Mag isang kumakain si Marian ng Breakfast sa Garden, hindi niya kasabay kumain ang Senyor dahil sa maaga itong umalis upang pumunta sa company. Tahimik na kumakain si Marian sa mesa ng bigla na lamang niyang marinig sa kanyang likuran ang boses ng binatang si Lindon.
"GoodMorning My Young Step Mom." Sabi pa nito. Lumapit pa ang binata kay Marian at tumabi pa ito sa upuan. Samantalang si Marian naman ay nagbubulag bulagan at hindi na lamang niya pinapansin pa ang lalaki.
"Uyyyy! Hindi yata kayo sabay kumain ng papa ko." Sabi pa nito, pero sadyang hinahabaan ni Marian ang kanyang pasensya na baliwalain na lamang ang mga sinasabi ni Lindon sa kanya. Pinagpapatuloy lamang ni Marian ang kanyang pagkain.
Hihigop na sana si Marian ng mainit na sabaw na nakahain sa hapag ngunit natigilan siya dahil sa mga sinabi pa na pang aalipusta sa kanya ng binatang si Lindon.
"Im sure sarap na sarap ka sa pagkain, alam ko naman na first time mong makakakain ng ganyan." Mayabang na wika ng binata.
Napahinto naman si Marian dahil sa binitiwang salita ni Lindon sa kanya, binigyan na lamang niya ng masamang tingin si Lindon.
Tumawa naman ng malakas si Lindon, pero tumigil din ito ng makita ang pag lapit ni Leo kay Marian.
"Ano na po ang balita?" Tanong ni Marian kay Leo.. Puno ng pag aalala ang mukha ng babae at napansin naman ni Lindon yun, kaya naman tumigil muna si Lindon sa pag sasalita.
"Ganun pa din po Ma'am, pero binayaran ko na ang lahat kaya wag na kayong mag alala pa." Sunod sunod na sabi ni Leo. "Ma'am, handa na din po pala ang lahat ng kailangan niyo para sa pag pasok niyo ng University bukas, katulad po ng hiniling niyo kay Senyor ay walang nakakaalam na kayo ay kasal sa kanya at wala din nakakakaalam na meron kahit anong namamagitan sa inyo." Dagdag pa ni Leo kay Marian.
"Maraming Salamat Leo." Wika ng babae.
Napatayo naman si Lindon sa kanyang pagkakaupo, ng marinig niya ang sinabi ni Leo.
"What?? Mag aaral ang babaeng yan sa University?" Gulat na tanong ni Lindon kay Leo.
"Opo Senyorito, iyon ang bilin ng Senyor, maging ang kanyang kapatid ay baka pumasok din po doon." Paliwanag ni Leo kay Lindon.
Bumaling ng tingin si Marian sa binata.
"Huwag kang magalala Lindon, hindi hindi kita guguluhin doon." Tapos ay umalis na ang babae.. Inirapan na lamang niya si Lindon at hindi na ito pinansin pa..
"Senyorito, aalis na din po ako." Pag papaalam ni Leo kay Lindon.
Naiwan naman mag isa si Lindon sa kanyang kinatatayuan, napabagsak na lamang ng upo si Lindon dahil sa kanyang nalaman, makakasama niya ang kanyang Young Step Mom sa University kung saan siya nag aaral, pero malinaw sa isip ni Lindon na talagang pera, kapangyarihan at kayamanan lamang ang habol ni Marian sa kanyang ama. Hindi nalalayo si Marian sa mga babae ng kanyang ama..
SUMAPIT na ang gabi, dahil sa tahimik na ang lahat at namamahiga na ay naisipan muna ni Marian na lumabas ng kwarto upang pumunta sa kusina upang uminom ng tubig, suot niya ang kanyang Night Gown na puti, hindi na niya inisip pa na mag palit ng damit dahil halos wala din naman makakakita sa kanyang itsura. Dahan dahan niyang inihakbang ang kanyang paa pababa ng hagdan.
Pero natanaw niya ang maliit na awang ng pintuan ng isa sa mga kwarto, kaya naman dahan dahan siyang lumapit doon at pumasok siya sa loob ng kwarto, sa isang sulok ng kwarto ay napansin niya na may tao.
"Sino ka? Ano ginagawa mo diyan?!" Tanong ni Marian, hindi niya makilala ang lalaki dahil sa madilim na lugar. Pero hindi kumikibo ang lalaki. Kaya naman pinindot ni Marian ang ilaw, at napatakip pa ng bibig si Marian dahil sa kanyang nakita.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
Любовные романыAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.