Chapter 28

5.8K 118 0
                                        


Nakaupo si Lindon sa loob ng kanyang opisina. Kakaalis lamang ni Zam kaya naman mainit pa ang kanyang ulo at para na naman siyang nawala sa kundisyon.

"Mr. President. Naghihintay na po ang mga aplicante sa (G) Mall. Oras na po para interviewhin sila." Wika ni Raul.
Napahawak naman si Lindon sa kanyang sariling noo.

"Hindi ako pupunta sa mall ngayon. Sabihin mo ang Manager muna ang mag iinterview sa mga branches natin." Utos ni Lindon na agad naman sinunod ni Raul.

Sobrang stress na ang lalaki dahil na din sa dami ng kanyang inaasikaso, ang mga mall na pag mamay ari niya, ang mga hotel at iba pa niyang ari arian na wala man lang siyang makatuwang sa pag aasikaso, kasabay pa ang paghahanap niya kay Marian. Maging ang trabaho ni Lindon ay nawawala na sa tamang kundisyon dahil sa dami ng kanyang iniisip.

Mayamaya pa ay bigla na lamang tumunog ang telepono sa loob ng opisina ni Lindon na agad naman niyang sinagot.

"Yes Hello."

"Sir. Secretarya niyo po. May visitor po kayo. Richard Santibaniez po." Sabi ng kanyang Secretarya. Napabuga naman ng hangin si Lindon ng malaman niyang nandiyan ang kanyang kaibigan na si Richard.

"Papasukin mo." Tapos ay binaba na ni Lindon ang telepono.

Bumukas ang pintuan at niluwa nun si Richard.

"Kamusta Chard.. Bakit ka napadalaw?" Sabi agad ni Lindon sa lalaki..

Nakatayo si Richard sa harap ng lalaki at nakapamulsa ang dalawang kamay. Lilinga linga pa ito sa paligid ng opisina ni Lindon.

"Talaga pa lang totoo ang balita. Lalo pa lang mas naging maganda ang pag papatakbo mo sa company ng dad mo!" Matigas na sabi ni Richard sa lalaki.

Ngumise naman si Lindon na parang nakakaloko kay Richard.

"Gusto ko lang sabihin sayo na hindi pera ng dad ko ang gumagana sa kompanya kundi sa pera ng ina ko na minana ko pa sa kanya. Ano ba talaga kailangan mo Chard? Hindi ka naman siguro pupunta dito para lang alamin ang mga bagay na yan."

Hinimas himas naman ni Richard ang kanyang baba bago nag salita.

"Hindi na ko mag papaligoy Ligoy pa Lindon.. Gusto kong pag usapan ang tungkol kay Zamantha."

"Sa tingin ko wala na tayong dapat pag usapan Chard. Kaya pwede kana umalis."

Tila nag init naman ang ulo ni Richard sa inasal sa kanya ni Lindon kaya naman lumapit siya sa lalaki at agad na kinuwelyuhan ito.

"Pakasalan mo ang kapatid ko! At wag muna guluhin pa si Marian!" Matigas na sabi ni Richard kay Lindon..

Nangisi naman si Lindon habang nakatingin ito kay Richard.

"At sino ka para sundin ko ang gusto mo! Siguro noon Chard tanga ako dahil sinunod ko ang mga sinabi mo. Pero ngayon ano kaya ang mapapala ko kapag inulit ko ang katangahan na yun."

Tila naginit naman ang ulo ni Richard sa mga sinabi ni Lindon kaya naman susuntukin na sana niya ang kaibigan ng makailag ito at siya naman ang gantihan ng isang malakas na suntok na dahilan para mapaupo siya sa kung saan..


"Sa tingin mo ba papayag ako na mag pasuntok sayo ulit.. Eh hindi hamak naman na mas magandang lalaki ako sayo.
Pang aasar pa ni Lindon.

Lumapit naman si Lindon sa kanyang telepono.

"Pumasok kayo dito sa room ko. May nang gugulo sakin." Mayabang na sabi ni Lindon.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ng dumating ang mga security Guard na agad pinalabas si Richard sa company ni Lindon.



MAAGA PA LAMANG ay nakapila na ang mga applicante sa mall ng G Corporation. At isa na doon ang mag kaibigan Marian at Badi. Dahil nga sa hiring pa ang mall ay siguradong matatanggap sila.

Hinawakan ni Marian ang kamay ng kaibigan..

"Oh friend para kang bangkay, ang lamig ng kamay mo." Sabi ni Badi.

"Friend uwi na kaya ako. Parang ayoko talaga mag trabaho dito." Sabi pa ni Marian.

"Naku friend nandito na tayo ah. Ako nga excited dahil nalaman ko ang mag iinterview pala saatin ay si Mr. Grande.. Napaka pogi daw nun ayon sa aking nababalitaan kaya hintayin na natin siya." Sunod sunod na sabi ni Badi.

Namilog naman ang mata ni Marian dahil sa nalaman.
"Kung si Lindon ang makakausap ko ay hindi maaari. Kailangan ko na makaalis. Hindi pa ito ang panahon para mag kaharap kami muli." Bulong ni Marian sa kanyang isipan.

Tatayo na sana ang babae mula sa kanyang kinauupuan ng biglang dumating ang isang may edad na babae. Ang head manager ng mall.

"GoodMorning Everyone. Nandiyan na po si Mam Laarni. Kaya please preapare yourself for the interview."

Lumungkot naman ang mukha ni Badi dahil sa nalaman.

"Hays! Kala ko si Mr. Lindon Grande na ang makakaharap ko mali pala ako." Sabi pa ni Badi.

Bigla naman nawalan ng pag kakataon si Marian na makaalis sa lugar.. Pero nakahinga sa ng maluwag dahil alam niya na hindi niya pa talaga makakaharap si Lindon ngayon. Hindi pa ito ang panahon.

Nagsimula na ang interview. Ilang oras din nag hintay ang dalawang magkaibigan pero dahil sa pag tiyatiyaga ng dalawa ay nalagpasan nila ang unang pag subok..

PAUWI NA ANG MAGKAIBIGAN Marian at Badi. Dahil tapos na ang kanilang unang interview. Naglalakad sila sa kalsada ng bigla na lamang may humawak sa braso ni Marian na dahilan para magulat si Badi at mapatili. Napatingin naman si Marian sa lalaking humawak ng kanyang braso kaya naman laking gulat ang naramdaman ng babae.. Nanlaki ang kanyang mata dahil sa lalaking ngayon ay nananatiling nakahawak Sa kanyang braso.

"Marian ikaw ba talaga yan?"
Nag niningning ang mata ng lalaking nakatingin kay Marian.

Pero iwinasiwas ni Marian ang kanyang braso upang mabitawan siya ng lalaki.

"Isipin muna lang na hindi tayo nagkita."

Lalagpasan na sana niya ang lalaki ng bigla siyang yakapin nito.

"Ang tagal na panahon Marian mula ng lumayo ka!"

Pero tila matigas na ang puso ni Marian kahit kaunting luha ay wala man lang lumabas sa kanyang mata.

Pero si ang lalaki ay nananatiling nakayakap sa kanya.

"Bitawan mo ko Chard.."

"Hindi Marian. Hindi kita bibitawan. Ang tagal kong hinintay na magkaharap tayong muli."


"Bitawan mo ko Chard.."

Dahan dahan tinanggal ang pagkakayakap ni Richard kay Marian..

Halos magkandarapa si Marian sa paglalakad palayo kay Richard. Makalipas ang matagal na panahon ay muli silang nagkitang dalawa sa hindi inaasahan na pagkakataon, alam ni Marian na si Richard ang tumulong sa kanya noon para makaahon sa impyernong kinabagsakan niya noon, pero sa ngayon ay ayaw na niya ng ano man komunikasyon sa mga taong naging parte ng mapait niyang buhay sa nakaraan.


"Aray! Friend, dahan dahan ka naman sa paglalakad ang sakit na ng paa ko. At sino ba kase yung lalaki na yun. Nung makita mo siya para kang nakakita ng multo." Sunod sunod na sabi ni Badi sa kaibigan.


Nang makalayo na sila kay Richard ay bigla na lamang napahinto sa paglalakad si Marian.


"Wag muna lamang pansinin friend. Dating kakilala ko lang siya."



"Ganun? So kung dati mo na din akong kakilala at magkikita tayong muli. Ganun din ang attitude mo sakin?!" Tugon naman ng bading.


"Wag kana nga maraming tanong dyan. Tara na baka hinihintay na tayo ng anak ko."

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon