Chapter 32

5.3K 122 0
                                    


Balik trabaho na naman si Marian, kailangan niyang baliwalain ang lahat ng nangyayari sa kanya sa lugar kung saan siya na tatrabaho. Habang nag aayos siya ng damit ay nagulat siya ng makita niya ang isang lalaking nasa kanyang harapan.

"Chard! Ano na naman ang ginagawa mo dito?"

"Gusto kita makausap Yan." Sabi ni Richard na puno ng kalungkutan ang mukha.

"Hindi pwede. May trabaho pako."

"Pero Marian. Limang taon kitang hinanap at ayokong pakawalan pa ang mga pagkakataon na alam kong malapit ka lang sakin."

Tatalikod na sana si Marian ng biglang mag salita si Richard.

"Natatandaan mo ba bago ka umalis? Hindi ba't alam ko din na may anak ka. Na buntis ka ng mga panahon na yun."

Natigilan si Marian sa sinabi ng lalaki.

"Huwag mo idadamay ang anak ko.. Tigilan niyo na kami."


"Paano mangyayari ang bagay na gusto mo Yan. Ikaw ang kusang lumapit sa buhay namin ni Zam at ni Lindon." Paliwanag ng lalaki.

Ngunit tama si Richard sa mga sinabi nito. Hindi siya matatahimik lalo't kung malalaman ni Lindon kung saan siya nag tatrabaho.

"Yan. Sumama ka sakin. Ilalayo ko kayo ng anak mo!"

Sabi pa ni Richard.

Hindi alam ni Marian ang tunay na dahilan ni Richard kung bakit pilit siya nitong inilalayo.

"Ano ba talaga ang gusto mo at ginagawa mo ito? Wala kang kaugnayan sa buhay ko at sa buhay namin ng anak ko."


"Dahil mahal kita Marian. At alam mo yun una pa lang."

"Tumigil kana Chard. Tigilan niyo na ako." Sabi pa ni Marian.


Tatalikod na sana si Marian ng bigla siyang hawakan ni Richard sa braso at hatakin palapit sa kanya at yakapin ang babae.


Tila hindi makapaniwala si Marian sa ginawa ni Richard. Maging ang ibang tao ay nakatingin na sakanila. Araw araw na lang ay pinag uusapan siya ng kanyang mga katrabaho.


"Bitawan mo ko Chard!"


Nagpupumiglas si Marian upang kumawala siya sa yakap ni Richard sa kanya. Hanggang sa nagulat na lamang si Marian at ang marami ng bigla na lamang may sumuntok kay Richard na dahilan para tumilampon ito sa kung saan.



"Lindon!"
Mahinang tawag ni Marian sa lalaking kaharap.


Hindi mapakali ang mga sales lady ng makita ang may ari ng mall na siyang sumuntok kay Richard.


Bumaling ng tingin si Lindon sa gulat na gulat na si Marian at hinawakan ang kamay ng babae.



"Bitawan mo ko!"



Hahatakin na sana ni Lindon si Marian palayo sa lugar ng bigla na lamang hawakan ni Chard ang kabilang kamay ni Marian.


"Bitawan niyo ko nasasaktan ako!"
Sabi pa ni Marian.


"Bitawan mo siya." Sabi ni Lindon kay Richard.



"Hindi ko siya bibitawan!"



Nagtatatakbo naman si Badi papalapit sa nang yayaring kaguluhan na ngayon ay pinaiikutan na ng maraming tao.



"Friend. Oh my god!"


Hindi makapaniwala si Badi na dalawang gwapong lalaki ang ngayon ay nakahawak sa magkabilang kamay ni Marian na tila pinag aagawan ang kaibigan. Ang dalawamg kilalang lalaki ang siyang nag aagawan sa kanyang kaibigan.




"Ano ba ang nangyayari? Bakit ba pinag aagawan yang sales lady na yan." Sabi pa ng isa sa mga sales lady doon.



"Itchusera ka ate.. Sales Lady ka din naman." Sabi ni Badi sa mga tsismosa.



"Bitawan niyo ko. Nasasaktan ako! Tigilan niyo na ako!" Sigaw ni Marian.



Pero parang walang naririnig ang dalawang lalaki. Hindi pa din nila binibitawan ang mag kabilang kamay ni Marian.



Dumating ang mga body guard ni Lindon at lumapit kay Richard.


Pwersahan hinawakan ng mga body guard si Richard upang bitawan si Marian. Kaya naman nag karoon ng pagkakataon si Lindon na ilayo ang babae sa lugar na yun.


"Hayop ka Lindon!"


Walang magawa si Richard dahil hawak siya ng mga tauhan ni Lindon. Tinitignan na lamang niya si Marian na hinahatak ni Lindon palayo.



Dinala ni Lindon si Marian sa kanyang opisina at ipinasok sa loob.



"Bakit mo ba ginagawa ito?!" Hindi na mapigilan pa ni Marian ang mapaluha dahil matapos ang matagal na panahon ay nasa harap na niya muli ang lalaki.



Niyakap ni Lindon ang babae.


"Ang tagal kitang hinanap Yan. At sa pagkakataon na ito hinding hindi na kita papakawalan pa."


Nag pupumiglas si Marian sa yakap ni Lindon. At ng makawala siya sa yakap na iyon ay isang malakas na sampal ang binigay niya sa lalaki.


"Lumayo kana sakin! Hindi mo ba alam na galit ang nararamdaman ko sayo Lindon? Tinalikuran mo ko sa mgapanahon na kailangan kita. Wala kang ginawa para sakin. Kaya layuan muna ko!"



Tatalikod na sana si Marian ng matigilan siya sa tanong ni Lindon.



"Mahal mo ba si Richard?"


Huminga ng malalim si Marian bago nag salita. Alam niyang malaking pag babago ang mangyayari sa magiging sagot niya pero para sa katahimikan ng kaniyang anak. Ay handa siyang mag sinungaling para dito.



"Oo mahal ko siya. Dahil siya ang taong nandiyan sa oras na nag iisa ako. Dahil ang taong inaasahan ko noon ay bigla na lang nawala at mas pinili ang iba kesa sakin."



"Pero Marian"


"Wala na tayong dapat pag usapan pa. Simula ngayon. Layuan muna ko!"



Alam ni Marian na malaking kasinungalingan ang lahat. Pero napaka sakit na maalala pa ang mga mapapait na sinapit niya noon. Ang pag mamahal niya para sa lalaki ay hindi na mawawala pa pero dapat niyang kalimutan ang bagay na yun para sa kanyang anak. Alam niyang sa kabila ng galit niya sa lalaki ay may pag mamahal pa din na natitira sa puso niya para dito.


Lumabas na ng opisina si Marian na hindi mapigilan ang sunod sunod na pag patak ng kanyang luha. Iniwan niya si Lindon na nag iisa sa opisina at umiiyak.


Pakiramdam ni Lindon ay para siyang binagsakan ng bato sa dibdib. Halos hindi siya makahinga dahil sa sakit na kanyang nadarama. Alam niyang walang kapatawaran ang pag talikod na ginawa niya sa babae noon. Pero hindi ito ang dahilan upang sumuko siya para sa pag mamahal niya sa babae. Gagawin niya ang lahat upang bumalik ang dating pag iibigan nila ni Marian.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon