Nasa harap na ng isang gate na kulay berde si Lindon at Raul, walang tigil sa pag doorbell si Lindon sa gate hanggang sa mayamaya pa ay bumukas na ang pintuan at iluwa noon ang isang may edad na babae."Magandang araw po Ginang.. Pwede po ba mag tanong?"
Nakasimangot naman ang matanda at nakapamewang habang nakatingin sa dalawa.
"Bakit ano ang kailangan niyo?" Mataray na sabi ng may edad na babae.
Hindi naman nag paligoy ligoy pa si Lindon na sabihin sa babae ang totoo nilang hangarin."May hinahanap po kaming Marian Mercado, may kilala po ba kayo? Napag alaman po kasi namin na dito siya nakatira, pwede po ba namin siyang makausap?" Sunod sunod na sabi ni Lindon sa matanda.
Inilibot naman ng matanda ang kanyang mata at nahagip ng kanyang paningin ang magarang sasakyan ni Lindon pero namilog ang mata ng matanda ng makita ang nakasukbit na baril sa likuran ni Raul at Lindon.
"Hmmmmm. Wala! Walang Marian Mercado na nakatira dito."
"Sigurado po kayo Ginang.. Wala po ba talaga? Matagal ko na pi siyang hinahanap pero mukhang ayaw na niyang magpakita.
"Alam mo Hijo, walang Marian na nakatira dito sakin. At Hijo payo ko lang ah. Wag mo na hanapin ang taong kusa ng lumalayo sayo. Dahil ang tao kahit na malapit lang sayo pag ayaw mag pakita di mo talaga mahahanap." Payo pa ng matanda. Tapos ay pinag sarahan na ng gate ang dalawang lalaki.
Tila natahimik naman si Lindon sa sinabi ng matanda sa kanya.
"Sir.. Wag mo sabihin maniniwala ka sa matanda na yun." Sabi ni Raul na nakatingin sa kanya.
"Sa tingin ko tama yung matanda, baka talaga ayaw na niya magpakita sakin." Mababakas sa mukha ni Lindon ang kalungkutan..
Sumakay ng sasakyan si Raul at Lindon upang bumalik sa opisina nila. Tahimik lamang si Lindon at si Raul naman ay titingin tingin sa binata ng sasakyan habang nasa byahe sila.
"Sir. Wag kang mawawalan ng pag asa. Wag mo itigil ang pag hahanap mo sa taong mahal mo." Wika pa ni Raul.
Tuwid lamang ang tingin ni Lindon sa daan at focus lang siya sa kanyang pag mamaneho..
"Raul! Gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako dahil sa ginawa kong pang iiwan sa kanya."
Masaya naman si Raul sa sinabi ng kanyang Sir Lindon, alam ni Raul ang naging love story ni Lindon at Marian at kung gaano kapait ang nangyari sa buhay ng babae at kung paano naman lumayo ang kanyang Sir Lindon upang maging tahimik na ang buhay ng kanyang minamahal..
Habang nag mamaneho si Lindon ay nahagip ng kanyang paningin ang isang bata na nag lalakad sa kalsada. Tatlong batang lalaki na nakaschool uniform at nakita niya agad ang batang si Miguel. Ang batang kanyang binigyan ng laruan sa mall.
Hinintuan ng sasakyan ni Lindon ang mga bata at binuksan niya ang bintana.
"Saan kayo pupunta mga bata?!"
Namilog at nag ningning naman ang mata ni Miguel ng makita ang lalaki.
"Mister."
Sabi ng bata.
Napangiti naman si Lindon dahil sa reaksyon ng bata ng siya ay makita.
"Miguel. Natatandaan mo paba ako?"
Sabi ni Lindon.Tumango tango naman ang bata sa sinabi ni Lindon.
"Mister. Hindi ko po kayo makakalimutan!" Sabi pa ng madaldal na bata.
"Kung ganoon Miguel saan kayo pupunta ng mga kaibigan mo?" Tanong muli ni Lindon sa bata.
"Sa parke po kami pupunta."
"Pwede ba kami sumama sa inyo para kumain ng masarap na ice cream."
Nag tinginan naman ang tatlong bata. At halos sabay sabay na tumango.
"Kung ganoon. Sumakay na kayo sa car ko para kumain ng ice cream."
Sumakay naman agad ng sasakyan ni Lindon ang tatlong bata. Mababakas sa mukha ng mga ang pagiging masaya lalong lalo na ang batang si Miguel.
Wala naman tigil ang pag mamasid si Raul sa mukha ni Lindon at Miguel.
"Diyos ko mahabagin. Totoo ba ang nakikita ko." Tugon ni Raul.
"Bakit? May problema ba?"
Napatigil naman si Raul sa kanyang sinasabi.
"Ano yun Raul?"
"Sir. Kamukha mo yung bata."
"Ha?"
"Sir magkamukha kayo ng ilong at mata. Pati hugis ng mukha niyo iisa."
Napatingin naman si Lindon kay Raul na hindi makapaniwala.
"Nahihibang kana Raul. Mukhang gutom kana."
"Siguro nga Sir. Nagugutom na ko kaya kung ano ano ang nakikita ko."
Nakarating na sila sa parke at bumili si Lindon ng ice cream.
"Miguel! Ano ang favorite flavor mo?" Sabi ni Lindon sa bata.
"Gusto ko po cheese flavor at chocolate. Okay lang po ba?" Sabi ng madaldal na bata.
Umupo si Lindon sa harap ng bata upang magpantay sila. Bahagya naman pinisil ni Lindon ang pisngi ng bata.
"Alam mo parehas tayo ng gusto. Nakikita ko ang sarili ko sayo Miguel."
"Para po bang salamin Mister."
Natawa naman bahagya si Lindon sa sagot ng bata.
"Oo miguel. Parang salamin."
Tapos ay iniabot ni Lindon ang cheese flavor na may halong chocolate flavor na ice cream."Wow! Ang sarap." Sabi pa ng bata.
Tapos ay kinain nito ang ice cream.Magkahawak pa ang kamay ni Lindon at Miguel habang sabay na kumakain ng ice cream at nag lalakad sa parke. Samantalang ang dalawang batang kaibigan ni Miguel ay kasama ni Raul na naglalaro sa playground sa parke.
WALANG TIGIL si Richard sa pag katok ng pintuan ng kapatid na si Zamantha.
"Zam. Please open the door." Sabi ni Richard.
"Leave me alone Chard.." Sabi ni Zamantha sa loob ng silid. Sa boses ng babae ay halatang umiiyak ito.
Dahil sa pag aalala ni Richard sa kapatid ay pinilit ng lalaki na buksan ang pintuan ng kwarto ni Zamantha. Kinuha nito ang duplicate Key upang mabuksan ang pintuan. At nagtagumpay naman siya sa kanyang ginawa. Naabutan niya si Zamantha na nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader na walang tigil sa oag iyak. Alam ni Richard na may problema ang kanyang kapatid sa pag iisip at nadagdag pa dito ang pagiging spoiled at nasanay na lahat ng gusto ay nakukuha.
Niyakap ni Richard ang nakakabata niyang kapatid."Chard. Please. Gumawa ka ng paraan para bumalik sakin si Lindon." Sabi ni Zam habang walang tigil ang pag iyak.
"Shhhhh.. I"ll try my best. "
"Thank you Chard."
"Bakit ba kayo bumalik dito Zam."
Tanong ni Richard kay Zam."Hindi ako. Si Lindon ang may gusto na bumalik kami. Im sure gusto niyang hanapin si Marian."
Biglang tumahimik si Richard sa sinabi ni Zamantha. Sumeryoso ang Mukha ng lalaki."Don't worry Zam. Gagawin ko ang lahat para bumalik sayo si Lindon."
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
Любовные романыAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.