Chapter 6

10K 182 3
                                        

Natapos na ang nakakahibang na sandali ni Lindon at Marian sa isa't isa, hindi namalayan ni Marian na siya pala ay nakatulog sa mga bisig ni Lindon kaya naman ng siya ay magising ay mabilis siyang lumabas ng silid kung saan sila naroroon, mag uumaga na ng maidilat niya ang kanyang mga ngunit madilim pa din at tahimik ang paligid. Pumasok si Marian sa loob ng kanilang silid ng kanyang asawa, napansin niyang hindi pa din umuuwi ang Senyor. Hindi na makatulog pang muli si Marian dahil sa kanyang malalim na iniisip, hindi niya akalaing magagawa niyang makipag talik sa anak ng kanyang asawa, pero nung mga oras na yun ay hindi niya magawang tumutol kahit na alam niyang mali, dahil ang totoo ang oras na yun ay isa sa magandang pang yayari sa buhay niya.

Sumapit na ang umaga at nagpakita na si Haring araw, magulo at maraming tao na din sa labas ng kanilang silid ng Senyor, ang mga kasambahay ay nagsisimula na din mag trabaho, ngunit siya ay wala pa sa kundisyon tumayo sa pagkakahiga dahil masakit pa ang kanyang buong katawan, at nararamdaman pa niya ang hapdi sa kanyang pagkababae, pero nabulabog ang natutulog na diwa ni Marian ng marinig niya ang pagkatok sa pintuan.

"Pumasok kana." Sabi pa ni Marian.
Dahan dahan naman bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kanang kamay ng asawa. Si Leo..

"Ma'am, kailangan niyo na po mag ayos, ngayon po ang unang araw ninyo sa klase." Sabi pa ni Leo.

Napaigtad naman paupo si Marian sa nalaman. Walang kamalay malay ang babae na pasukan na pala niya sa school kung saan siya magpapatuloy ng kanyang pag aaral.

"Handa na po ang lahat ng kakailanganin niyo sa school Ma'am, iyan po ang mahigpit na bilin ng Senyor sa akin." Dagdag pa ni Leo.

Biglang naalala ni Marian ang kanyang asawa.

"Siya nga pala Leo, bakit nga pala hindi umuuwi si Alfredo." Pag iiba ni Marian sa lalaki.

"Nakalimutan ko pong sabihin na ilang araw mawawala ang Senyor dahil kanyang mga inaasikaso."

Bigla naman napaisip si Marian.

"Oh sige na Leo, mag aayos na ko!" Sabi pa ni Marian sa katiwala. Sumang ayon naman si Leo at umalis na sa loob ng silid ni Marian.


SAMANTALANG SI LINDON ay maagang umalis sa mansion upang pumasok na sa University, dala ni Lindon ang kanyang kotse. Sa pag mamaneho ni Lindon ay hindi mawala sa kanyang isip ang nangyari sa kanila ni Marian kagabi, ngayon na lamang ulit naramdaman ni Lindon ang nabubuhay na kanyang diwa, at ng iyon ay mang yari ay dahil pa kay Marian, sa dami dami ng tao o babaeng maaari niyang mahalin ay ang babaeng pumupukaw din sa puso ng kanyang sariling ama.

Nakarating na si Lindon sa University. Hindi pa siya nakakalabas ng kanyang kotse ay nakikita na niya ang mga kababaihang studyanteng nakaabang sa kanyang pag dating, kinikilig pa ang mga ito sa kanya at talaga naman maging ang mga kalalakihan ay namamangha kay Lindon.

"Oh my gosh." Si Lindon Grande. Sigaw ng isa sa mga students na university, kilig na kilig pa ito habang nakatingin sa binata na prenteng naglalakad lamang at nilalagpasan ang mga taong humahanga sa kanya.

"Dahil sa gwapo at mayaman kaya nagkakagulo ang mga babae sa kanya. Puro yabang lang naman ang mga iyan." Narinig ni Lindon na sinabi ng isa sa mga studyanteng lalaki sa kanya na talaga naman nag painit ng kanyang ulo. Lumapit siya sa lalaki at agad na kinuwelyuhan ito.

"Kilala mo ba ang kausap mo?!" Mahina ngunit nakakakilabot ang boses ni Lindon habang sinasabi iyon sa lalaki.

"Oo, hindi ba't totoo naman ang aking mga sinabi." Dagdag pa ng lalaki na tila hindi man lang natatakot sa galit ni Lindon..

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon