NATAPOS na ni Marian at Badi ang lahat ng interview nila sa Mall ng G Corporation at binigyan na din sila ng araw kung kailan sila mag sisimula. Naiisip ni Marian na unti unti na naman siyang napapalapit sa buhay ng mga Grande at yun ay ang matagal na niyang iniiwasan na mangyari, pero dahil na din sa magandang oportunidad ng kanilang trabaho ay ginawa na niya ang bagay na yun upang mabuhay niya ng maayos ang kanyang pinakamamahal na anak, napag isip isip din ni Marian na matagal ng panahon ang lumipas mula ng mangyari ang lahat. At wala naman din alam na kahit na sino kung sino talaga ang tunay na ama ni Miguel kaya naman wala na siyang dapat na ikatakot pa."Gosh friend! Lumalakas ang ulan." Sabi ni Badi na nakatakip pa ang isang kamay sa sarili nitong ulo.
"Tara tumakbo na tayo upang makasakay na agad tayo ng jeep." Wika naman ni Marian. Pero papalakas na ng papalakas ang ulan kaya naman tumakbo na ang dalawang magkaibigan. Pero dahil sa lumalabo na din ang kalsada dahil sa lakas ng buhos ng ulan ay tumawid ang dalawa sa kalsada at napahinto at napasigaw ang dalawa ng biglang may sasakyan na bumusina sa kanilang harapan.
"Ayyyyyyyyyy!!!!""" Sigaw ni Badi at Marian.
Huminto naman ang sasakyan dahil sa biglang pag tawid ng dalawa. Pero mabilis na nakaalis ang magkaibigan.
"Shit! Sir biglang may tumawid." Sabi ng driver ni Lindon.
Napatingin si Lindon sa dalawang magkaibigan at laking gulat ni Lindon ng mamukaan niya ang babae. Namilog ang mata ni Lindon sa kanyang nakita.
"Ma' ma ' Marian." Mahinang sabi ni Lindon sa pangalan ng babae.
Bumaba si Lindon ng sasakyan na hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Iniikot niya ang kanyang paningin upang makita muli ang kanyang nakita. Tumakbo si Lindon para habulin ang magkaibigan na nag mamadali dahil na din sa lakas ng ulan. Pero dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na ito naaabutan pa ni Lindon.
"Sir. Mag payong po kayo at baka magkasakit kayo." Sabi ng driver na sinundan si Lindon dala ang payong.
Parang walang narinig si Lindon sa sinabi ng kanyang driver. Napahilamos pa si Lindon sa sariling mukha dahil sa inis na kanyang nararamdaman..
NASA LOOB NA NG kanyang kwarto si Lindon. Tahimik ang buong paligid, samantalang ang lalaki ay walang tigil sa pag lalasing. Habang hawak niya ang litrato ng isang babae na kanina pa niya tinititigan.
"Ikaw ba talaga ang nakita ko? O nakita ko lang yun dahil ikaw ang laging iniisip ko? Nasaan kanaba? Bakit ayaw mong magpakita." Sabi ni Lindon habang hawak ang litratro ni Marian.
Hindi mapigil ni Lindon ang mapaluha sa tuwing makikita niya ang mukha ni Marian sa litratong hawak niya.Biglang tumunog ang cellphone ni Lindon na agad naman sinagot nito.
"Hello."
Garalgal pa ang boses ng lalaki na mahahalata ang pag iyak nito."Sir. Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Raul sa kabilang linya.
"Yes. I'm okay. May mahalaga kabang sasabihin?" Tanong naman ni Lindon.
"Ah eh sir. Tatanong ko lang kung pupunta kayo ng mall bukas. Bukas na kasi ang start ng mga bagong aplicante." Tugon ni Raul.
"Yes! Pupunta ko bukas."
"Sige po Sir. Goodnight po."
Tapos ay naputol na ang tawag.Muli na naman binalikan ni Lindon ng tingin ang litrato ni Marian. Ito ang kaisa isang litrato na tinitignan niya sa tuwing maaalala niya ang babae. Sa isa sa pinaka paborito niyang silid sa mansion ay pinapinta niya pa sa pader ang mukha ni Marian, ang silid na yun ay dating bodega na pinaayos niya pa habang siya ay nasa america. Espesyal para kay Lindon ang silid na yun dahil noon ay ito ang nag sisilbi nilang tagpuan ng babae. At ang silid na yun ay puno ng ala ala nilang dalawa.
Pero sa isang parte ng mansion ay may tila iniiwasan si Lindon na lugar, at iyon ay ang silid ng kanyang ama. Sa silid na yun nahirapan ng husto ang kanyang mahal na ina at ang kanyang minamahal na babae. Sa silid din na yun napatay niya ang sarili niyang ama dahil sa galit at puot.
SUMAPIT NA ang umaga, dumating si Zamantha sa mansion at agad na nag tungo sa kwarto ni Lindon, naabutan ni Zam ang natutulog na lalaki at nag kalat na bote ng alak sa sahig nito. Pero napansin din ni Zamantha ang hawak na picture frame ni Lindon na agad naman niyang kinuha sa kamay ng lalaki. Napatakip sa sariling bibig si Zam ng makita niya kung sino ang babaeng naka litrato.
Nagising naman si Lindon ng maramdaman niyang may ibang tao sa kanyang kwarto at nakita niyang hawak ni Zam ang litratong matagal na niyang iniingatan.
"Bakit mo ginagawa ito? Mahal mo pa din siya? Hindi mo pa din siya nakakalimutan?" Umiiyak si Zam habang nakatingin kay Lindon. Seryoso naman ang mukha ng lalaki na nakatingin lang kay Zam.
Inagaw bigla ni Zam ang frame na hawak ni Lindon.
"Hayop ka Marian!" Sigaw ni Zam at ibinagsak sa sahig ang frame na dahilan upang mabasag ito.
Nanlaki ang mata ni Lindon dahil sa ginawa ni Zam. Hinawakan ni Lindon ang magkabilang balikat ng babae.
"Nababaliw ka na ba talaga? Bakit mo ginawa yun." Nanlilisik ang mata ni Lindon na nakatingin kay Zam.
"Ikaw ang nababaliw na Lindon! Gumising kana! Kalimutan mo na si Marian."
Dahil sa galit na nararamdaman ni Lindon ay bigla na lang niyang hinawakan sa leeg si Zamantha.
"Kahit kailan hindi ko magagawang kalimutan si Marian."
Nanlilisik ang mata ni Lindon at humihigpit pa ang hawak nito sa leeg ng babae
"Siya lang ang babaeng mamahalin ko at hindi ikaw."
Halos tumirik na ang mata ni Zam dahil sa higpit ng pagkakasal sa kanya ni Lindon. Batid ng babae ang galit na nararamdaman nito.
Nang bigla na lamang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Lindon na dahilan upang bitawan ng lalaki si Zam.
"Leave me alone!" Mahinang sabi ni Lindon.
Uubo ubo pa si Zam dahil sa pagkakasakal sa kanya ng lalaki.
"Pero Lin."
"I Said. Leave me alone!!"
Nagtaas na ng boses si Lindon at tila wala naman nagawa pa si Zam kaya lumabas na lamang ito ng silid ni Lindon ng umiiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/84436715-288-k51254.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.