NASA HARAP ng mansion si Richard ngunit hindi siya makapasok sa loob nito, sa tuwing hahanapin niya si Lindon o Marian sa mansion ay lagi na lamang sinasabi ng mga guard o mga kasambahay na wala ang kanilang mga amo, at sa tuwing mag piprisinta naman ito na mag hintay na lamang sa loob ay ayaw naman siyang papasukin ng mga ito. Hindi alam ni Richard ang kanyang pag aalalang nararamdaman para kay Marian. Nang huling makasama niya ang babae ay hindi na niya ito tuluyan pang nakausap o nakita. Ganun din naman ang kaibigan nitong si Lindon. Ayon sa mga kasambahay sa mansion ay hindi pa umuuwi si Lindon tatlong araw na ang nakakalipas, bumalik daw ito sa Batangas sa kanilang Rest House..
Ngunit kahit na ang tagal na nag hihintay ni Richard ay hindi pa din siya umalis, hindi siya mapapanatag na hindi makita ang babae..
Ngunit nahagip ng paningin ni Richard ang sasakyan ni Lindon na kararating pa lamang. Walang ginawa si Lindon kundi ang bumusina sa harap ng malaking gate ngunit walang nag bubukas ng pintuan. Kaya naman daling bumaba si Richard upang lapitan ang kaibigan."Sh*t! Walang nag bubukas ng gate."
Sabi ni Lindon na halata na ang inis sa mukha nito.
"Pare!"
Sumenyas si Richard sa salamin ng bintana ng sasakyan ni Lindon, at bumaba naman ang lalaki.
"Pare bakit ganun? Walang nagbubukas ng pinto."
"I don't know Chard.. Nakakapag taka!"
"Kahit ikaw Lindon, ayaw ka nila papasukin?"
Napaisip naman si Lindon dahil sa nangyayari. Lumapit siya sa malaking gate ng mansion at kinalampag ng kinalampag ang gate, ngunit sumilip ang isang guard.
"What are you doing? Bakit hindi niyo buksan ang gate!" Pagtataas ng boses ni Lindon sa guard.
"Sorry Senyorito, pero mahigpit na bilin po ng Senyor na wag kami magpapapasok ng kahit na sino."
Napapakamot pa ang guard sa ulo nito habang nagpapaliwanag kay Lindon. Ngunit ang lalaki ay hindi na makapag pigil pa. Kinuwelyuhan ni Lindon ang gwardiya at isinandal ito sa pader.
"Hindi mo ba ko nakikilala?!!"
Galit na sabi ni Lindon sa gwardiya.Takot na takot naman ang gwardiya kay Lindon.
"Sir pasensya na po! Napagutusan lang po ako ng Senyor."
Sa sobrang init ng ulo ni Lindon ay halos maibuhos niya ang kanyang galit sa gwardiya kaya naman sinakal niya ito. Halos hindi naman makahinga ang lalaki.
"Pare tama na baka mapatay mo siya!!!"
Pag aawat ni Richard sa kaibigan."Hindi mo ba bubuksan ang pinto o papatayin kita...!"
Pag babanta ni Lindon.. Ngunit halos tumirik na ang mata ng gwardiya dahil sa pag kakasal ni Lindon dito.
"Pare baka mapatay mo siya!!!"
Itinulak ni Richard ang kaibigan upang mabitawan nito ang gwardiya na ngayon ay uubo ubo na..
Ang gwardiya naman ay mabilis na tumakbo at pumasok sa loob ng gate ng mansion.
"Ano ba problema ni Dad!"
Napasuntok pa si Lindon sa harapan ng kanyang sasakyan.
Si Richard naman ay tinapik tapik ang balikat sa kaibigan."Iwanan mo muna ang kotse mo dito. Mag bar muna tayo!" Pag aaya ni Richard.
Sumama naman si Lindon sa kaibigan, iniwanan nito ang kotse sa harap ng mansion at sumakay sa passenger seat ng kotse ni Richard.
Habang nasa byahe sila papunta sa bar na kanilang pupuntahan ay tahimik lamang si Lindon na nakatingin sa bintana. Hindi man lang nito kinakausap ang kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.