Pumunta si Lindon sa lugar kung saan sinabi ng mga kidnaper, lahat ay gagawin ni Lindon para lamang mailigtas si Marian kahit na alam niyang mapanganib at ang kapalit noon ay ang kanyang sariling buhay. Pumasok si Lindon sa isang yerong pintuan, napansin naman ng binata ang dalawang lalaking nakasunod sa kanya, may mga hawak itong baril at alam niyang sa maling galawa lang niya ay maaari siyang patayin ng mga ito.
"Nasaan si Marian?" Matigas na tanong ni Lindon sa dalawang lalaking nakasunod sa kanya.
Idinikit naman ng isang lalaki ang baril sa baiwang ni Lindon. "Sumunod ka na lang samin at wag kana mag tanong pa, dahil isang maling galaw mo lang dito mamatay ka at maging ang babaeng yun." Sabi ng isa sa mga lalaki.
"Sino ang lalaking nagpadukot kay Marian??" Galit ang boses ni Lindon. Pero sumagot naman ang mga lalaking ito sa kanyang tanong.
"Si Dave, ang lalaking binugbog mo ng walang laban." Sabi pa ng lalaki habang nakatutok pa din sa kanyang tagiliran ang baril.
"Sige lakad! Baka ito na ang huling beses na makikita niyo ng babaeng yun ang isa't isa."
Sumunod si Lindon sa mga sinabi ng lalaki, hanggang sa pumasok sila sa isang lumang silid. Nagtama ang mata ni Lindon at Marian ng sila ay magkaharap na. Namimilog ang mata ng babae at puno ng pag aalala. Nakita niyang nakatali ang babae sa isang upuan.
"Bakit ka pumunta dito! Bakit Lindon?!" Sigaw ni Marian na halos hindi na din mapigil pa ang kanyang pag iyak.
Pinaikutan ng anim na lalaki si Lindon, samantalang si Dave naman ay nasa tabi ni Marian at hawak pa ang buhok ng dalaga, nakatutok din sa leeg ng dalaga ang isang patalim.
"Wag mo siyang sasaktan." Mahinang sabi ni Lindon.
"Tumigil ka Lindon! Lumaban ka sa kanila." Sigaw ni Maria. Sa binatang si Lindon. Pero isang malakas na sampal ang ibinigay ni Dave kay Marian na labis na ikinabigla ni Lindon.
"Sinabi kong wag mo siyang saktan!" Pag tataas ng boses ni Lindon. Dahil sa nakitang ginawa ni Dave kay Marian ay lulusubin na sana ni Lindon si Dave pero agad na may pumalo ng upuan sa likod nito.
"Subukan mong lumaban Lindon. At papatayin ko ang babae ito.!"" Wika ni Dave.
Sunod sunod na palo ang inabot ng katawan ni Lindon sa mga lalaki, suntok at tadyak na naranasan ni Lindon na kahit minsan ay hindi pa niya nararanasan.
"Wag tama na maawa kayo!" Sigaw ni Marian habang umiiyak.
Pero baliwala ang pag iyak ni Marian para tigilan nila ang kawawang si Lindon.
Pero dahil na din sa inis ni Dave ay muli niyang sinampal ang dalaga.
"Sinabi ng tumahik ka!" Sabi pa ni Dave.
Dahil sa nakita ni Lindon ang pananakit ni Dave kay Marian ay pinipilit tumayo ng binata upang proteksyonan ang kanyang minamahal, ngunit dahil sa bugbog sarado na ang katawan nito ay nahihirapan na din itong bumangon.
"Tama na Lindon! Maaawa ka sa sarili mo!"
Walang magawa si Marian kundi ang umiyak na lamang, hindi alam ni Marian kung paano niya matutulungan ang binata.
Pero labis ang takot na naramdaman ni Marian ng bunutin ni Dave ang baril sa kanyang tagiliran at itapat ito kay Lindon
"Wag. Ako na lang! Ako na lang ang patayin mo!" Sabi ni Marian.
Pero inaasinta ni Dave ay si Lindon, matindi ang galit na nararamdaman ni Dave kay Lindon at kaya ginagawa ni Dave ang bagay na ito upang makaganti. Pinihit ni Dave ang baril at pipindutin na ito nang bigla na lamang tunakbo si Marian papalapit sa binata at sa kasamaan palad ay siya ang tinamaan.
Kahit si Dave at ang mga kasamahan nito ay nabigla sa ginawa ni Marian, hindi akalain ng mga ito na magagawa iyon ng babae. Na kahit sariling buhay ay kayang ibigay para lamang sa isa't isa.
Humugot ulit ng baril ang kasama ni Dave at muling itinutok ito sa dalawang ngayon ay magkayakap na, maging si Marian ay unti unti na din nang hihina.
"Tama na yan! Mabuti pa ay iwan na natin sila. Sapat na yan para sa mga ginawa satin ng walang hiyang lalaking yan!" Sabi pa ni Dave. Pero laking gulat ng mga lalaki ng sila ay palabas na ng bodega ay makasalubong nila ang mga pulis, kasama nito ang katiwala ng mansion na si Leo.
"Hulihin niyo ang mga yan!" Matigas na utos ni Leo sa mga pulis.
Tumakbo si Leo papalapit kay Lindon at Marian na magkayakap sa sahig habang duguan.
"Diyos ko! Senyorito! Ma'am." Sabi ni Leo. Ginising pa ni Leo ang dalawang walang malay at halos maligo na sa sariling dugo.
Mga ilang minuto sy dumating na ang ambulansya at agad na isinakay ang dalawa sa loob nito upang isugod sa ospital, ang mga lalaki naman may kagagawan ng nang yari sa kanila ay agad na nahuli at naipakulong na.
----------------
IDINILAT ni Lindon ang kanyang mata at agad niyang nakita ang kulay puting pader.
"Nasaan ako?" Tanong agad ni Lindon. Sumagot naman ang nag babantay sa kanya na isa sa mga kasambahay sa mansion.
"Senyorito, nandito po kayo sa ospital." Paliwanag ng kasambahay.
Tatayo na sana si Lindon ng bigla siyang awatin ng kasambahay.
"Wag sir. Bawal pa kayong magagalaw." Sabi pa ng kasambahay.
Tinignan naman ni Lindon ang nakahawak na kamay ng kasambahay sa kanyang braso.
"Bitawan mo ko!" Matigas na sabi ni Lindon. Agad naman binitawan ng kasambahay ang pagkakahawak sa kanyang Senyorito.
"Saan ang kwarto ni Marian?!"tanong muli ni Lindon.
Hindi naman makasagot ng maayos ang kasambahay dahil na din sa takot nito kay Lindon.
"Saan ang kwarto ni Marian?! Bingi kaba?!" Pag tataas ng boses nito.
"Ro'ru'room 405 po sir." Sabi ng kasambahay. Tinanggal ni Lindon ang mga nakakabit sa kanya at daling lalabas ng pintuan upang puntahan si Marian. Pero napahinto siya ng bigla na lamang niyang makasalubong ang kanyang ama.
"Dad!" Gulat na sabi ng binata.
Galit ang mukha ni Senyor Alfredo habang dahan dahan lumalapit kay Lindon.
Nagulat naman si Lindon ng bigla na lamang siyang suntukin ng kanyang ama na dahilan para mapahiga siyang muli sa higaan.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito?" Nanlilisik ang mata ng Senyor habang nakatingin sa anak.
Kinuwelyuan pa nito ang anak at buong lakas na itinayo at isinandal sa pader.
"Dahil sa kagaguhan mo kaya nadadamay si Marian. Tandaan mo Lindon, kapag may nang yaring masama sa kanya kahit anak kita. Paparayin kita!" Matigas na sabi ng Senyor sa anak.
Galit na galit ang mukha ng matanda habang nakatingin ito kay Lindon, sa mga sinabi nito ay mukhang hindi ito nag bibiro, kahit sarili niyang anak ay handa niyang patayin para kay Marian.
Iniwan na ni Senyor Alfredo si Lindon sa loob ng kwarto nito, pinapahiran nt kamay ang bibig ni Lindon dahil na din sa bahid ng dugong dulot ng suntok ng kanyang ama. Hindi makapaniwala si Lindon na magagawa siyang patayin ng kanyang sariling ama para lamang kay Marian.
Mayamaya pa ay pumasok si Leo sa loob ng kwarto ni Lindon.
"Ano kailangan mo?!" Tanong ni Lindon kay Leo.
"Ooperahan po si Ma'am Marian, dahil may bala pa sa kanyang likuran." Sabi ni Leo kay Lindon.
Tatayp na sana si Lindon upang puntahan si Marian ng bigla siyang awatin ni Leo.
"Baka nakalalimutan niyong nandyan ang Senyor. Kapag nakita ka niya ay magkakagulo. Babalitaan na lamang kita tungkol sa nangyayari kay Marian." Tinapik tapik pa ni Leo ang balikat ni Lindon. Dahil naman sa sinabi ng katiwala ay nahimasmasan naman si Lindon. Sana lamang ay walang mangyaring masaya kay Marian, dahil kung si Marian ay malalagay sa paligro ay hinding hindi mapapatawad ni Lindon ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.
