Dumating na ang Personal Doktor ni Lindon sa mansion na agad naman sinalubong ni Raul.
"Kamusta na si Sir Lindon?" Tanong ng Doktor kay Raul. Sinabayan pa ni Raul ng paglalakad ang doktor papasok sa loob.
"Mabuti na lang Dok at dumating nakayo.. Halos isang linggo ng hindi lumalabas ng kwarto niya si sir.. Hindi rin siya kumakain at laging naglalasing. Nagaalala na ko sa kanya." Paliwanag ni Raul.
"Matinding depression ang nararamdaman ni Lindon. Kailangan ay mapatulog natin siya upang kahit papaano ay mapahinga ang katawan niya at matigilan niya muna ang pag inom ng alak." Sabi ng Doktor.
Nasa harap na ng kwarto ni Lindon ang Doktor at kinakatok nila ang pinto ngunit matigas ang lalaki. Hindi sila nito pinag bubuksan. Sa halip ang naririnig lamang nila ay ang mga nababasag na kasangkapan sa loob.
Pinakuha ni Raul ang susi ng kwarto sa isa sa mga kasambahay upang buksan ang pintuan at nag tagumpay naman sila sa kanilang nais.
Nagulat si Raul at ang Doktor sa nakitang itsura at kundisyon ni Lindon, nakasalampak ito sa isang sulok ng silid kaharap ang mga kasangkapang sira at basag basag na. Maputla na din ang itsura ni Lindon at ang mga mata nito ay nangingitim na marahil sa hindi nakakatulog ng maayos ang lalaki.
"Sir tama na po yan! Kumain nakayo."
Malaki na din ang ipinag bago ng mukha ni Lindon, malaki na ang ipinayat ng lalaki. Alang alala na si Raul sa nangyayari sa kanyang amo.
"Lumabas kayo!"
Sigaw ni Lindon.
Wala naman nagawa si Raul at ang Doktor dahil sa kagustuhan ni Lindon kaya naman lumabas na lamang silang dalawa at hindi na din ipinagpatuloy pa ni Raul na ipagamot si Lindon sa personal Doktor na kanyang ipinatawag, dahil alam ni Raul na wala din naman mang yayari.
Labis na nasasaktan si Lindon sa kaalaman na nagkaroon ng anak si Marian at Richard. Ang kanyang kaibigan na tinuring niyang kapatid at ang minamahal niyang babae na hindi niya inaasahan na mag tataksil sa kanya.
Walang humpay si Lindon sa pag inom ng alak habang iniisp ang mga taong nagiging pabigat ng kanyang kalooban. At ang labis na ikinalungkot ni Lindon ay ang malaman na ang batang napamahal sa kanya ay bunga ng kataksilan ni Marian at Richard.
Tumutulo ang luha ni Lindon na hindi niya namamalayan. Halos madurong ang kanyang puso dahil sa kanyang mga natuklasan.
"Ano ang kasalanan ko at pinaparusahan mo ko ng ganito! Hindi paba sapat na sinaktan mo na ko ng kunin mo sa akin ang aking ina.. Hindi pba sapat ng hinayaan mong mamatay sa sarili kong ama sa mga kamay ko?"!
Hanggang dumating na sa punto na sisihin na ni Lindon ang diyos sa mga nangyayari sa kanya.
"Bakit sa dami ng taong mananakit sakin ay bakit ang babaeng mahal ko pa? Napakalupit ng tadhana sakin. Mula ng isilang ako sa mundong ito ay hindi ko man lang maramdaman na may nag mamahal sakin kundi ang aking ina na agad mo pang kinuha. Sana mamatay nalang ako."
Hindi mapigil ni Lindon ang mapaluha dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Hanggang sa hindi na niya namalayan na unti unti na palang pumipikit ang kanyang mata.
"Lindon anak!"
Napalingon si Lindon sa isang babaeng nakatayo sa kanyang likuran. Naka kulay puti itong damit at nakakapukaw ng damdamin ang ngiti nito.
"Anak. Mahal na mahal ka ni Mommy.. Gusto ko maging matatag ka. Gusto ko wag kang sumuko. Alam kong darating ang panahon na makukuha mo ang hinahanggad mong kaligayahan."
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.
