Hawak ni Marian ang kanyang cellphone at ang piraso na papel, ang calling card na ibinigay sa kanya ni Don Alfredo, sa pagkakataon na ito wala ng ibang pag pipilian si Marian kundi ang sundin ang gusto ni Don Alfredo na mag pakasal si Marian sa kanya, kailangan niyang gawin yun dahil gusto niyang maipagamot at mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Oras na tawagan niya ang number na nakalagay sa calling card ay magsisimula na ang takbo ng kanyang buhay, kailangan niyang maging bingi upang hindi niya marinig pa ang mga panghuhusgang maaaring sabihin sa kanya ng iba, napaka laking sakripisyo at desisyon ang kanyang gagawin, pero ang sakripisyo na yun ang magliligtas sa buhay ng kanyang kapatid.
Nanginginig ang daliri at kamay ni Marian habang isa isa niyang pinipindot sa cellphone ang mga numero na kinokopya niya sa calling card. Nang mapindot na niya ang mga numero ay huminga muna siya ng malalim, tumingin pa nga siya sa letrato ng kanyang ina na nakasabit sa dingding ng kanilang bahay.
"Inay gagawin ko ang bagay na ito para kay Laura, alam kong magiging maayos din ang lahat." Sabi ng babae.
Tapos ay pinindot na niya ang enter upang madiall na niya si Don Alfredo. Tatlong Ring ang narinig ni Marian bago may sumagot.
"Hello." Narinig agad ni Marian ang boses ng matanda sa kabilang linya.
Dahan dahan ibinubuka ni Marian ang kanyang bibig upang makapag salita.
"Se'Senyor." Mahinang sabi ng babae.
Tila natahimik naman saglit ang matandang lalaki sa kabilang linya. Mayamaya pa ay nag salita itong muli.
"Marian ikaw ba yan?" Tanong agad ng matanda..
Ipinikit naman ni Marian ang kanyang mata bago mag salita.
"Oo ako nga ho. Senyor."
"Sabi ko na nga ba at tatawag ka. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito Marian." Sa tinig ng matanda ay malalaman mo agad ang ligaya na nararamdaman nito.
"Se'senyor, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, gusto kita makausap." Wika ni Marian.
Mabilis naman na sumagot ang matanda.
"Oo Marian, walang problema. Ipapasundo kita mamaya sa isa sa mga tauhan ko, upang makapag usap tayo." Pang sangayon ni Don Alfredo.
Tapos ay bigla na lamang pinutol ni Marian ang kanilang paguusap.
Hindi naman maitago ni Don Alfredo ang sayang nararamdaman sa pag tawag ni Marian sa kanya, makukuha na niya si Marian ang babaeng matagal na niyang gustong mapasakamay.
INAASAHAN na ni Marian ang pag dating ng mga tauhan ni Don Alfredo upang siya ay sunduin. Suot ni Marian ang simpleng damit pero nababagay pa din sa kanyang ganda. Lumapit kay Marian ang isang lalaking sa palagay niya ay tauhan ni Don Alfredo..
"Ms. Marian, pinapasundo na po kayo ng Senyor." Sabi ng lalaki.
Tumango lang si Marian sa tauhan ng matanda at sumunod ang babae sa tauhan papunta sa sasakyan.
Pag sakay ni Marian ng sasakyan ay nandun na agad si Don Alfredo na tila naghihintay sa kanya.
"Saan mo ba gusto mag punta Marian?" Tanong ng matanda na puno ng pananabik ang mga matang nakatingin kay Marian.
"Kung maaari lamang Senyor ay dito na lamang tayo mag usap." Seryosong sabi ni Marian.
"Napagisipan mo na ba Marian? Ang mga alok at tanong ko sayo?" Sabi ni Don Alfredo sa matanda.
Huminga muna ng malalim si Marian bago sumagot sa tanong ng matanda.
"Opo Senyor, napag isipan ko na." Tugon ni Marian.
Lumawak naman ang ngiti ni Don Alfredo sa mga sinabi ni Marian.
"Magpapakasal ako sainyo Senyor, pero may kundisyon." Matigas na sabi ni Marian.
Hinawakan naman ni Don Alfredo ang kamay ni Marian. "Kahit na ano pa ang kundisyon mo, ibibigay ko sayo." Sabi pa ng matanda.
"Tulungan mo akong ipagamot ang kapatid ko. Siguraduhin mo na mabubuhay si Laura at makakasurvive siya sa sakit niya." Sunod sunod na sabi ni Marian.
Mas lalo naman lumawak ang ngiti ni Don Alfredo sa kanyang labi. "Napakaliit na bagay ang iyong hinihiling.. Hindi lang buhay ng kapatid mo ang maliligtas ko, kundi maging ang takbo at ikot ng mundo niyong dalawa ay babaguhin ko." Tapos ay hindi na napigilan pa ni Senyor Alfredo na mapayakap kay Marian. Si Marian naman ay kahit na labag sa kanyang loob ay ginagawa niya ito para na lamang sa buhay ng pinakamahalagang tao sa buhay niya.
MATAPOS ng malaking desisyon ni Marian ay nagpakasal na ito kay Don Alfredo at isa na din siyang ganap na Grande, mas pinili na lamang ni Marian ang simpleng kasal at iilan lamang ang nakakaalam, ang pangarap sana ni Marian ay makasal siya sa simbahan, sa lalaking totoong minamahal niya at walang kundisyon, lalaking kahit na hindi mayaman at makapag yarihan ay sigurado siyang magiging masaya siya?pero dahil sa kahirapan sa buhay, dahil sa mahal niyang kapatid ay biglang mag babago ang lahat, pero sa kabila ng lahat, kahit na hindi siya masaya sa pagpapakasal niya sa isang matandang mayaman ay nabago ang takbo ng kanilang buhay. Naipagamot na ang kanyang kapatid, at ngayon ay tuloy pa din ang gamutan dito, nakapag aral na din siyang muli katulad ng pangarap niyang makapag tapos ng pag aaral at ngayon ay nakatira na siya sa mansion ng mga Grande.
Magkatabing nakahiga si Marian at ang asawa nitong si Senyor Alfredo.
"Masaya kaba sa pagpapakasal mo sakin?" Tanong ng matanda kay Marian.
Bigla naman nagising ang natutulog na diwa ni Marian sa tanong sa kanya ng matanda.
"Ano yun?" Pag uulit na tanong ni Marian.
"Kalimutan muna ang tanong ko yan. Mabuti pa ay matulog na tayo." Pag iiba ng matanda.
Napakabait ni Don Alfredo kay Marian. Halos ang lahat ay ibigay na niya sa babae maging maligaya man lang ito sa kanya, at dahil sa nararamdaman naman ni Marian ang mga ginagawa sa kanya ng matanda at sinusuklian niya din ito ng kabutihan, dahil sa matanda na din si Senyor Alfredo,
nakakaramdam na din ito ng iba't ibang sakit sa katawan at bilang ganti ni Marian sa lahat ay inaalagaan niya ang matanda.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.
