Chapter 51

6.3K 127 5
                                        

Papunta na si Lindon sa ospital at siya ay prenteng naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ni Marian ng makita niya si Badi na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto at mukhang masyado itong aligaga at hindi mapakali.

"Badi ano nangyari?" Tanong agad nito sa bakla.

"Si. Si Si Marian! Si Marian! Gising na siya."

Nanlaki ang mata ni Lindon sa sinabi ni Badi, parang gusto niyang sumigaw sa kaligayahan dahil sa isang magandang balitang kanyang nalaman.

"Nasa loob ang mga Doktor upang tignan siya. Hintayin na lang natin silang lumabas para malaman natin ang kalagayan ni Marian." Sabi pa ni Badi na tila naluluha pa sa kaligayahan.
"Bigla na lang dumilat ang kanyang mata, pero hindi siya gumagalaw. Tanging ang kanyang mata lang ang dumilat pero alam kong gising na talaga siya." Paliwanag pa nito.

Matapos ang ilang sandali ay bumukas ang pintuan ng kwarto ni Marian at lumabas ang Doktor pati ang mga nurse na kasama nito, agad naman itong sinalubong ni Lindon at Badi.

"Ano nangyari Dok? Gising naba talaga siya?" Tanong ni Lindon.

Tumango naman ang Doktor.. At hindi naman makapaniwala si Lindon sa nangyari. Hindi malaman ng lalaki ang kanyang sayang nararamdaman.

Hindi na hinintay pa ni Lindon at Badi ang paliwanag ng Doktor dahil sapat na para sa kanila ang malamang gising na talaga si Marian. Nilagpasan ng dalawa ang Doktor at agad na pumunta sa babae.

Hinawakan ni Lindon ang kamay ni Marian at idinikit sa kanyang pisngi.

"Marian naririnig mo ba ko?" Sabi pa ni Lindon.

Bagamat nakabukas ang mata ng babae ay hindi naman gumagalaw ang katawan nito at ang mata nito ay nakatingin lang sa isang direksyon.

"Marian! Kilala mo ba ko? Si Lindon ako Marian. Salamat! Salamat at gumising ka. Salamat at di ka sumuko." Hindi na mapigil pa ni Lindon na mapaluha dahil sa labis na kaligayahan na kanyang nararamdaman.

Pero laking gulat ni Lindon nang makita niya ang pag tulo ng luha na nag mumula sa mata ng babae na sa tingin niya ay naririnig siya nito.


"Hindi pa niya magawang makapag salita at nahihirapan pa siyang igalaw ang kanyang katawan dahil sa tagal ng pag kakaratay niya. Kaya naman hayaan na lang muna natin siya.. Kusa siyang gagalaw at matapos nun ay pwede na siyang isabak sa theraphy ng sa ganun ay tuloy tuloy na ang pag galing niya." Paliwanag ng Doktor..

"Marian. Sobrang namiss kita Friend." Sabi pa ni Badi na tila masayang masaya pa..

Si Lindon naman ay agad na tumawag sa mansion.

"Hello sir."

"Ipahatid mo si Miguel sa driver ko papunta dito sa hospital. Ngayon na!" Sabi ng lalaki sa kasambahay ng mansion.

"Opo sir. Masusunod po." Tapos ay ibinaba na ni Lindon ang tawag.

Matapos ang matagal na pag kakacoma ni Marian ay nagising na din siya sa wakas kaya naman ganun na lang ang sayang nararamdaman ni Lindon. Dahil unti unti na niyang naaabot ang kanyang pangarap na mag karoon ng buo at isang masayang pamilya.


Lumapit muli si Lindon kay Marian at hinaplos ang makinis na balat nito.

"Marian! Magpagaling ka ng lubusan ah.. Lagi mong lalakasan ang loob mo.. Gusto na kitang makasama at miss na miss kana din ng anak natin." Sabi pa nito.

Wala naman patid ang luha ni Marian habang nag sasalita si Lindon sa kanyang harapan. Tila gustong gusto ibuka ni Marian ang kanyang bibig upang mag salita.


Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon