapag upang pumunta sa aking kwarto, mas maganda pa siguro nalayuan ko na lang siya. Pero habang ako ay nag iisa hindi ko mapigilan na mapaiyak, "bakit ba pakiramdam ko ang lupit niya?! Bakit ba ko nasasaktan ng dahil sa kanya??" Sunod sunod na sabi ko sa aking sarili. Naninikip ang aking dibdib. Kaya ngayon ay malinaw na ang lahat sa akin. Na ako ay pinaglaruan niya lamang at ginamit.

Lumabas ako ng silid suot ang aking uniform na gagamitin ko pang eskwela. Sakto at nakaalis na si Lindon, makita ko man siya sa eskwelahan ay iiwasan ko na lamang siya. Inihatid ako ni Leo sa school. Malayo pa lamang sa gate ng university ay nag papababa na ako sa sasakyan, dahil ayokong may makakita sakin at ayokong isipin nila na mayaman ko.

Habang ako ay naglalakad na tila wala sa aking sarili ay nagulat ako ng bigla nalamang may sumulpot sa aking harapan..

"Ikaw yung!" Pero tinakpan niya ang aking bibig at iginilid ako sa kung saan upang wala sa akin makakita.

Magkatapat ang mukha namin dalawa. Habang siya ay nag sasalita ay talaga naman malaking takot ang aking nararamdaman.

"Sa aking nakikita ay mahalaga ka para kay Lindon." Sabi pa nito.
Dahil sa hindi ako makapag salita ay iniiling ko na lamang ang aking ulo.
"Inoobserbahan ko kayong dalawa. Hindi ko alam kung ano ang relasyon niyo sa isa't isa pero nasisiguro kong magkasama kayo sa iisang bahay." Nakakakilabot ang boses ng lalaki.
"Pero nakakapag takang ayaw mo malaman na mag kakilala kayo." Dagdag pa nito. Tapo ay tumawa pa ito na parang pag tawa ni Santanas.

Pero naging malinaw sakin ang lahat ng mamukaan ko ang mukha ng lalaking ngayon ay aking kaharap, siya ang lalaking binugbog ni Lindon, at sa tingin ko ay gusto niyang gumanti, ako ang gagamitin niya upang magawa yun.

Naisip kong sipain ang kanyang hinaharap, at nagawa ko iyon. Tila nasaktan siya sa aking ginawa kaya naman ako ay agad na tumakbo pero sadyang mabilis ang mga pangyayari, napahinto ako ng makasalubong ko ang isang kulay pulang lumang kotse na pinasasabog sa mga action movies. Bumaba ang dalawang lalaking sakay nito at agad na lumapit sa akin, hindi ko nagawa pang lumaban dahil sa suntok na ibinigay nila sa aking sikmura na talaga naman nag pahina ng aking katawan. Isinakay nila ko sa kotseng luma. May kung anong masang sang na amoy ang pinaamoy nila sa akin, nakaramdam ako ng hilo.

"Diyos ko! Tulungan niyo ko!"

"Lindon, wag kang pupunta ano man ang mangyari."

Yun ang mga salitang lumalabas sa aking bibig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

------------

SUMAPIT na ang gabi, gulong gulo na ang mga tao sa mansion dahil sa nalaman nilang hindi pumasok ng school si Marian at ang nakakabahala ay gabi na ay wala pa ang babae.

Nakita ni Lindon na halos mataranta si Leo maging ang ibang kasambahay.

"Bakit para kang may bulate sa puwet Leo?" Pabirong tanong ni Lindon sa lalaki.

Magkahawak ang dalawang kamay ni Leo habang nagpapaliwanag kay Lindon.

"Calm down Leo, what's the problem? Sabi pa ng binata.

"Si - Si Marian Sir.. Hindi pa siya dumadating, hindi siya pumasok sa school." Paiwanag ni Leo.

"What?" Pumamulsa si Lindon.
"Baka naman tinakbuhan na kayo matapos niyang makuha ang ibang properties ni Dad." Sabi pa ng binata.

"Pero sir. Hindi magagawa ni Mam Marian yun. Kapag nalaman ito ng Senyor baka patayin ako nun." Takot na takot si Leo habang nakikipag usap ito sa kanyang Senyorito.

Biglang tumunog ang cellphone ni Lindon. Nakita ni Lindon na number lang ang nakalagay sa screen ng kanyang cellphone. Pero hindi na siya nag dalawang isip pa na sagutin ito.

"Lindon, pumunta ka sa lumang bodega sa tapat ng construction site malapit sa university, mag isa ka lang wala kang kasama. At walang makakaalam na kahit na sino. Kung gusto mo pang makitang buhay ang babaeng mahal mo." Pagbabanta ng tumawag sa knyang cellphone.

Yumukom ang kamay ni Lindon dahil sa galit na bigla niyang naramdaman. Nagmadali siya umalis upang puntahan si Marian.. Hindi na niya pinansin pa sila Leo at ang ibang taong nag aalala para kay Marian. Ang mahalaga ay mailigtas niya si marian kahit na maging kapalit pa ay ang kanyang buhay.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon