"Believe me Chard. She's pretty at bagay na bagay kayo." Wika ni Zamantha sa kanyang nakatatandang kapatid.Nakatingin naman si Richard sa kapatid at nakangiti lang. Sanay na sanay na si Richard sa kapatid na lagi na lamang siyang nirereto sa mga babae hanggang sa makita niya daw ang kanyang true love.
"Zam. I think naunahan na kitang makilala ang true love ko.." Pag mamagaling ni Richard sa kapatid na bunso.
Humarap naman si Zam dito at pumamewang.. "Saan mo naman nakilala yung babae na yan?" Masungit na tanong ni Zamantha. "Im sure na stupid na naman ang babaeng nagugustuhan mo!" Supladang tanong ng babae. "Saan mo na naman ba nakilala Chard ang sinasabi mong babae? At sino na naman ang nagreto sayo?" Dagdag pa nito..
Lumapit naman si Richard sa kapatid at hinawakan pa nito ang magkabilang balikat ng babae.
"Wag kana mag abala pa humanap ng babaeng para sakin.. Masaya naman ang kuya mo Zam., Ang relationship niyo na lamang ni Lindon ang pagkaabalahan mo ah.." Sunod sunod na sabi ni Richard sa kapatid. Tapos ay hinalikan pa nito ang kapatid sa noo at umalis.
"Chard.. Pag nakita ko ulit ang babae na yun.. Titiyakin kong magkakakilala kayo." Wika ni Zamantha..
NAKATAYO si Marian sa Veranda ng mansion. Nagpapahangin lamang ang babae. Madalas ay lagi niyang idinadahilan ang pag papahangin niya sa labas upang hindi niya makasama ang kanyang matandang asawa. Bigla na lamang niyang naalala ang kanyang kapatid na si Laura na matagal tagal na din niyang hindi nakikita at nakakamusta. Wala na siyang balita dito dahil wala na si Leo na nagsasabi sa kanya sa kundisyon ng kanyang kapatid. Mula ng mapangasawa niya si Alfredo ay hindi na niya nakasama pa ito, ipinag babawal yun ng kanyang asawa. Pero handa niyang tiisin yun basta nakakasiguro siyang maayos ang kaligtasan nito.
Nagising si Marian sa kanyang ulirat ng matanaw niya ang papapalapit na lalaki. Nag ningning ang kanyang mata. Ang inaasahan ni Marian ay magkakausap silang muli ni Lindon. Pero sadyang mali ang kanyang inaakala ng lagpasan lamang ito, parang hindi man lang siya nakita o kilala ni Lindon."Lindon." Mahinang tawag niya sa pangalan ng lalaki. Huminto naman si Lindon sa paglalakad at nakatalikod na ito kay Marian. Ang buong akala ng babae ay haharap ito sa kanya. Pero ilang segundo lang ay nag lakad na itong muli ng wala man lang lingon sa kanya.
Napag isip isip na din ni Marian na tama lamang ang ginagawa ng binata na pag iwas sa kanya. Dahil magkakaroon lang ng malaking problema kung ipag papatuloy niya ang nararamdaman niya para dito, batid niyang hindi siya talaga gusto ng lalaki dahil ang gusto talaga nito ay ang kanyang girlfriend na si Zamantha, kahit na sinong lalaki ay hindi maiiwasan ang mainlove kay Zamantha. Sa ganda at bait ng babae ay siguradong mahuhulog din ang loob Lindon.
"Excuse me miss."
Biglang napalingon si Marian. At nagulat ang babae sa kanyang nakita."Oh.. Ikaw ba yan? Yung babae sa rest room."
Maging si Zamantha ay nagulat din ng makita niya ang babae. Nabigla naman si Marian ng bigla siyang yakapin nito."Nagkita ulit tayo..!"
Mukhang masayang masaya si Zamantha sa muli nilang pagkikita ni Marian. Kung umasta ang babae ay para silang matagal ng magkakilala nito..Pero hindi pa nakakapag salita si Marian ng biglang dumating si Lindon. Prente itong nakatayo lamang at nakapamulsa.
"What are you doing here?"
Seryosong tanong ni Lindon kay Zamantha.Kumalas naman si Zam sa pagkakayakap nito kay Marian at bumaling naman kay Lindon upang yakapin din ang kasintahan.
"Dinalaw lang kita Love.. I miss you."
Sabi pa ng babae. Biglang halik naman ang ibinigay ni Zam kay Lindon at hindi naman pumalag ang lalaki. Wala man lang silang pakielam kahit na nasa kanilang harapan si Marian.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.