Ilang araw na din ang nakakalipas ng magkaharap si Marian at Lindon, labis na nasaktan si Lindon sa mga sinabi ni Marian pero mas labis na nasasaktan ang babae sa mga nangyayari. Ilang araw din hindi nagpakita si Lindon sa mall at siya naman ay tuloy pa din sa pag tatrabaho kahit na minsan ay pinagkakaisahan na siya ng kanyang mga kasamahan.
"Hoy Marian. Madaming costumer. Wag kang umarte na parang wala ka sa sarili." Mayabang na sabi ni Nica. Isa sa mga kasamahan niya.
Ano man ang sabihin ng mga ito sa kanya ay hindi na lamang niya pinapansin pa. Gusto lamang ni Marian ang tahimik na buhay. Pero alam niyang hindi mangyayari iyon lalo na kung nakatapak pa din siya sa lugar na pag mamay ari ng mga Grande.
Naririnig na naman ni Marian ang mga bulong bulungan ng kanyang mga kasamahan, at napansin din niya na paparating na naman si Richard at papunta sa kanya.
"Yan. Anong oras ang labas mo?"
Tanong ni Chard sa babae."Wala akong time sa ibang bagay. May mga tao akong gustong makasama kesa sa iba."
Nagisip naman si Richard ng ibang itatanong sa babae.
"Ihahatid na lang kita."
"Kaya kong umuwi mag isa."
"Gusto ko din malaman ang bahay mo."
Tinigil naman ni Marian ang kanyang ginagawa at tumingin sa lalaki.
"Bakit ba ang kulit mo Chard. Ang sabi ko tigilan mo na ko. Tigilan niyo na ko!" Inis na inis si Marian na nakatingin kay Richard.
"I'm sorry Yan."
Biglang humina ang boses ni Richard.
Aalis na sana si Richard pero nahagip muna ng kanyang paningin ang paparating na si Lindon kasama ang mga body guard nito.
Biglang hinatak ni Richard si Marian at hindi inaasahan ni Marian na bigla na lamang siya hahalikan ng babae. Napahinto naman sa pag lalakad si Lindon ng makita niya sa hindi kalayuan ang pag hahalikan ng dalawa.
Batid ni Lindon na nahulog na din ang loob ni Marian kay Richard kaya naman kahit na masakit ay kailangan niyang tanggapin at galangin ang nararamdaman at desisyon ng babae. Kaya naman iniwasan na lamang niyang makita at umalis na siya.Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Marian kay Richard.
"Umalis kana Chard. Umalis kana!"
Nanlalaki ang mata ni Marian na nakatingin kay Richard at galit na galit sa ginawa nitong pag halik sa kanya.Alam ni Richard na nakita ni Lindon kung paano niya halikan sa harap ng maraming tao ang babae. At alam niyang nasaktan niya ng husto ang damdamin ng dati niyang kaibigan. Gagawin ni Richard ang lahat mag kalayo lamang ang dalawa kahit naman alam ni Richard ang buong katotohahanan at ang tunay na dahilan sa biglaang pag talikod ni Lindon noon.
"Marian! Kailangan natin mag usap!"
Sabi ng Manager ni Marian.
Dahil sa sunod sunod na nangyayari sa pagitan ni Marian, Lindon at Richard sa loob ng mall ay lagi na lamang napapagalitan si Marian sa kadahilanan na hindi naman niya gusto. Iniisip tuloy ni Marian na ang mga taong yun ay ang mga taong sagabal sa kanyang buhay.Kaharap ni Marian ang kaniyang Manager sa loob ng opisina nito.
"Marian. Bago ka palang dito pero lagi ka na lang napapasok sa gulo. Ano ba talaga ang problema? At si sir Lindon. Ano ba talaga ang kaugnayan mo sa buhay niya." Sunod sunod na tanong ng kanyang Manager.
"Hindi ko po maaaring ikwento sa inyo ang lahat. Kaya patawad po. Para maiwasan na ang gulo ay mag reresign na po ako.. Aalis na po ako Mam." Tapos ay iniwan na ni Marian ang kaniyang Manager. Tama ang sinabi niya sa kanyang Manager. Kailangan na niyang umalis sa mall upang maiwasan na ang gulo. Alam ni Marian na sa kanya nag mumula ang pagtatalo kaya naman dapat talaga ay siya na lamang ang lumayo.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomansaAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.