Chapter 4

9.5K 196 4
                                        

Nasa harapan na ng pintuan ng Liblary ng kanyang ama si Lindon, ngayon na ang araw na talaga naman ipinangangamba niya, yun ay ang muling pag haharap nila ng kanyang ama.

Pipihitin na niya ang seradura ng pintuan, pero tila malakas ang pakiramdam ng Senyor dahil agad nitong nalaman na siya ay nasa labas na ng liblary.

"Maaari kana pumasok." Biglang sabi ng matanda.

Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Lindon. Pumasok na siya sa loob at naabutan niya ang kanyang amang nakasilip lamang sa malaking bintana ng opisina nito.

"Gusto mo daw ako makausap, sabi sakin ng alalay mo." Matigas ang pagkakasabi nito ni Lindon sa kanyang ama.

Hindi naman siya nililingon nito, patuloy lamang ang pag inum nito sa kupitang hawak nito na may laman na brandy.

"Pinapunta kita dito dahil nais kong sabihin sayo ang mga nangyari nung ikaw ay umalis dito sa mansion." Sabi ng matanda.

Pumamulsa naman si Lindon at nag seryoso ang mukha nito.

"Hindi mo man lang pinasabi na ikaw pala ay babalik dito sa mansion." Dagdag pa ng matanda.

"Dapat ko paba sabihin sayo ang mga nangyayari sa buhay ko? Tinapos ko na ang pagiging mag ama natin ng mamatay ang ina ko!" May diin ang pagkakasabi ni Lindon habang kausap ang sariling ama. Halos mang gilid ang luha ng binata habang sinasabi ang mga katangang yun sa Senyor.

Lumingon naman si Senyor sa anak, maging ang mga mata ng matanda ay galit na dahil sa mga binitawang salita ni Lindon. Dahan dahan lumapit ang Senyor kay Lindon at isang malakas na suntok ang pinakawalan ng matanda. Bumaling naman bahagya ang ulo ni Lindon dahil sa suntok na pinakawalan ng kanyang ama.

"Paano mo nasasabi sakin yan! Tandaan mo anak lang kita.!" Wika ng matanda kay Lindon.

Pinahiran naman ng kamay ni Lindon ang bahagyang dugo sa kanyang bibig.

"Hindi kita ama." Tapos ay tumalikod na si Lindon upang lumabas ng pinto, ngunit pag bukas niya ay agad niyang nakita ang isang babaeng nakatayo dito, makikitaan ng kalungkutan ang mukha ng babae..

Napahinto naman si Lindon sa harap ng babae.

"Sino kaba talaga?!" Biglang pag tataas ng boses ni Lindon dito.

"Gumalang ka sa kanya! Siya ay aking asawa at siya ang iyong pangalawang ina." Madiin na sabi ng Senyor kay Lindon.

Isang masamang tingin ang ibinalibang ni Lindon kay Senyor Alfredo, namumula ang mata ng lalaki dahil sa galit na nararamdaman sa ama.

"Hindi ko makukuhang galangin ang mga katulad mo!" Bulong ni Lindon kay Marian bago ito tuluyang lagpasan ang babae.



Pag alis ni Lindon ng Liblary ay siyang biglang pag bagsak ng matanda, tila nahirapan ito huminga dahil sa naging pag haharap nila ng sarili niyang anak.

"Alfredo." Tawag ni Marian sa pangalan ng kanyang asawa.
Inalalayan ni Marian si Senyor Alfredo upang dalhin ito sa silid.



SUMAPIT na ang umaga, habang naglalakad si Lindon pababa sa kanilang Sala ay narinig niya ang tinig ni Marian at may kausap ito sa telepono.

"Huwag kayong mag alala, magpapadala ako ng pera."

Narinig ni Lindon si Marian na may kausap sa telepono.

"Sige, pupunta ako diyan kapag nakaalis ako dito sa mansion. Bibigyan ko kayo ng lahat ng kailangan niyo!" Dagdag pa ng babae sa kausap nito sa kabilang linya.

Nang ibaba na ni Marian ang telepono ay narinig ng babae ang palakpak ni Lindon habang ito ay papalapit sa kanya.

"Mukhang napakarami mong pera para mamigay ka diyan sa kausap mo! Hindi naman katakataka kung bakit mo pinakasalan ang aking ama, alam ko na ang dahilan! Dahil siya ay maraming pera." Sabi ni Lindon.

Hindi naman makatingin ng tuwid si Marian sa mata ng lalaki, mas pinipili na lamang nito ang wag mag salita at tiisin ang lahat ng sinasabi nito sa kanya.

Itinapat pa ni Lindon ang kanyang mukha sa mukha ng babae.

"Bakit para kang napipi? Dahil ba totoo ang aking mga sinasabi?" Pang aasar pa ng binata kay Marian.

"Hindi totoo ang sinasabi mo!" Galit na sabi ni Marian habang magkatapat ang kanilang mukha.

Pero ang labis na ikinagulat ng babae ay ng biglang hawakan ni Lindon ang kanyang batok at bigla siyang isubsub nito sa malapad na dibdib ng binata.

"Sayang Marian. Type pa naman kita." Malambing ang pagkakasabi ni Lindon kay Marian ng kanyang mga kataga, biglang bumilis ang pintig ng puso ni Marian dahil sa ginawa ni Lindon, ngunit na matauhan ang babae ay kanya agad naisip na mali ang kanilang ginagawa kaya naman tinulak niya palayo sa kanya si Lindon.

"Bitawan mo ko!" Isang sampal ang binigay ni Marian sa mukha ni Lindon.

"Bigyan mo ko ng kahit konting respeto Lindon, kasal ako sa daddy mo!" Galit na sabi ng babae.

Nangisi naman si Lindon dahil sa sinabi ng babae sa kanya. Pero inilapit nito ang bibig sa punong tainga ni Marian.

"Opps. Sorry! Muntik ko nang makalimutan, ikaw nga pala ang aking Step mom." Pang aasar pa ng binata.

Nang gigilid ang luha ni Marian sa inis at galit na nararamdaman niya para sa anak ng kanyang asawa. Tatalikuran na sana niya ito pero narinig muna niya ang huling sinabi ni Lindon sa kanya.

"Wag kang mag alala Young step mom. Bibigyan kita ng respeto." Pahabol pa ni Lindon dito.. Pero mas pinili na lamang ni Marian na huwag pansinin ang mga sinasabi sa kanya ng binata.

Naiwan na lamang si Lindon sa kanyang kinatatayuan at tinitignan na lamang ang likuran ni Marian na ngayon ay papalayo na sa kanya.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon