Tulala lang si Marian sa loob ng sasakyan ni Richard. Pauwi na sila galing sa birthday party ni Lindon, mula ng masaksihan ni Marian ang pag halik ni Lindon sa babaeng nag ngangalang Camille ay nagulo na ang isipan ni Marian at hanggang ngayon ay nasasaktan siya dahil sa kaniyang nakita na hindi niya makalimutan."Are you okay?!" Tanong ni Chard na dahilan upang magising si Marian sa kanyang ulirat.
"Oo okay lang ako." Tipid na sagot ni Marian.
"Napansin kong kanina kapa wala sa sarili Yan.. Apektado kaba sa babaeng kasama ni Lindon sa party." Sabi pa ni Richard.
Sunod sunod na pag iling naman ang ginawa ni Marian sa sinabi ni Richard.
"No! Kinalimutan ko na siya. Kaya pwede bang wag na lang natin siyang pag usapan."
Hindi na nag salita pa si Richard sa sinabi ni Marian. Inihinto na lang nito ang sasakyan sa isang tabi kung saan walang tao at madilim sa lugar.
"Bakit mo hininto ang pag mamaneho?!" Tanong ni Marian na napuno ng takot ang mukha.
Napansin naman ni Marian na unti unting inilalapit ni Richard ang mukha nito sa kanyang mukha.
"ILoveyou Marian." sumeryoso ang mukha ni Chard.
Hahalikan na sana ng lalaki si Marian ng bigla itong umiwas.
"Tara na Chard. Baka hinahanap na ko ng anak ko at baka pati si Badi hinahanap na tayo. Iniwan natin siya sa party." Sabi pa ni Marian na ngayon ay hindi man lang tumitingin sa lalaki.
Pero pinilit ni Chard na halikan si Marian.
"Kalimutan muna siya Marian! Iniwan ka niya. Ipinagpalit sa iba. At ngayon pinamumukha niya sayo na baliwala ka sa kanya. Hindi paba sapat ang lahat ng yun para kalimutan na ang taong yun!" Galit na sabi ni Chard na ngayon ay mahigpit na ang pag kakahawak sa balikat ng lalaki.
Puno naman ng takot ang mata ni Marian sa nanlilisik na mata ni Richard.
"Nasasaktan ako Chard." Pag pupumiglas ni Marian.
"Nandito naman ako Yan. Ako na lang ang mahalin mo."
Pinwersa ni Richard si Marian sa pag halik nito sa babae dahil na din sa sobrang kabaliwan niya dito. Napatigil lang si Richard ng bigla niya sampalin ng malakas si Chard.
"Tumigil kana Chard! Nababaliw kana" pag tataas ng boses ni Marian.
Tumahimik na lang si Richard at sinimulan ng iistart ang sasakyan.
Hindi na lamang tinitignan ni Marian ang lalaking ngayon ay nag mamaneho sa kanyang tabi. Bakit hindi niya maiwasan na mag karoon ng pangamba sa tuwing kasama niya ang lalaki.
- - - - -
"I'm sorry Camz sa nagawa ko." Sabi ni Lindon sa babaeng ngayon ay kanyang kaharap at umiinom ng kape. Ngumiti lamang si Camille bago ito nag salita tungkol sa sinabi ni Lindon.
"It's okay Lindon. Don't worry! I understand." Sabi pa nito.
"Thank you Camz."
Dagdag pa ni Lindon."Ahhhhh! Siguro siya yung babaeng kasama ni Richard Santibaniez doon sa party. Tama ba ko?" Sabi pa ni Camille.
"Paano mo nalam-."
Hindi na naituloy pa ni Lindon ang kanyang sasabihin."Kakaiba siya. Sa lahat ng tao sa party siya ang pinaka kakaiba. Chaka nasa sasakyan pa lang tayo at nakita mo na siya bigla kang kinabahan."
Hindi naman nag salita pa si Lindon. Alam ng lalaki na ang lahat ng sinabi ni Camille ay totoo at tama.
-
NAIHATID NA NI Richard ang babae sa bahay nito. Agad din umalis si Richard sa bahay nila Marian. Agad na sinalubong ni Badi at Miguel ang babae.
"Friend kamusta kana? Bigla kang nawala sa party kanina ah. Saan kaba nag punta?!" Tanong ni Badi na may pag aalala sa mukha nito.
Hindi naman pinansin ni Marian ang kaibigan. Nilagpasan na lamang niya ito upang tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
"Miguel pumasok kana sa loob." Mahina lamang ang boses ni Marian na parang wala ito sa sarili.
Sumunod naman ang bata sa sinabi ng kanyang ina na ngayon ay nakaupo na sa sofa.
"Marian ano ba? Okay ka lang ba talaga?!" Sabi pa ni Badi.
Tulala lang si Marian na parang wala sa sarili. Tila malalim ang iniisip nito.
Dahil sa labis na awa ni Badi sa kaibigan ay nilapitan ito at niyakap. Gusto ni Badi na iparamdam sa kanyang kaibigan na lagi siyang nadiyan upang damayan siya.
Hindi na napigil pa ni Marian ang pag tulo ng kanyang luha. Patong patong na sakit na ang kanyang nararamdaman.
"Bakit ganito Badi. Bakit nasasaktan pa din ako?!" Umiiyak na sabi ni Marian sa kaibigan.
"Shhhhhsss tahan na! Tama na yan Marian."
"Hindi ko maikakailang mahal ko pa siya hanggang ngayon." Umiiyak na tugon pa ni Marian.
Masyadong nasaktan ang babae sa kanyang nasaksihan. Siguradong sa mga oras na ito ay mabuti pang kalimutan na niya ang lahat, ang sakit, ang takot at ang pag mamahal niya para sa lalaki. Ngayon ay nag sisimula na din itong gumawa ng bagong yugto ng buhay.
HINAHAMPAS ni Richard ang manibela ng kanyang sasakyan, labis ang nararamdaman ni Richard na galit sa kanyang puso, at ang lahat ng galit na iyon ay dahil sa iisang tao lang. At yun ay ang pinakamatalik niyang kaibigan noon.
"Si Lindon ang dahilan kung bakit nasa matinding problema ang pamilya ko ngayon. At si Lindon din ang dahilan kung bakit hindi ako kayang mahalin ni Marian. Hayop ka Lindon! Darating tayo sa oras na lahat ng bagay na kinuha mo sakin ay babawiin ko." Galit na galit si Richard sa tuwing maiisip niya si Lindon at ang lahat ng bagay na inagaw sa kanya nito.
Lalong nakakaramdam ng galit at puot si Richard sa tuwing maiisip niya na si Marian ay mahal pa din ang taong matalik niyang kaaway at kaagaw.."Lindon Grande. Mag babayad ka sa lahat ng ginawa mo sakin!" Galit na sabi ni Richard. Na dahilan upang suntukin niya ang manibela ng kanyang sasakyan at mag wala siya sa loob nito.

BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.