Chapter 20

5.9K 120 3
                                    


Nasa loob ng condo unit ni Lindon ang mag kapatid na Pilar at Leo. Naka confine si Leo sa loob ng condo unit at may personal doctor din ito, tinupad ni Lindon ang pangako niya sa mga ito.

"Kamusta na po si Leo?!" Tanong ni Lindon sa kapatid nitong si Pilar.

"Ayos na siya Hijo. Salamat sa kabutihan mo." Dagdag pa ni Pilar.

"Kung ganoon po ay aalis na ko. Tawagan niyo na lang po ako kapag may pag babago sa kanya."

Tatalikod na sana ang lalaki ng bigla niyang marinig ang boses ni Leo.

"Li' Li- Lindon!"
Tawag nito sa pangalan ng binata.

Humarap si Lindon ng makita niyang nakadilat na ang mata ni Leo.

"Diyos ko salamat sa Diyos at nakakapag salita ang kapatid ko " Wika ni Pilar.

"Li - Lindon."
Pag uulit ni Leo.


Lumapit ang binata kay Leo, pero nabigla siya ng hawakan ni Leo ng mahigpit ang kanyang kamay at may gusto itong iparating sa kanya.

"Sige Leo. Mag salita ka."

Pilit ibinubuka ni Leo ang kanyang bibig upang masabi niya kay Lindon ang kanyang gustong sabihin.


"Li ' Lindon. Si Si Laura ay ma 'mata gal ng pa- pa- tay." Namilog ang mata ni Lindon ng marinig ang sinabi ni Leo. "I- iligtas mo Si Si Ma' marian." Dagdag pa ni Leo.

Iniabot pa ni Leo ang isang maliit na papel kung saan ang nakasulat dito at telephone number.

"I' iligtas mm'o siya."

Dahan dahan nag sara ang mata ni Leo at bumagsak ang kamay nito na ang ibig sabihin ay binawian na siya ng buhay.

"LEO, LEO! Gumising ka!"

Umiiyak na si Pilar at maging Si Lindon ay hindi na mapigilan pa ang kanyang luha..
Hindi maintindihan ni Lindon ang mga sinasabi ni Marian, pero ang numero ang numero nga ba na ibinigay sa kanya ng lalaki ay ang kasagutan sa lahat ng pag hihirap nila.


HAWAK ni Lindon ang kanyang cellphone upang tawagan ang numero na ibinigay sa kanya ng lalaki. Nagring ang telephono at agad naman na may sumagot dito..

"Hello."

Narinig ni Lindon ang boses ng isang lalaki.

"Hello! Si - si Lindon Grande po ito." Pag papakilala ni Lindon sa kausap sa kabilang linya.


"TAMA NA PO! Itigil niyo na po. Mananahimik na ko Mr. Grande." Sa boses ng lalaki sa kabilang linya ay halatang takot na takot ito ng marinig ang Grande.

"Hindi po ako si Alfredo. Gusto ko po makipag kita sainyo." Wika pa ni Lindon.

"Pangako po. Walang makakaalam ng lahat Senyor!" Dagdag pa nito.

"Calm down. Lindon Grande ang pangalan ko. At anak ako ng taong tinutukoy niyo. Hindi ako masamang tao katulad ng aking ama. Gusto ko iligtas ang buhay mo at ni Marian. Kaya please sabihin mo kung paano tayo makakapag usap."


Tila natahimik naman ang lalaki sa kabilang linya, at sa palagay ni Lindon ay nag iisip ito dahil sa kanyang mga sinabi.

"Totoo ba ang sinasabi mo??!" Wika pa nito.


"Mag tiwala ka sakin. Hinding hindi kita ipapahamak."


"Sige! Sasabihin ko sayo ang lugar at puntahan mo ko." Bigla na lamang naputol ang tawag.

Ilang minuto pa ay nag text ang numero na kanyang tinawagan at nakalagay dito ang lugar kung saan sila magkikita. Nang malaman na ni Lindon ay agad siyang pumunta dito.


Madilim at nakakatakot ang sinabing lugar ng lalaki, isa itong barong barong ngunit dahil sa gabi na ay wala ng masyadong tao sa lugar. Mayamaya pa ay nakita ni Lindon sa hindi kalayuan ang isang lalaking naka jacket na itim at nakasumbrelo.

"Ikaw ba si Lindon Grande?!" Tanong ng lalaki.

Prenteng nakatayo lamang si Lindon at matigas na sumagot.

"Oo ako nga!"

"Kung ganoon ay sumunod ka samin."

Sinundan ni Lindon ang lalaki hanggang sa makarating sila sa isang lugar na tagpi tagpi lamang ang pag kakagawa sa bahay, kahit na daga ay hindi magagawang tumira sa ganoon klase ng lugar.

Lumapit ang lalaki kay Lindon, may edad na din ang lalaki, namumula ang mata at may bigote pa.


"Ano ang gusto mo malaman?!" Matigas na tanong nito.

"Gusto kong malaman ang katotohanan tungkol kay Laura. Bakit ikaw ang tinuro ni Leo bago siya bawian ng buhay?!"

Tumalikod ang lalaki kay Lindon bago nag salita.

"Kung ganoon ay wala na pala si Leo." Sabi pa nito..

"Oo namatay na siya. At dahil gusto niya na malaman ko ang lahat ay ikaw ang taong gusto niyang makilala ko!" Dagdag pa ng binata.

Nakita ni Lindon na unti unting yumuyukom ang kamay ng lalaki na halata din ang galit sa kanyang ama.

"Si Si Laura ay anak ko!"

Nanlaki ang mata ni Lindon sa sinabi ng lalaki.

"Sino ba talaga si Laura at ano ang kaugnayan niya kay Marian at Dad!"
Nagtaas na ng boses si Lindon sa lalaki.

"Si Laura at Marian ang magkapatid. Ipinag bili ni Marian ang sarili niya upang maipagamot ang kapatid niyang si Laura na may malubhang karamdaman! Naging mahina ako at walang kwentang ama ako para kay Laura. Pero ang gumawa ng bagay na ako dapat ang humanap ng paraan ay si Marian. Pinakawalan ni Marian ang sarili niyang kalayaan ay kaligayahan para sa kapatid niya! Kaya siya pumayag na mag pakasal kay Senyor Grande!"

Nang gigilid na ang luha ng matanda sa kanyang kwento habang binabalikan ang mga nakaraan.

"Hanggang ngayon ay nag dudusa si Marian sa loob ng mansion dahil sa kasamaan ng iyong ama! Matagal ng patay ang anak kong si Laura dahil hindi tinupad ng Senyor ang pangako niya kay Marian na ipapagamot niya si Laura. Hinayaan lamang niya mamatay ang anak ko! At hanggang ngayon ay walang alam si Marian sa katotoohanan at hanggang ngayon ay nag titiis siya sa loob ng impyernong mansion na iyon!"

Hindi na mapigil pa ni Jose ang kanyang nararamdaman sakit.. Nananangis ang lalaki habang inilalahad ang lahat kay Lindon.

"Si Juanito! Ang matalik na kaibigan ni Marian ay pinatay din ng iyong ama dahil na din sa gusto niyang sabihin ang lahat kay Marian pero harap harapan niyang pinatay ang kawawang si Juanito!"


Halos manlabot ang tuhod ni Lindon sa kanyang mga nalaman. Hindi lubos maisip ni Lindon na napakasama pala ng kanyang ama.


Lumapit si Jose kay Lindon at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ni Lindon.

"Alam kong hindi ka tulad ng iyong ama. Parang awa mo na iligtas mo si Marian sa mga kamay niya. Hindi kayaman o pera ang gusto niya, wala siyang ibang gusto kundi ang mailigtas lamang ang kapatid niya."


Tumulo ang luha ni Lindon at dahan dahan yumukom ang kanyang kamay, kakaibang galit ang nararamdaman niya sa kanyang ama sa lahat ng kasamaan nito. Sa mga taong pinatay niya at pinahirapan, sa pag kamatay ng kanyang ina at sa pag hihirap ngayon ng kanyang pinakamamahal na babae.

Ang akala niya ay mali ang ibigin ang babae, pero sa pag kakataon na ito ay hindi na niya papalagpasin pa ang kasamaan ng kanyang ama, at hindi na niya pipigilin pa ang kanyang sarili na mahalin ang kanyang tinuturing na young stepmom.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon