Hawak ni Lindon ang kamay ni Marian habang isinusugod ito sa loob ng Emergency Room. May tama ng bala ang likod ng babae kasabay ng pagkalunod nito dahil sa pag kakahulog sa dagat."Pakiusap iligtas niyo siya!" Sigaw ni Lindon.
Hindi malaman ni Lindon ang nararapat niyang gawin. Naghahalo ang sakit at matinding takot sa kanya dahil sa masamang nangyari kay Marian. Wala siyang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili dahil hinayaan niyang saluhin nito ang bala na dapat ay para sa kanya.
Ipinasok na sa loob ng Emergency Room si Marian at ang mga doktor at nurse.
"Sir. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob." Sabi ng isa sa mga nurse.
"Please. Iligtas niyo siya. Pakiusap." Sabi pa ni Lindon..
Tumango lang ang nurse at pag tapos ay isinara na nito ang pintuan ng silid kung saan ipinasok si Marian.
Puro dugo pa ang damit ni Lindon dahil sa pagkakabuhat niya kay Marian at basang basa pa ang damit ng lalaki dahil sa pag sagip niya sa babae sa ilalim ng dagat. Pero hindi alintana ito mailigtas lang ang buhay ni Marian at maisugod agad ito sa hospital.
"Sir. Magdasal tayo na walang mang yaring masama sa kanya." Sabi pa ni Raul na walang ginawa kundi ang himasin pa ang likod ni Lindon para iparamdam na mayroon siyang sandalan.
Alalang ala si Lindon dahil sa nangyayari. Natatakot siyang isipin na ito naba ang katapusan ng lahat ng pakikipag laban niya para sa kanilang dalawa ng babaeng mahal niya..
Lumipas ang ilang oras na pag hihintay ni Lindon at ni Raul sa labas ng ER. Hanggang sa lumabas ang isa sa mga doktor.
"Kamusta na po siya?!" Tanong agad ni Lindon na basag pa ang boses at namumula ang mata dahil sa pag iyak.
Hinubad muna ng Doktor ang suot niyang mask sa bibig bago nag salita. Pero seryoso lang ang mukha nito.
"Naoperahan na siya at tinanggal na din ang bala na tumama sa kanyang likuran. Pero wala pa siyang malay.. At hindi namin alam kung kailan siya magigising."
Biglang nabago ang ekspresyon ng mukha ni Lindon.
"Ano ang ibig mong sabihin Dok?"
"Coma siya.. Dahil sa pag kakalunod niya. I'm sorry Mr. Grande. Hindi namin alam kung kailan siya magigising.. Baka nextweek.. O isang buwan.. Kung hindi naman ay baka -"
Biglang nanghina ang tuhod ni Lindon sa sinabi ng doktor.. Alam niya ang ibig sabihin ng doktor at gusto nitong ipahiwatig. Na maaaring hindi na magising pa kailanman ang kanyang minamahal na si Marian.
Umiiyak at nag dadalamhati si Lindon sa nangyari kay Marian. Paano niya ipapaliwanag ang lahat ng ito kay Miguel.. At hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng ito..
"Sir. Lakasan mo ang loob mo at wag kang mawawalan ng pag asa. May awa ang diyos." Sabi ni Raul.
Hindi alam ni Lindon ang kanyang sasabihin. Maging sa pag sasalita ay hindi na niya magawa dahil sa matinding pag hihina na nararamdaman niya dahil sa mga nangyayari..
NASA HARAPAN NI ZAMANTHA AT NG KANYANG PAMILYA ang isang tao na nakatakip pa ng kumot.. Tinititigan ni Zam ang bagay na nasa harap nila pero hindi mailihim ni Zam ang pag patak ng kanyang luha.
"Sino ang taong yan? Nasaan ang kapatid ko!" Sabi pa ni Zam.
"Si Richard Santibaniez po ang nasa ilalim ng puting kumot na yan." Sabi pa ng isa sa mga pulis.
Dahan dahan iniangat ni Zam ang kanyang kamay upang tanggalin ang puting kumot. Nanginginig pa ang kamay ni Zam habang unti unti itong inaangat.
Napatakip pa sa sariling bibig si Zam at ang kanyang ina. Ang ama naman nila ay napapikit na lang ng mapag sino ang taong nakatakip ng kumot ng iharap sa kanila.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!"
Biglang sumigaw si Zam ng makita niya ang malamig na bangkay ng kanyang kapatid sa kanyang harapan. Ang kanyang ina naman ay hinimatay at nawalan ng malay tao."Kuya Chard.. " sabi ni Zam na walang humpay sa pag iyak.
Nakita niya na wala ng buhay ang kanyang kapatid at ang katawan nito ay puro tama ng bala.
"Kuya Chard. Gumising ka! Please." Umiiyak na sabi ni Zam.
Hawak ni Zam ang kamay ng kapatid at idinikit niya ito sa kanyang pisngi.
"Kuya Chard.. Kapatid ko! Gumising ka pakiusap."
Niyakap pa ni Zam ang katawan ni Chard at walang tigil sa pag iyak. Ganun din ang ama nila.
"Pangako kuya Chard. Ipag hihiganti ko ang ginawa nila sayo.. Hindi ako titigil hanggang hindi sila nag babayad.. Papatayin ko sila! Maging ang anak nila. Pangako yan kapatid ko!"
Muli na naman namuo ang galit sa puso ni Zam. Si Chard ang kanyang mahal na kapatid. Ang kanyang mahal na kuya. Kaya ganoon na lang nasaktan ang babae sa pag kamatay nito. At ang pagkamatay nito ay hindi katanggap tanggap.
MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN.
"Daddy!!!!" Sigaw ni Miguel habang tumatakbo ito palapit sa kanyang ama.
Umupo naman si Lindon upang mag pantay sila ng kanyang anak.
"Kamusta ang school mo ngayon anak?" Tanong ni Lindon sa bata.
"Masaya naman po ako daddy! Daddy pupunta po ba tayo ngayon kay Mama?"
Ginulo naman ni Lindon ang buhok ng anak.
"No baby.. Hindi tayo pupunta sa mama mo ngayon."
Bigla naman lumungkot ang mukha ng bata.
"Bakit po Daddy? Hindi pa po ba siya nagigising?" Tanong ng madaldal na bata.
"Hindi pa anak. Parang sleeping beauty pa din si Mama mo.. Pero promise magigising din siya." Tugon naman ni Lindon.
"Miss na miss kona po kasi si Mama.." Sabi ni Miguel na may malungkot na mukha.
"Ako din anak! Miss na miss ko na din ang mama mo."
Tapos ay kinarga ni Lindon si Miguel upang patulugin na ang bata. Ang sabi ni Lindon sa kanyang anak ay natutulog lang ang ina nito at ginagaya lang niya si Sleeping beauty at dahil nga bata pa si Miguel kaya naman naniwala ito sa sinabi niya.
Isang buwan nang hindi nagigising si Marian sa Coma. Pero hindi pa din nawawalan ng pag asa si Lindon na magigising ang babae at mabubuo pa ang kanilang pamilya na matagal na niyang gustong mangyari. Mula ng macoma si Marian ay si Lindon muna ang tumayong ina at ama ni Miguel.. Hinahati ni Lindon ang kanyang oras sa trabaho at sa pag aalaga ng kanyang anak. Kapag pumapasok siya sa opisina niya ay iniiwanan niya si Miguel kay Badi o hindi naman kaya ay si Badi na lang ang pumupunta sa mansion. Ayaw na niyang kumuha pa ng yaya na mag aalaga sa kanyang anak. Hindi rin alam ni Lindon kung bakit natatakot siyang ipag katiwala si Miguel sa ibang tao..
Kung minsan naman ay nasa ospital siya at nag babantay kay Marian. Kahit na tulog ang babae ay kinakausap niya ito at pinupunasan ang katawan nito araw araw. Minsan ay iniisip na lang niya na kaya na Coma si Marian ay dahil sa kailangan din nitong magpahinga dahil sa mga pinag daanan nitong masakit sa buhay. At pag tapos ng mahabang pahinga ay gigising ito upang makapag simula ng bagong yugto ng buhay.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomansAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.