Chapter 11

7.3K 131 1
                                    


Matagal tagal din mag kasama si Richard at Marian sa likod ng isang sasakyan, nakaupo lang sila sa sahig at tinitiis ang napakainit na lugar. Hindi pa din makaisip ng magandang paraa si Richard upang maialis na si Marian sa mainit na lugar na yun dahil na din sa takot na may makakita sa kanila at pag isipan sila ng masama.

"Shhhhss..miss gising!"
Tinatapik tapik pa ni Richard ang mapulang pisngi ng babae ngunit hindi ito magising gising dahil sa sobrang kalasingan..

Napatapik pa nga sa sariling noo si Richard.
"Sh*t.. Ang malas naman."

Puro suka ang damit ng babae at ganun din ang damit ni Richard.. Pero nagulat si Richard ng bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone..

Dad calling...

Sinagot niya ang tawag ng kanyang ama..

Daddy...

Nasaan kaba chard? Birthday mo ngayon pero hindi ka man lang nakita ng mga bisita natin. Nakakahiya!

Napakamot naman si Richard sa ulo..
Pero namilog ang mata ni Richard ng biglang tumawa ang kasamang babae habang ito ay natutulog..

"Sh*t..." Napamura na lamang si Richard dahil siguradong magagalit sa kanya ang kanyang ama...

Sino yang kasama mong babae Richard?

Wala dad. Kaibigan lang.
Pagpapalusot ni Richard..

Bumalik kana dito sa party,, nagkakagulo na dito!

What dad?? Ano nangyari?"

Ewan ko ba. Yung asawa ni Senyor Alfredo nawawala daw..

Matapos sabihin ng ama ni Richard yun ay napabaling siya ng tingin sa babaeng kanyang kasama.

"Hindi kaya ang babaeng ito ang-" napahinto si Richard ng narinig niya ang ilang tao sa loob ng parking lot. Sobrang abala ng mga ito at sobrang pag mamadali ang ginagawa. Sa tingin ni Richard ang mga taong yun ay ang mga tauhan ni Senyor Alfredo. Kahit na mayaman ang pamilya ng mga Santibaniez ay kulang pa din ang kanilang mga properties at ari'arian upang matapatan ang kapangyarihan ng mga Grande..

Lumapit si Richard sa babae. At ginising ito.. Hindi nilubayan ni Richard si Marian hanggang hindi nito dinidilat ang mata. Ilang minuto ng pag tyatyaga niyang gisingin ang babae ay nagising naman ito. Nawala na ang pamumula ng mukha nito at maging ang paniningkit ng mata nito..

"Ha??.. Bakit?.. Ano nangyari?!"
Nagtatakang tanong ng babae.

Sa tingin ni Richard ay nawala na kahit papaano ang tama ng alak sa babaeng kanyang kasama dahil sa ito ay nakatulog na.

"Nalasing ka kanina... Sa tingin ko ay hinahanap kana ng mga taong yun." Mahina lamang ang boses ni Richard upang hindi siya marinig ng mga unipormadong lalaki..

Itinuro ng nguso ni Richard ang mga lalaking naghahanap kay Marian.. Sinilip naman ito ng dalaga at namilog ang mata nito nang masigurado niya na siya nga ang hinahanap ng mga ito at ito ang mga tauhan ng kanyang asawa.

"Kailangan mo magtago... Kailangan walang makakita sayo.." Sabi pa ni Marian..

Bahagya naman lumayo si Richard upang hindi sila makitang magkasama ng babae. Lumabas si Marian sa likod ng sasakyan kung saan siya kanina pa nakatago. At nagpanggap pa ito na lasing na lasing.. Susuray suray ang babae sa paglalakad hanggang sa makita siya ng mga tauhan ng kanyang asawa. Mabilis siyang nilapitan ng mga ito at inalalayan.


"Naku ma'am! Lasing na lasing po kayo." Idiniretso nang mga tauhan ni Senyor Alfredo si Marian sa sasakyan nito kung saan nag hihintay ang matanda.


Nang naipasok na ng mga unipormadong lalaki si Marian sa loob ng sasakyan ay prenteng nakaupo na din ang matanda, walang kibo ang matanda at seryoso ang mukha nito..


"Saan ka galing?"
Tanung agad ng matanda! Mahina ang boses nito ngunit makikitaan ng pagkainit ng ulo.


Hindi naman sumagot si Marian sa tanong ng kanyang asawa. Pinanindigan ni Marian ang pag papanggap niyang lasing at ipinikit na lamang niya ang kanyang mata hanggang sa sila ay makarating na sa mansion..






Pumunta si Richard sa isang bar, pinuntahan niya ang kanyang kaibigan na nandoon. Hindi naman kasi siya nag enjoy sa kanyang sariling birthday party. Mas nag enjoy pa ito sa babaeng nakilala at nakasama niya kagabi.
Lilinga linga si Richard hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang kanyang kaibigan na nasa hindi kalayuan, nakita niyang may kasama itong babae na sa tingin niya ay panibagong girlfriend na naman nito. Lumapit agad dito si Richard.


"Hey! Pare..."
Sabi ni Richard.. Lumingon naman ang kanyang kaibigan sa kanya.

"Kanina pa kita hinihintay pare... Saan kaba galing?" Tanong ni Lindon dito..



"Syempre pare Birthday party ko kanina.. Hindi ka maniniwala pare pero nakakilala ako ng bebot kanina.." Pagmamalaki pa ni Richard sa kaibigan. Bahagya naman ngumisi si Lindon sa mga kwento ng kanyang kaibigan...


"I'm sure na paglalaruan mo lang ang babaeng iyan." Sabi ni Lindon.. Nag sindi pa ito ng sigarilyo..


"Kaibigan ba talaga kita Lindon? Bakit wala kang tiwala sakin." Sabi nito.


"Chard. Kung may taong nakakakilala sayo ako yun!" Tinungga pa ni Lindon ang alak na nasa baso atska sumipsip ito ng lemon.



Matalik na magkaibigan si Lindon at Richard. Hindi lang ang kanilang mga magulang ang malapit sa isa't isa. Para silang magkapatid kung magturingan at alam nila ang sikreto ng bawat isa. Magkasama noon nag aaral si Lindon at Richard sa america at hanggang ngayon ay nananatili pa din matibay ang kanilang pagkakaibigan.



"She's pretty and georgious." Biglang tugon ni Richard habang nagkukwento ito sa kaibigan at malayo ang tingin.. "First time kong makakilala ng katulad niya. Simple at hindi maarte kahit naman alam niya na maganda siya."


Napapailing na lang si Lindon sa mga kwento ng kanyang kaibigan.


"Hayaan mo pare. One time makikilala mo din siya." Dagdag pa nito.


"Hihintayin ko ang araw na yun Richard.. Aalis muna kami ng new girlfriend ko.. Siya si Hazel.." Sabay pang tumayo si Lindon at ang babae.. Pero bago pa tuluyan makaalis ang dalawa ay bumulong muna dito si Richard.


"Magenjoy kana Pare.. Zamantha is back."



Seryoso naman ang mukha ni Lindon sa sinabi ni Richard sa kanya.


GDC

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon