Chapter 14

7.5K 154 0
                                    

Nagising si Marian dahil sa nararamdaman niyang kamay sa kanyang katawan. Labis na nagulat si Marian ng imulat niya ang kanyang mata at makita niya ang asawa na nakaupo sa kanyang harapan at dahan dahan hinuhubad ang kanyang suot na damit.

"Alfredo! Ano ginagawa mo?!"
Nagkaroon agad ng takot si Marian sa kanyang mukha. Mula ng ikasal sila ng matanda ay hindi niya naibigay ang kanyang sarili dito, hindi rin naman siya pinipilit ng matanda kapag ayaw niya. Kaya naman unang pagkakataon ni Marian na makita na hinuhubaran siya ng kanyang asawa, pangit man sa paningin o pandinig ng iba ngunit isang lalaki pa lamang ang nakakaangkin sa kanya. At yun ay ang anak ng kanyang asawa na tunay niyang minamahal.

"Bakit Marian? May problema ba? Ako ang asawa mo kaya may karapatan ako di lang sa buhay mo, kundi pati sa katawan mo!" Inaamoy amoy pa ng matanda ang kanyang leeg at nararamdaman din ni Marian ang balbas nito sa kanyang leeg pagapang sa kanyanh balikat. Takot na takot ang babae, matagal tagal na din niyang iniiwasan na mang yari ito, na matikman siya ng matanda. Dahil alam niya na kung gustuhin man ni Alfredo iyon ay wala naman siyang magagawa. Dahil mula ng mag desisyon siya na magpakasal sa matanda ay para na din niyang ipinag bili ang kanyang sarili sa demonyo, pero nung mga panahon na yun ay wala naman siyang ibang pagpipilian.. Dahil kaligtasan ng kanyang kapatid ang nakasalalay.

Ipinikit ni Marian ang kanyang mga mata at tiniis niya ang mga halik ni Senyor Alfredo sa kanya at maging ang pag halik sa kanyang leeg. Halos masuka siya sa sobrang pandidiri. Pero wala siyang karapatan na mag reklamo.

Dahan dahan tinatanggal ng matanda ang buttones ng kanyang suot na damit. Nananatili lamang siyang nakapikit hanggang sa hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha.

"Tito! Aalis na kami ni Kuya Chard.. Salamat po Tito.. Si Zam po ito." Napatigil naman si Senyor Alfredo ng marinig ang boses ni Zamantha sa labas ng kwarto.

"Istorbo naman!"
Matigas na sabi ni Senyor Alfredo.

"Tito. Nandyan po ba si Tita Marian? Pwede po ba namin siyang makausap?" Dagdag pa ni Zamantha. Napabuga naman ng hangin si Senyor Alfredo dahil sa pang iistorbo ni Zamantha sa kanila.

"Sige na. Labasin muna yung mga yun! Aalis na din ako. Marami pakong aasikasuhin." Bulong ng matanda kay Marian.

Para naman nabunutan ng tinik si Marian, at nawala bigla ang kanyang takot na mararamdaman. Marahil ay nag papasalamat siya sa pag dating ni Zamantha. Lumabas ng kwarto si Marian upang puntahan si Zamantha at ang kapatid nitong si Richard. Naabutan na ni Marian ang magkapatid sa Sala at kasama din ng mga ito si Lindon.

"Goodmorning marian.. Ang tagal mo naman lumabas." Dagdag pa ni Zamantha. Ngunit biglang lumapit si Marian sa babae at bigla na lamang niya itong niyakap. Hindi naman nakapag salita si Zam. Bumulong pa si Marian sa babae. "Thank you. Zam!"
Hindi alam ni Zamantha kung bakit ginawa at sinabi ni Marian yun sa kanya.

Lumapit naman si Richard kay Marian. Kinuha pa nito ang kamay ng babae at hinalikan ito.
"Magkikita pa tayo ulit." Mahinahon na sabi ni Richard kay Marian. Napangiti naman si Marian dahil batid niyang mabait ang lalaki at magalang pa.
Nakita naman yun ni Lindon. Nakatayo lamang ito sa isang lugar at nakatingin kay Marian. Hindi mapigilan ni Lindon ang makaramdam ng galit at matinding selos kay Marian at Richard.

SPG

Naihatid na ni Marian si Richard at Zam at nakaalis na din ang mag kapatid. Maging si Senyor Alfredo ay umalis na din. Naiwan na lamang si Marian at Lindon sa Mansion kasama ang mga kasambahay. Pabalik na si Marian sa loob ng Mansion. Wala sa sarili ang babae. Maging ang mukha nito ay malungkot din. Patong patong na hirap ang kanyang nararamdaman. Miss na miss na din niya ang kanyang kapatid na si Laura.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon