Bagong Yugto

6.2K 131 4
                                        


"Lumayas kayo sa pamamahay ko!"
Galit na sabi ni Mrs. Lopez habang kinakaladkad si Marian palabas ng bahay nito. Maging ang anak ni Marian na Apat na taong gulang ay kasama sa pag papalayas ng matanda.


"Bitawan mo ang anak ko at bitawan mo ko matanda ka! Aalis kami sa bahay mo.. Wala kang kwentang amo. Sayang lang ang pag papakahirap ko sayo." Galit na sabi ni Marian sa matandang babae..


Binalibang ng matanda ang lahat ng gamit ng magina sa labas ng bahay.


"Wag na kayong babalik dito!"
Tapos ay padabog na isinara ng matanda ang gate at naiwan sa labas ang maginang Marian at Miguel.


Umiiyak ang bata habang hawak niya ang kamay ng kanyang ina.


"Mama, pinalayas na po tayo. Saan na po tayo pupunta?" Umiiyak ang batang nakatingin sa ina.
Umupo naman si Marian sa harap ng kanyang anak upang mag pantay sila.
Pinunasan ni Marian ang luha ng kanyang anak.


"Wag kana umiyak anak, hindi ba lagi kang pinagagalitan ng matanda na yun. Ngayon hindi na niya magagawa yun sayo." Paliwanag ni Marian sa anak na walang tigil sa pag iyak.

"Pero saan na po tayo titira mama?!"

"Pupunta tayo kay Tita Badi mo at doon tayo titira. Hahanap ng trabaho si mama at para makapag aral kana ulit anak ko."
Niyakap ni Marian ang kanyang anak na si Miguel.


"Anak, lahat kakayanin ni Mama wag lang tayong magkahiwalay.." Ginantihan din ni Miguel ang yakap ng kanyang ina.

Tinitibayan ni Marian ang sarili niya para sa kanyang anak, dahil si Miguel ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay pa siya sa mundong ito..

Nasa harap na ng bahay ng kaibigan ni Marian ang mag ina. Kinatok ni Marian ang pintuan.. At agad naman na nag bukas ito.
"Marian ano nangyari sainyo? Bakit dala niyo ang mga gamit niyo." Tanong agad ng kaibigan ni Marian. "Pumasok nga kayo sa loob." Dagdag pa nito.

Pumasok naman ang magina sa loob ng bahay ni Badi.

"Ah eh! Badi -"

"Shsh.. Wag kana magpaliwanag. Pinalayas kana ng amo mo at gusto mong dito tumuloy sa bahay ko."

Napatango na lamang si Marian sa mga sinabi ni Badi. Tira marahil na ganun na nga ang kailangan nilang mag ina.
Nag cross arms pa ang bading at tumingin muli kay Marian.

"Alam mo friend. Ang gulo mo din noh! Siempre naman pwede kayo ditong tumira mag ina.. Matagal ko na sinasabi sayo yun pero ikaw ang may ayaw."


"Maraming salamat talaga friend. Sabi ko na nga ba at maaasahan kita.." Masayang sabi ni Marian sa kaibigan nitong bading..


Lumapit naman si Miguel sa kanyang Tita Badi at yumakap ito sa binti.

"Thank you Tita Badi." Malambing na sabi ni Miguel sa bading..

Kinurot naman ni Badi ang pisngi ng bata.

"Alam mo ba kung bakit gusto ko tumira kayo dito. Dahil gusto ko lagi akong nakakakita ng poging bata araw araw."

"Salamat po ulit tita badi."

Matagal na din mag kaibigan si Badi at Marian, mula ng pinag bubuntis ni Marian si Miguel ay magkaibigan na ang dalawa, si Badi ang tumulong sa kanya ng mga araw na mag isa lang siya at kailangan niya ng karamay at hanggang ngayon na malaki na si Miguel ay magkaibigan pa din sila..

-+++++++++++-

NASA HARAP ng Tv si Marian at Badi at namunuod sila ng news.

"Tulog naba si Miguel?" Tanong ni Badi sa kaibigan.

"Oo natutulog na siya."

Nagsindi pa ng sigarilyo si Badi at itinaas pa ang paa sa maliit na mesa.

"Alam mo Yan. Ang gwapo ng anak mo. Minsan nga iniisip ko kung may lahi ba ang tatay niya. Ang tagal na natin mag kaibigan pero hindi ka man lang nag kukwento sa akin." Wika ni Badi habang walang tigil sa pag hithit ng sigarilyo.


"Matagal ko ng kinalimutan ang ama ni Miguel, at masaya naman siya kahit na ako lang ang meron siya at ikaw din siempre."


Umirap naman ang bading kay Marian ay nag buga ng usok.

"Well hindi na kita tatanungin about dyan dahil alam ko naman na hindi ka din naman mag kukwento."

Napatingin naman ang dalawang mag kaibigan sa Tv.


"Grabe ang yaman ng mga Grande. Pero ilang taon na ang nakakaraan ay wala pa din nag aasikaso sa mga ari arian nila." Sabi pa ng bakla habang nakatingin sa Tv.
"Alam mo ba Yan ang storya ng mga Grande.. Namatay ang Senyor Grande at may iniligtas daw na babae na minamaltrato nito, kaya naman ang buong ari arian ng matanda ay napunta sa anak nitong si Lindon Grande pero ilang taon na ang nakakaraan pero hindi pa bumabalik ang lalaki sa pinas. May mga usap usapan na nag pakasal na sa america yun." Sunod sunod na sabi ni Badi.. Bumaling ang bakla sa kaibigan nitong si Marian pero natigilan siya ng makita niyang wala na pala doon ang kanyang kaibigan at kanina pa pala siya walang kausap.

"Hoy Yan! Langya ka talaga.. Salita ako ng salita wala na pala akong kausap!"
Sigaw ng bakla.


Minsan ay gusto na lamang ni Marian takpan ang tainga niya o mabingi wag lamang niyang marinig ang usap usapan tungkol sa mga Grande. Kahit si Badi ay walang alam sa totoong nangyari sa kanyang buhay Limang taon na ang nakakaraan. Kahit ang ama ni Miguel ay hindi niya din kimukwento sa kanyang kaibigan dahil mas gusto na lamang niya na kalimutan na ang lahat.

Pinuntahan ni Marian ang kanyang anak na mahimbing na natutulog, niyakap niya ito.
"Ikaw lang anak ang masasabi kong tunay na akin.. Ang aking kayamanan." Sabi ni Marian sa kanyang isipan. Hinagkan ni Marian ang anak sa noo.

"Mahal na mahal kita anak ko.. Hindi na natin kailangan pa ang iyong ama anak.. Dahil alam kong kahit tayo lang ay masaya na tayo. Gagawin ko ang lahat maitaguyod ka lang mahal kong miguel."

Pilit inaalis ni Marian sa kanyang isipan na isang Grande ang ama ni Miguel..

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon