Chapter 36

5.3K 119 2
                                        

Napaupo si Miguel sa kung saan matapos siyang itulak ng kanyang classmates at pag tawanan pa ng iba.

"Ampon ka kaya wala kang papa." Sabi ng isa sa mga classmate ng bata. Puru dumi na ang uniform ni Miguel dahil sa pakikipag away niya sa knyang mga kaklase pero kahit na ganoon ay matigas si Miguel at hindi umiiyak sa harap ng kanyang kapwa bata.


Nanlilisik ang mata ni Miguel na nakatingin sa kanyang kaklase na tila galit na sa pang aasar ng mga ito sa kanya.

"Hindi ako ampon. May papa ako." Tinulak din ni Miguel ang kanyang classmate na laging nang aasar sa kanya kaya naman nag simula ng mag away ang mga bata. Pero hindi lang isang kaklase niya ang nang aasar sa kanya at sabay sabay pa siyang tinutukso ng mga ito na ampon at napulot sa dumi ng kalabaw. Dahil sa matinding sama ng loob na nararamdaman ng bata ay tumakbo na lamang ito at lumabas ng kanilang eskwelahan. Maduming madumi ang itsura ng bata maging ang mukha nito ay puno na din ng dumi dahil sa pakikipag away. Umiiyak si Miguel na naglalakad sa kalsada pauwi ng kanilang bahay. Umiyak lamang ang bata ng makalayo na ito sa mga mapang asar niyang kaklase. Pero napahinto ang bata ng hintuan siya ng isang maganda at magarang sasakyan. Bumukas ang binata ng sasakyam at tinawag ng isang lalaki ang kanyang pangalan.

"Miguel."

Nag ningning ang mata ni Miguel ng mapag sino ang lalaki.

"Tito L."

Mayamaya pa ay bumaba ang kanyang Tito L sa sasakyan at siya ay nilapitan.

"Oh bakit ang dumi mo? Ano nang yari sayo."

Pinupunasan naman bata ang kanyang pisngi na punong puno ng luha.


"Inaaway po kase ako ng mga classmate ko. Ang sabi po ay ampon ako at napulot lang ako sa dumi ng kalabaw."

Hindi alam ni Lindon kung bakit kapag nakikita niya ang bata ay parang may kumukurot sa kanyang puso at hindi niya maitatanggi na magaan ang loob niya sa bata.


Kinarga ni Lindon si Miguel at isinakay sa loob ng kanyang sasakyan.


"Tito L. Saan po tayo pupunta?" Tanong ng bata.

"Ibibili kita ng bagong damit sa mall. Tapos ay ipapasyal kita. Gusto mo ba ako na lang ang iyong maging papa?" Tanong ni Lindon sa bata.

Sunod sunod na tango naman ang ginawa ng bata kay Lindon.


Habang nasa loob na ng sasakyan ang dalawa ay hinuhubaran na ni Lindon si Miguel upang punasan ang dumi sa katawan ng bata.


Pinabili na lamang ni Lindon ng damit ang kanyang driver.


"Sa tingin niyo po ba ay ampon ako?" Tanong ng bata sa lalaki.


Hinawakan ni Lindon ang bata sa ulo at ginulo ang buhok nito.

"Siguro ay wala ka lamang ama pero ikaw ang tunay na anak ng iyong mama. Siguro ay may malalim lang na dahilan kung bakit hindi niya sinasabi sayo ang totoo."


"Pero Tito L. Ano po kaya ang dahilan ni Mama?"


"Hindi ko din alam Miguel. Parehas tayo. May malalim na dahilan din ang taong mahal ko kaya ayaw na niya sakin." Sabi pa ng bata kay Miguel.
"Hindi mo pa maiintindihan ang sinasabi ko Miguel. Sige na magbihis kana at papasyal pa tayo."


Masayang masaya si Miguel dahil kapag kasama niya si Lindon ay pakiramdam niya ay mayroon siyang ama na nag mamahal at nag aalaga sa kanya..

Pumunta ang dalawa sa mall napag mamayari ni Lindon. Binili ni Lindon ang lahat ng gusto ng bata, laruan man o pagkain maging damit ay binili niya rin ito. Nakikita ni Lindon ang labis na kaligayahan sa mata ng bata dahil sa kanyang ginagawa.

Sabay silang kumakain ng ice cream ng bata.
Nakikita ni Lindon ang sarili niya sa batang si Miguel. Parehas nilang hindi natikman ang pag mamahal ng isang ama. Ngunit ang kaibahan lang ay kasama niya noon ang kanyang ama pero hindi niya naranasan ang pag mamahal nito at ang bata naman ay hindi man lang nasilayan ang sarili nitong ama.

Kahit naisang simpleng bata lamang si Miguel ay nawawala ang mga problemang kanyang iniisip kapag kasama niya ito. Sa saglit na oras nakasama niya ang bata ay nararamdaman ni Lindon ang saya sa kanyang puso. Si Miguel ay parang isang anghel na ipinakilala sa kanya ng diyos upang kahit papaano ay maramdaman niya ang maging masaya na hindi niya naranasan kailanman.

Mag didilim ng matapos sila sa kanilang pamamasyal. Nakasakay na sila sa sasakyan at ang bata naman ay nakatulog na sa kanyang kandungan.


"Sir. Kung titignan ay para kayong mag ama." Sabi ng driver ni Lindon.


Nangisi naman si Lindon.

"Malabong mangyari ang bagay naiyon." Tipid na sagot ni Lindon "kung ako ay magkakaanak sana katulad din ng batang ito." Dagdag pa ng lalaki.

Buong byahe ay walang ginawa si Lindon kundi pag masdan lamang ang mukha ng bata.

Madilim na din ang paligid at siguradong nag aalala na din ang ina ni Miguel.

NAKARATING NA si miguel at Lindon sa bahay ng bata. Ibinaba ni Limdon si Miguel dala ang ilang gamit na ipinamili niya para sa bata.

"Miguel sa uulitin ah." Sabi pa ni Lindon.


Ngumiti naman ang bata at niyakap ang lalaki.

"Maraming salamat po Tito L."
Parang may kung ano siyang naramdaman sa yakap ng bata.

Samantalang sa hindi kalayuan ay nabagsak ni Marian ang hawak niyang baso dahil sa kanyang nakita. Namimilog ang mata ng babae na halos manghina ang kanyang tuhod.

"Diyos ko! Kasama ni Lindon ang anak ko!"


Hindi alam ni Marian kung ano ang gagawin. Nag karoon ng matinding takot si Marian nabaka alam na ni Lindon ang katotohanan at ilayo sa kanya ang batang nag bibigay ng buhay sa kanya.

"Nag kakilala na sila." Sabi ni Marian sa kanyang isipan.

Lumabas naman si Badi upag lapitan ang kaibigan. Maging si Badi ay nagulat din ng makita niyang karga ni Lindon si Miguel at mukhang masayang masaya ang dalawa..

"Alam na kaya ni Lindon ang-"


"Hindi! Hindi niya maaaring malaman na anak niya si Miguel."



NEXT UPDATE NALANG ANG SUSUNOD NA KABANATA. SAYANG AT MAY WORK PA KO. SALAMAT SA MGA NAGBABASA NG STORY ITONG.

VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon