Naging matagumpay naman ang operasyon ni Marian at hinhintay na lamang nila ang pag mulat ng mata nito. Dahan dahan nagising si Marian, nakita niya agad ang isang lalaking nasa kanyang harapan. Hinawakan pa nito ang kanyang kamay.
"Lind-." Hindi na natuloy pa ni Marian ang sasabihin ng makita niya ang kanyang asawa na si Alfredo.
"Kamusta kana Marian. Sobra akong naworry sayo." Sabi ni Senyor Alfredo sa asawa.
"Wag kang mag alala, okay lang naman ako." Wika naman ni Marian.
Bigla naman naalala ni Marian si Lindon na kasama niya sa bodega na nakita niyang bugbog sarado ng mga masasamang lalaki o mga kasama ni Dave.
"Wag muna alalahanin pa ang batang yun Marian. Okay na siya ngayon. Kasalanan ni Lindon ang nangyari sayo." Galit na wika ng Senyor sa kanyang asawa.
"Walang kasalanan si Lindon, Alfredo niligtas ako ng anak mo!" Paliwanag ng babae sa kanyang asawa.
"Ayos lang ba siya Alfredo? Wala bang nangyaring masama sa anak mo?" Sunod sunod na sabi ni Marian na makikitaan ng pag aalala ang boses nito.
"Sobra ang pag aalala mo para sa walang kwentang batang yun. Ayos na siya. Nagising na din siya."
Nakahinga naman ng malalim si Marian sa sinabi ni Alfredo sa kanya, hindi niya pinag sisisihan na hinarang niya ang balang dapat sana ay kay Lindon, dahil kung hahayaan pa niyang tumama yun sa binata ay baka ngayon wala na ito.
Matapos ang ilang araw na pananatili ni Marian sa ospital ay sinabi ng Doktor na maaari na siyang lumabas. Naiuwi na din si Marian sa mansion upang magpalakas at makapag simula na ulit ng pag pasok sa university kung saan siya nag aaral, mula ng maconfine siya sa ospital ay hindi na niya muling nakausap pa si Lindon dahil na din sa mahigpit na pag babantay sa kanya ng Senyor.
ORAS NA NG umagahan, sabay na kumakain ang Senyor at si Marian.
"Alfredo nasaan ang anak mo? Hindi ba siya sasabay satin kumain?" Tanong ni Marian sa kanyang asawa.
"Wag mo siyang alalahanin. Malas ang batang yun! Mapapahamak ka lang ng dahil sa kanya." Wika ng matanda.
Ikinalungkot naman ni Marian ang sagot sa kanya ng kanyang asawa.
Nakuha naman ang atensyon ng mag asawa sa pag lapit ni Leo sa kanila, dala nito ang invitation card.
"Senyor. Imbitasyon po galing sa mga Santibanez." Tugon ni Leo at iniabot pa nito ang invitation card na agad naman binuksan ng matanda at binasa.
"Birthday ng Anak ni Roberto na si Raymond." Wika ni Senyor Alfredo.
Bumaling ng tingin ang matanda sa asawa at hinawakan ang kamay nito.
"Isasama kita sa Party na ito." Sabi ng Senyor na malagkit ang tingin sa asawa.
"Hindi na kailangan Alfredo." Pag tanggi ni Marian.
Hindi naman pinansin ng Senyor ang desiyon ng babae.
"Leo ihanda mo ang susuotin ng Ma'am Marian mo. At tawagan mo na din ang mag aayos sa kanya." Wika ng matanda.
"Masusunod po Senyor." Tapos ay umalis na si Leo upang sundin ang mga bilin ng kanyang amo.
MALALIM NA ANG gabi. Walang ginawa si Marian kundi ang mag palakad lakad sa gilid pool at nilalasap ang bawat hangin na kanyang malalasap. Pero nakuha ang kanyang atensyon ng marinig niya ang pag baswit sa kung saan. Nilinga linga naman ni Marian ang kanyang ulo upang hanapin ang taong nasa tabi tabi lamang.
Pero nagulat si Marian ng bigla na lamang sumulpot si Lindon sa kung saan.
"Hindi mo ba ko namimiss?"
Tanong ni Lindon sa babae. Nag nining ning naman ang mata ni Marian na nakatingin dito.
"Ano gingawa mo dito?!"
Seryosong tanong ng babae.
"Pinuntahan talaga kita Marian."
Dahan dahan inihahakbang ni Lindon ang kanyang paa papalapit kay Marian. Pero dahan dahan din humahakbang ang paa ni Marian papalayo kay Lindon. Ngunit nabigla si Marian ng bigla na lamang lumusot ang kanyang paa sa pool na dahilan para mahulog ang dalaga.
Agad naman sinundan ni Lindon si Marian. Tumalon din ito sa pool at sinagip ang babae. Pag labas ng kanilang ulo sa tubig ay magkalapat na ang kanilang mga labi. Nag iinit ang kanilang halikan sa malamig na tubig kung saan sila nakababad. Pero agad din na kumalas si Marian.
BINABASA MO ANG
Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)
RomanceAno ang gagawin mo kung mapamahal ka sa isang taong hindi mo dapat mahalin dahil siya ang iyong young step mother, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo kung ang iyong kaagaw ay ang sarili mong ama.
