Nagmamadali si Raul papasok sa loob ng opisina ni Lindon, naabutan ni Raul si Camille at Lindon na mag kausap sa opisina.
"Sir. May balita ako! At kailangan niyo itong malaman!" Sabi pa ni Raul na halatang hinihingal pa dahil sa pag mamadali.
"What? Kausap ko si Camz. Meron pa ba kong mas mahalagang bagay na dapat malaman liban sa pag papatakbo ko sa aking negosyo." Sabi pa ni Lindon.
Napatingin naman si Lindon at Camille sa isang brown envelope na inilapag ng lalaki sa lamesa.
"Sir. Kapag binuksan mo ang laman ng envelop na yan. Dyan mo malalaman kung ano pa ang mas mahalaga." Seryoso si Raul sa kanyang sinabi.
Dahan dahan kinuha ni Lindon ang bagay na dala ni Raul. Binuksan niya yun at nakita niya ang result ng DNA Test.
"Ano yan Raul? Bakit may dala kang ganyan?" Tanung ni Lindon kay Raul na nag hahalo ang pag tataka sa mukha.
Hinablot naman ni Camille ang papel at agad binasa ang nakasulat dito.
Napatakip pa ng sariling bibig si Camille dahil sa kanyang nabasa."Oh my god Lindon!"
Sabi ni Camille.Iniabot ni Camille ang papel kay Lindon at binasa ito ng lalaki.
Namilog ang mata ni Lindon ng makita niya ang nakasulat sa DNA result.
"Ano ang ibig sabihin nito Raul?" Tanong ni Lindon.
"Sorry Sir kung ginawa ko ang bagay na yan na walang pahintulot ninyo.."
Nang gigilid ang luha ni Lindon habang nakatitig ito sa papel na kanyang hawak hawak.
"Naisip kong gawin yan upang malaman ko ang katotohanan. Masama ang kutob ko kay Richard at alam kong nagsisinungaling lang siya. Mas marami ang pagkakatulad ninyo ng bata. Kaya naisip ko na gawin yan para makasigurado! Ngayon sir. Sigurado na tayo! Anak mo si Miguel. At ikaw ang tunay niyang ama." Paliwanag ni Raul.
Hindi alam ni Lindon kung ano ang kanyang pakiramdam. Parang bigla siyang nasabik na makita muli ang bata at makasama ito. Hindi makapaniwala si Lindon na ang batang minahal niya ay kanya pa lang sariling anak. Hindi mapigilan ni Lindon ang mapaluha dahil sa kaligayahan na kanyang nararamdaman. Dahil ang pag mamahalan nila ni Marian na matagal ng hinahadlangan ay nag bunga pala..
NAKAKULONG SI MARIAN SA LOOB NG SILID. Muli na naman nauulit sa kanya ang nakaraan na kanya na noon naranasan. At ito ang isang bagay na kanyang ikinatatakot. Pero hindi mawaglit sa isipan ng babae ang isipin ang kanyang anak, wala ito sa tabi niya at wala itong malay ng sila ay magkahiwalay. Hindi maintindihan ni Marian kung bakit nang yayari ang ganitong klaseng kalupitan sa kanyang buhay.
"Gising kana pala Marian.. Kumain kana." Sabi pa ni Richard na ngayon ay nasa kanyang harapan.
Hindi naman nag sasalita ang babae. Tahimik lang ito at seryoso ang mukha. Habang nakatali ang kanyang kamay.
"Wag kana mag tampo sakin.. At wag muna isipin ang anak mo.. Kaya naman natin gumawa ng mas cute pa doon." Sabi pa ni Richard.. Tapos ay tumawa ito na parang isang demonyo..
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Chard? Nababaliw kana!" Sabi ni Marian.
Lumapit si Richard sa babae at itinapat nito ang mukha ni Marian sa kanya.
"Oo! Nababaliw na ako. At yun ay dahil sayo!" Punong puno ng galit ang mukha ni Richard na nakatingin sa babae.
"Kahit kailan ay hindi kita magagawang mahalin. Dahil isa kang hayop!"
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Richard sa babae.
"At sino Yan? Sino ang kaya mong mahalin? Si Lindon. Ang kriminal na si Lindon ba?!"
Tumawa na naman ng mala demonyong tawa ang lalaki.
"Anong ibig mong sabihin?!" Tanong ni Marian.
"Si Lindon ang hayop! Dahil pinatay niya ang sarili niyang ama.."
Nandilat ang mata ni Marian sa sinabi ni Richard.. Hindi akalain ni Marian na napatay ni Lindon ang ama nito ngunit sa anong dahilan?
"Iniisip mo ba kung bakit? Dahil sa kabaliwan niya sayo kaya napatay niya ang sarili niyang ama." Tapos ay tunawa itong muli.
"Pero napakatanga ng kaibigan ko na yun Marian! Dahil hinayaan niyang mapunta ka sakin.. Ang akala niya siguro ay magiging maganda ang buhay mo sakin.."
"Napakawalang hiya mo Chard. Napakasama mo!" Umiiyak na sabi ni Marian na may matalim na tingin kay Richard.
"Ngayon Marian. Habang buhay kana makukulong sa lugar na ito? Habang buhay na tayong mag kakasama at dito na tayo mamatay.. Kaya ko din gawin ang ginawa ng matalik kong kaibigan.. Ang pumatay para sayo.. Yun nga lang mag kaiba kami. Dahil hindi ko kayang ibigay sayo ang iyong kalayaan." Sunod sunod na sabi ng lalaki.
"Napakawalang hiya mo Chard.. Papatayin kita hayop ka!"
Pilit pumapasag si Marian sa pag kakatali sa kanya. Parang gusto niyang patayin si Richard sa kanyang mga nalaman..
Matapos nilang mag usap ni Chard ay lumabas muli ito ng kwarto at nilock muli ang pinto.. Naiwan siyang mag isa doon.
Matapos ang limang taon ay naranasan na naman niya ang makulong sa isang madilim na kwarto.
Pero hindi mapigil ni Marian ang mapaluha dahil sa mga naiisip niya."Patawarin mo ko Lindon.. Hindi ko alam..." Sabi ni Marian sa kanyang isipan na walang humpay ang pag tulo ng luha..
"Limang taon akong nag tago at nag tanim ng sama ng loob. Hindi ko alam na sa mga panahon na nag luluksa ka ay wala ako.. Hinayaan kitang mag isa.."Si Lindon ang taong lubos na nag mamahal sa kanya. Ang lahat ng kanyang inaakala noon ay isang malaking pag kakamali.. Dahil hindi siya iniwan ng lalaki.. Kundi inuna lamang nito ang kaligtasan niya bago ang pansarili. Hindi inaasahan ni Marian na magagawang patayin ni Lindon ang kanyang sariling ama para lang sa kaligtasan at kalayaan niya. At ang nagawa ni Lindon na pag paslang sa sariling ama ay isang malaking tinik na hanggang ngayon ay nakabara sa dibdib ng lalaki.. Ngunit sa kabila noon at tinalikuran niya ito at nag tago.. Maging ang anak nila na maaaring makapag papawi ng matinding sakit na nararamdaman ni Lindon ay ipinagkait niya.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.