Chapter 10

8.5K 139 1
                                        


Handa na ang lahat sa party ni Richard Santibaniez, imbitado sa malaking celebrasyon si Senyor Alfredo dahil ang mga Santibaniez ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ng mga Grande. Kasama ni Marian ang kanyang asawa na si Senyor Alfredo. Abala sa pakikipag usap si Senyor Alfredo sa ilan sa kilalang bisita sa party at ang kanilang usapan ay tungkol lamang sa negosyo, bahagyang nababagot na si Marian dahil wala man lamang siyang makausap na kanyang makakaintindihan. Tulala pa din si Marian dahil sa isipin na hindi mawala sa kanya, hindi niya kase makalimutan ang naging pag uusap nila ni Lindon ng sila ay magkasama kagabi. Sa kanyang mga sinabi rito ay hindi na siya umaasa na sila ay magkakausap man lamang muli. Mula ng gabing yun ay hindi na niya nakita pa ang binata sa mansion. Ang sabi ng ilan sa mga kasambahay ay umalis daw si Lindon dala ang ibang gamit nito. Naging palaisipan kay Marian kung nasaktan ba ang binata sa mga binitawan niyang salita at kung talagang seryoso ang nararamdaman nito para sa kanya.

Hindi napansin ni Marian na kanina pa pala siya tinatawag ni Leo dahil sa kanyang malalim na iniisip.

"Ma'am, pinalalapit po kayo ng Senyor."
Tinignan naman ni Marian ang Senyor sa hindi kalayuan, kausap nito ang mga Presidente ng malalaking kompanya. Sinisenyasan siya ng kanyang asawa na sa tingin niya ay pinalalapit siya nito. Inalalayan naman siyang tumayo ni Leo dahil na din sa hirap siyang maglakad sa sapatos niyang mataas ang heels. Nasa harapan na siya ngayon ng matataas na tao at nakatingin itong lahat sa kanya, may hawak pa ang mga itong kupita at tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Katulad ng kanyang asawa ay halos may edad na din ang mga ito, kaya naman halos kilabutan siya sa pagkakatitig sa kanya.


"She's my wife."
Pagpapakilala sa kanya ng matanda.

Ngumiti naman siya sa mga ito kahit na siya ay napipilitan lamang.

"Magaling kang pumili Alfredo, She's beautiful and georgious."

Tila naging proud naman ang kanyang asawa dahil sa mga magagandang papuri na sinasabi sa kanya ng mga malalapit nitong kaibigan. Hindi naman nakawala sa paningin ni Marian ang ilan sa mga kababaihan sa party na hindi nalalayo sa kanyang edad at ilang babae na hindi naman nalalayo sa edad ng kanyang asawa.


Dahil sa sobrang pagkailang ni Marian dahil sa malalagkit na tingin sa kanya ng mga kaibigan ng kanyang asawa at mga mapang insultong tingin ng iba ay umisip ng paraan si Marian upang siya ay makalayo na. Inilapit niya ang kanyang bibig sa punong tainga ng asawa.


"Pwede naba ko maupo? Masakit na ang paa ko dahil sa suot kong sapatos."
Bulong ng babae dito, naiintindihan naman ng Senyor ang dahilan ni Marian kaya naman pumayag ito na umupo muna ang babae.. At katulad ng dati ay nakabantay lamang si Leo kay Marian.


Ano ba naman klaseng party na to! Hindi naman ako nag eenjoy, lagi pang may nakabantay sakin.

Sabi ni Marian sa kanyang isipan.

Habang nakaupo si Marian at si Leo naman ay nakatayo sa kanyang likuran ay nakita ni Marian ang isa sa mga waiter na may dalang brandy, dahil sa sobrang pagkabagot ng babae at dahil na din sa mga gumugulo sa kanyang isipan ay parang nagustuhan nito ang uminom mag isa. Pero hindi niya magagawa ang kanyang gusto kung laging nakabantay sa kanya si Leo., kaya naman nag isip ng paraan ang babae upang makawala siya sa paningin ng lalaki.


"Leo. Maaari ba kong mag cr?"
Sabi nito.


"Walang problema ma'am, hihintayin ko na lamang kayo sa labas ng rest room." Tugon naman ni Leo. Napabuga naman ng hangin si Marian dahil mukhang wala siyang magagawa para makatakas sa paningin nito.


"Wag kana mag abala pa. Maupo kana lang diyan. Babalik din naman ako agad." Pag pupumilit ng babae. At dahil sa may tiwala naman si Leo kay Marian ay hinayaan na lang nito ang babae..


Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon