Dumating si Richard sa bahay nila Marian ngunit ang tanging naabutan lang ng lalaki sa bahay na iyon ay ang anak ni Marian na si Miguel, nakauniporme pa ang babae at mukhang kakauwi lang nito galing sa eskwela. Nang makita siya ng bata ay talaga naman mababakas mo sa mukha nito ang malaking takot sa lalaking kaharap niya.
"Nasaan ang mama mo?!"
Matigas na sabi ni Richard sa batang tulala na nakatingin lang sa kanya.
Lalapitan sana ni Richard ang bata pero pag hakbang niya ay siya din nitong pag hakbang palayo.
"Tinatanong kita kung nasaan ang mama mo?! Di kaba sasagot? Hindi mo ba alam na ako ang papa mo. Kaya kailangan mong sumagot kapag tinatanong kita at kailangan mo sundin ang sinasabi ko." Namimilog ang mata ng bata na nakatingin lang kay Richard. Mahahalata mo sa mukha ni Miguel na gusto nitong umiyak dahil sa takot sa lalaki.
Humakbang muli si Richard papalapit kay Miguel pero kada hakbang niya ay lumalayo naman ang bata.
"Hindi ikaw ang papa ko! Ayoko sayo! Masama ka!" Sigaw ng bata.
Nagpantig naman ang tainga ni Richard dahil sa mga sinasabi ng bata kaya naman agad siyang mas lumapit pa at ng maabutan ang bata ay hinawakan ito sa punong tainga.
"Ang tabil ng bibig mong bata ka!"
Pinadapa ni Richard ang bata at pinag hahampas ito ng suot niyang sinturon.
"Tama na po Tito Chard." Umiiyak na sigaw ng bata.
"Pakatatandaan mo na ako ang papa mo.. Naiintindihan mo ba?!" Nagtaas na ng boses si Richard sa bata.
"Hindi po ako naniniwala na kayo ang papa ko.." Umiiyak na tinuran ng bata na hindi niya kayang tanggapin bilang kanyang ama si Richard.
Nagtatakbo ang bata palayo kay Richard ng magkaroon siya ng pagkakataon. Pero agad naman siyang naabutan ng lalaki.
Piniga pa ni Richard ang pisngi nito at itinapat ang mukha ng bata sa kanyang nandidilat na mata. Galit na galit si Richard sa bata.
"Wala kang kikilalanin papa mo kundi ako.. Tandaan mo! Hindi ang hayop na lindon na yun ang iyong ama! At wag na wag kang mag susumbong sa mama ko. Kundi papatayin ko kayong dalawa!" Galit na galit ang boses ni Richard sa batang umiiyak sa kanyang harapan.
Pero ang labis na ikinagulat ni Richard ay ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa noon si Marian.
Bakas na bakas sa mukha ni Richard ang labis na pag kabigla dahil sa hindi inaasahan na pag dating ng babae.
Maging si Marian ay nagulat sa kanyang nasaksihan. Namilog ang mata ng babae ay namumula pa ito..
Biglang napuno ng galit ang mukha ni Marian sa kanyang nasaksihan. Hindi niya inaasahan na ganito ang kanyang madadatnan.
"Mama." Sigaw ng bata habang papalapit ito sa kanyang ina.
Niyakap ng bata ang babae pero wala pa din tigil ito sa pag iyak.
"Ano ginagawa mo sa anak ko? Bakit mo siya sinasaktan?" Matigas ang boses ng babae at seryoso ang mukha nito.
"Marian."
"Tinatanong kita?! Bakit mo sinasaktan ang anak ko?!!!!" Nagtaas na ng boses ang babae.
"Nararapat lang sa bata na yun na matutunan siya ng leksyon. Masyadong matalim ang bibig ng bata na yan!" Katwiran ni Richard.
Dahan dahan lumapit si Marian sa lalaki at isang malakas na sampal ang binigay niya dito. Kaya naman bahagyang bumaling ang mukha ni Richard.
"Wala kang karapatan saktan ang anak ko!" Matigas na sabi ng babae.
Direcho lang ang tingin ni Marian kay Richard at ang mata ng babae ay makikitaan mo ng galit.
"Bakit? Dahil hindi ako ang kanyang ama? At si Lindon ang may karapatan na gawin yun?!" Wika ni Richard.
Yumukom ang kamay ni Marian sa galit na kanyang nararamdaman kay Richard.. Lalo at nakita niya ang ginagawa nitong pananakit sa kanyang mahal na anak.
"Oo! Dahil siya ang tunay na ama ng anak ko! Siya ang tunay na ama ni Miguel. At kahit na sino pa. Wala kang karapatan saktan ang bata. Dahil hindi mo siya anak! Dahil wala kang obligasyon sa aming mag ina!" Madiin ang pag kakasabi ni Marian.. Kaya naman ganoon na lamang naapektuhan si Richard sa mga sinabi nito.
Hinawakan ni Richard ang braso ng babae.
"Bitawan mo ko Chard! Nasasaktan ako!" Pag pupumiglas ni Marian.
"Sasama ka sakin Marian. Sasama kayo sa akin ni Miguel!!" Hinatak ni Richard si Marian pasakay ng kanyang sasakyan..
Si Miguel ay walang tigil ang pag iyak.
"Bitawan mo ang mama ko. Bad ka!" Sigaw ng bata.
Tumakbo si Miguel sa lalaki na ngayon ay hawak hawak ang kanyang ina. Kinagat ni Miguel ang hita ni Richard na dahilan upang masaktan ang lalaki at bigla nitong hawiin ang bata.. Kaya naman yun ang naging dahilan kung bakit tumilampon ang bata sa kung saan. Pero sa kasamaan palad ay tumama ang ulo ng bata sa pader kung saan ito tumilampon at nawalan ng malay.
"Miguel anak ko!" Sigaw ni Marian.
Isang malakas na suntok sa sikmura ang ginawa ni Richard sa babae. Agad na nang hina ang katawan nito. Pero ang mata ni Marian ay hindi naaalis ng tingin sa kanyang anak na nakahiga sa kung saan at wala ng malay..
"Miguel anak!" Sabi pa ni Marian.
Pero sinuntok muli ni Richard si Marian at nang tuluyan ng manghina ang katawan ng babae ay binuhat ito ni Richard upang tuluyan ng isakay sa sasakyan..
Naiwan si Miguel sa loob ng kanilang bahay na wala ng malay. At ang kanyang ina ay tuluyan ng kinuha ni Richard.
NASA BYAHE NA SI RICHARD AT MARIAN.
"Pakiusap! Balikan natin ang anak ko." Sabi ni Marian na mahina na din ang boses nito.
Nakatali ang kamay ni Marian habang sila ay nasa loob ng sasakyan.
"Kalimutan muna ang anak mo! Mag sasama na tayo!" Sabi pa ni Chard.
Tatawa tawa pa ito at parang mababaliw na. Wala na sa katinuan ang mga lumalabas sa bibig nito.
"Maaawa ka sa anak ko! Wala siyang kasalanan. Sasama na ako sayo Chard. Balikan natin ang anak ko!" Pilit na nag sasalita si Marian kahit na nahihirapan siya.
Pero parang bingi ang lalaki. Parang hindi man lang nito naririnig ang pakiusap ni Marian sa kanya.
"Nagpapatawa kaba Marian? Ang batang yun ay anak ni Lindon. Kaya bakit ko siya babalikan. Hindi si Miguel ang kailangan ko Marian kundi ikaw." Tumawa muli ng malakas si Richard habang nag mamaneho. Wala naman nagawa si Marian kundi ang umiyak na lamang.
"Diyos ko! Wala sanang masamang mang yari sa anak ko! Iligtas niyo po ang mahal kong si Miguel."
Sabi ni Marian sa kanyang isipan na walang tigil ang pag tulo ng luha.
Marami pang mangyayari. Mag uupdate ulit ako.. Wag sana kayong sumuko sa pag babasa. Tulad ni Marian at Lindon na hindi sumusuko sa pag subok sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.
