Papunta na si Lindon at Raul kasama ang mga body guards niya sa batangas, sa lugar na ito dinala ni Richard ang babae at nakakasiguro si Lindon sa bagay na iyun. Nakasakay si Lindon sa kangang helocapter at ang kanyang mga tauhan ay sa yate.
"Hintayin mo ko Marian.. Babawiin kita!" Sabi ni Lindon sa kanyang isipan..
Ginagawa ni Lindon ang bagay na ito para sa pamilyang matagal na niyang pangarap at para sa babaeng matagal na niyang minamahal. At gusto din ni Lindon na matupad niya ang kanyang pangako sa kanyang minamahal na anak.
Tumunog ang cellphone ni Lindon na agad naman niyang sinagot.
"Hello badi? Bakit ka biglang tumawag?!" Sabi ni Lindon sa kabilang linya.
Tarantang taranta si Badi habang kausap niya ang lalaki.
"Si Marian. Si Marian! Nakausap ko siya.."
"What?! Kung ganoon nasaan siya."
"Hindi ko alam.. Kausap ko siya pero parang may kumuha ng cellphone na gamit niya. At narinig ko ang boses ni Chard.. Nag tatalo silang dalawa. I think nasa pahamak ang buhay ng kaibigan ko.." Paliwanag ni Badi.
"Hindi ba nasabi sayo ni Marian kung nasaan siya? Kung saan siya dinala ni Chard?"
"Sa! Sa Santibaniez Beach house. Yun lang ang nasabi niya. Hindi ko alam kung saan ang lugar na yun."
Napaisip naman si Lindon.
Tama ang lalaki. Tama ang kanyang hinala na sa Batangas nga dinala ni Richard si Marian..
Kinuha ni Lindon ang isang bag na maliit na kulay itim at binuksan iyon. Kinuha ni Lindon ang laman nitong Baril..
"Sir bakit nag dala ka ng ganyan bagay?!" Tanong ni Raul na katabi niya.
"Kailangan ko ito.. Noon sa baril na ito natapos ang pag hihirap ni Marian sa kamay ng aking ama.. Gagamitin ko ulit ito para sa kalayaan niya."
Nagkaroon naman ng pangamba sa mukha ni Raul.
"Pero sir baka mapatay mo si Chard.. Ang mga tauhan na natin ang bahalang mag ligtas kay Marian." Sabi pa ni Raul.
"Kung kinakailangan pumatay ako.. Gagawin ko para saknya."
Hindi alam ni Raul kung ano ang kanyang sasabihin at gagawin sa lalaki. Nababakas niya sa mata ni Lindon ang matinding galit at puot na nararamdaman nito. Batid ni Raul ang malalim na pag mamahal ni Lindon para sa babae. At alam niyang magagawa iyun ng lalaki. Dahil minsan sa buhay nito ay napatay niya ang kanyang sariling ama para lang sa kanyang minamahal kahit na ang pag dudusa ay habang buhay ng nakabaon sa puso nito.
- - -
PUMASOK SI Richard sa silid kung saan nakakulong ang babae.. Nang makita niya si Marian sa isang sulok ng kwarto ay agad niya itong nilapitan at hinatak ang braso ng babae.
"Nasasaktan ako Chard." Pagpupumiglas ng babae.
"Aalis na tayo. Hindi tayo pwedeng mag tagal sa lugar na ito." Pwersahan hinahatak ni Chard si Marian palabas ng bahay. Pero nagpupumiglas ang babae at ayaw naniyang sumama pa kung saan man siya binabalak dalhin ng lalaki. Kaya naman itinulak ni Marian si Chard at buong lakas niyang ginawa yun na dahilan upang mapaupo si Richard sa buhangin.
Mabilis na nag tatakbo si Marian papunta sa yate ni Chard na gagamitin nila sa kanilang pag alis na lugar. Pero mabilis siyang sinundan ni Richard at sa kasamaan palad ay naabutan siya nito.
Sinabunutan siya ng lalaki at hinatak papunta sa loob ng yate upang umalis na. Pero lahat ng lakas ng babae ay ibinigay niya makatakas lang siya kay Richard..
Pero dahil mas lamang ang lakas ng lalaki sa babae ay hindi niya kinaya ito.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
Любовные романыAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.