Chapter 31

5.3K 110 0
                                    


Nakatayo lamang si Marian sa kanyang pwesto upang maghintay lamang ng costumer na lalapit. Siya ay isa sa mga sales lady ng mall kung saan siya ngayon nag tatrabaho. Pero nahagip ng kanyang paningin ang dalawang taong namimili sa mall na ngayon ay papunta na sa pwesto kung saan siya naroroon.

"Zam! Chard!"


Iiwasan sana ni Marian ang mga ito ngunit pag talikod niya ay agad na narinig niya ang boses ng babae.

"Miss! May stock pa ba kayo nito?" Tila siya ang tinatanong ng babae. Ilang minuto ang nag tagal habang siya ay nakatalikod.

"Miss bingi kaba? Di mo ba ko naririnig? Gusto mo ba ipatanggal kita sa trabaho. Hindi mo ba alam na fiance ako ng may ari ng mall na pinag tatrabahuhan mo?" Sunod sunod na sabi ng babae.

Yumukom ang kamay ni Marian at humugot ng malalim na pag hinga. Tapos ay humarap sa babae.

Pero nabitawan ng babae ang damit na hawak ng makita niya ang mukha ng sales lady ngayon ay nasa kanyang harapan.

"Anong size ba mam ang kailangan niyo?"

Hindi na makapag salita pa si Zam ng makita niya ang babae. Parang umurong ang dila nito dahil sa sobrang gulat.

"Mam. Anong size po ba?" Tanong muli ni Marian na seryoso ang mukha.

"What the hell Zam. Napaka tagal mo-" Tila natigilan din si Richard ng makita niya ang babaeng kaharap ng kanyang kapatid.

"Marian."

Mahinang sabi ni Richard na tila gulat na gulat din.

"Mam. Tinatanong ko po kayo kung anong size." Pag uulit ni Marian na seryoso lamang ang mukha.

"No! Hindi totoo ito."
Sabi ni Zam na tila hindi makapaniwala.

"Ang akala ko ba mam kailangan niyo ng size. Ngayon naman hindi kayo makapag salita." Sunod sunod na sabi ni Marian. Samantalang si Zam ay nandidilat ang matang nakatingin lang kay Marian.


"Marian! Hindi mo ba kami-"
Hindi na natapos pa ni Richard ang kanyang sasabihin ng biglang dumating ang Manager ni Marian.


"Marian!"
Matigas ang boses ni Mrs. Punzalan.

Bumaling ng tingin dito si Marian.

"Bakit ganyan mo pag salitaan si Mam. Hindi mo ba alam na siya na ang mapapangasawa ng may ari ng mall na ito."

Dinuduro duro pa ng babae si Marian sa mukha. Halos ang lahat ng tao ay nakatingin na sa kanila.

Pero ang labis na ikinagulat ni Marian at ng maraming tao ay ng bigla na lamang sampalin ni Zam si Marian na dahilan para bahagyang bumaling ang mukha ni Marian.

"Zam bakit mo sinampal si Marian?"
Gulat na sabi ni Richard sa kapatid. Pero hindi naman ito pinansin ni Zamantha at diretso pa din ang tingin nito kay Marian. Samantalang si Marian ay kalmado pa din ang mukha na makikitaan mo ng galit sa mga mata.


"Bakit ka bumalik? Para guluhin ang buhay namin." Matigas na sabi ni Zam.

Bahagya naman nangiti si Marian sa sinabi ni Zam na labis na ikinainis ng babae.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Matigas na sabi ni Marian.

Dahan dahan lumapit si Marian malapit kay Zamantha at bumulong sa tainga nito.

"Wag kang mag alala. Sayong sayo na siya."

Namilog ang mata ni Zam sa sinabi sa kanya ni Marian na parang wala na lang ang lahat sa babae matapos ang lahat ng nangyari.

"Tama na yan Zam! Umalis na tayo." Sabi ni Richard.


"No! Hindi pa kami tapos ng babaeng yan!"

Hinawakan ni Richard ang braso ni Zamantha


"Let's go Zam!" Nagtaas na ng boses si Richard sa kapatid at inilayo na doon si Zamantha.


Naiwan naman si Marian at Manager niya sa kanyang pwesto.


"Marian! Sumunod ka sakin. Maguusap tayo." Matigas na sabi ng Manager. Sinunod naman ni Marian ang sinabi ng babae.




---------------------

"My God Zam! Hindi kaba nahihiya sa ginagawa mo?" Galit na sabi ni Richard sa kapatid.



"Chard. Natatakot ako! Bumalik na siyang muli. Kailangan mailayo natin siya kay Limdon. Ayokong magkita silang dalawa. Gumawa ka ng paraan Chard." Halos mabaliw na naman si Zam sa kakaisip sa muling pag haharap nila ni Marian. Dahil limang taon niya labis na ikinatatakot na muling magkita si Lindon at Marian.



Halos wala na din sa sarili si Chard ng makta niya muli si Marian.


"Wala pa din siyang pag babago." Sabi ni Richard.



"What? Chard naririnig mo ba ang sinabi ko? Gumawa ka ng paraan para mailayo natin si Marian kay Lindon. Please Chard." Muling sabi ni Zam.

Yumukom naman ang kamay ni Richard.


"Don't worry Zam. Kahit di mo sabihin yan. Iyan ang gagawin ko!" Nanlilisik ang mata ni Richard habang nakatingin sa malayo.



Dahil sa pagkakataon na ito ay hindi niya hahayaan na mag kasama si Lindon at Marian, matagal na din niyang hinahanap si Marian mula ng umalis ito at nagpakalayo layo. Kung nung noon ay nawala si Marian sa kanya. Sa pagkakataon na ito ay hinding hindi mangyayari yun. Dahil tutuparin niya ang kahilingan ng kapatid niya at ang kanyang gusto na makuha ang babae.




+++++++++++

"friend ayos ka lang ba? Balita ko may nanakit sayo kanina sa area mo ah." Sabi ni Badi sa kaibigan.



"Ayos lang ako. Wag kang magalala."


"Buti na lang friend at napagalitan ka lang at hindi ka tinanggal sa trabaho. Balita ko yung nakatapat mo ay fiance ng may ari ng mall." Sunod sunod na sabi ni Badi.


"Wag kang maingay. Baka marinig ka ng anak ko. Baka isipin ni Miguel na pumapayag akong saktan ng kahit na sino."



"Pero friend ano ba talaga ang nangyari. Bakit bigla na lang siyang nagalit sayo."


Huminga ng malalim si Marian bago sumagot.

"Mahirap ipaliwanag ang lahat. Pero alam kong malalaman mo din ang katotohanan. Hindi ko sinabi ang lahat sayo kahit na alam kong dapat kitang pagkatiwalaan. Pero kung ano man ang sikreto ko na hindi mo alam. Isipin mo na lang na gusto ko lang ang kalimutan ang lahat ng nakaraan."


Hindi na nakapag salita pa si Badi sa sinabi ng kaibigan niya. Batid niyang maraming itinatagong sikreto si Marian sa kanya pero naiintindihan niya kung bakit.. Katulad na lamang na sa tagal na nilang magkaibigan ni Marian ay hindi pa din niya alam ang tunay na ama ng bata.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon