Maddie's POV
I am currently in the coffee shop ate Fille and ate Gretchen owns, it's located inside our subdivision. Bea is here beside me, we're in the lounge. Our faces are grim unlike the bright sunny day.
After eating lunch at the Gaston's I bid them good bye, as much as I would love to stay there all day to annoy Pauline and get even with her after she stepped on my foot, I can't, because I need to go somewhere.
Ang aga akong binulabog ni Beatriz, late na ako umuwi kagabi, well should I say umaga na haha. Dahil sa antok ko ay hindi ko napansin ang skateboard ko na nakakalat sa sahig dahilan para ako ay dumulas at dahil swerte nga ako ngayong araw ay ang paang inapakan pa ni Pauline ang tumama. Mabuti nalang at nandoon pa si tita Arlene kanina para bigyan ako ng first aid, na sprain lang naman ako, mabuti at hindi ako nabalian kung hindi ay nasapak ko na ang pinangangalagaang mukha ng best friend ko.
Nakapangalumbaba ako habang si Bea ay walang ganang iniinom ang kape niya, parehong salubong ang mga kilay namin. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang ma mukha namin.
Nasa ganoong posisyon kami nang dumating ang tatlo naming kaibigan.
"Mukhang good na good ang morning niyo ah." nang-aasar na bati samin ni Gizelle, kasunod niya ay sina Marge at Jirah na tulad niya ay pawisan din. They just finished jogging, usually kasi ay sabay-sabay kami kumain ng breakfast. Maybe Bea texted them to meet us here.
"You both look like you woke up at the wrong side of the bed." Marge said, umupo siya sa tabi ko at kinuha ko ang inumin ko. I didn't mind her, sanay na ako. Baliw din 'to eh, she always tease me for drinking milk every morning pero madalas tuwing kakain kami ng magkasama ay umiinom siya sa saakin.
"Baka naman they woke up on the wrong bed." Jirah said suggestively. Hindi yun totoo, mapang-asar at berde lang talaga ang utak niyan.
Parang wala kaming narinig na panunukso galing sakanila because the whole time we were just staring at them blankly.
"Nasaan si Tey?" tanong ni Bea.
"Baka hindi pupunta yun. Diba kakauwi lang ni Ponggay." sagot ni Marge, tinignan ko siya ng masama pagkatapos niyang ilapag ang ngayo'y wala ng laman na baso.
"Oo nga pala. Puntahan natin si Ponggay mamaya. I miss our little sister." Jirah said.
"Looks like hindi na natin kailangang gawin yon." Sabi ni Gizelle.
"Oh bakit?"
Ngumuso lang siya bilang sagot at sinundan namin ang tinuturo niya. Pagtingin ko ay naglalakad si Therese papalapit saamin kasunod niya ay ang napaka-ingay niyang kapatid.
"Ponggay!"
"Princess!"
Sabay na sigaw ni Jirah at Marge, grabe ang ingay talaga nila. Tumakbo sila papunta kay Pauline at sinalubong siya ng yakap, sumunod din si Gizelle para yakapin siya. Bakit kapag sa iba ang bait niya? Tuwang-tuwa pa siya habang yakap ang mga pawisan kong kaibigan. Kapag saakin ang sungit niya.
"Good morning too, friends!" Sarcastic na bati ni Therese, dinaanan lang kasi siya kanina ng tatlo.
"Asus, napakaselosa talaga." Nanunuksong sabi ni Jirah. Sinugod siya ng yakap ng tatlo, tss, akala mo naman galing ibang bansa din eh halos araw-araw magkakasama kami.
"Eww! You're all so sweaty." Maarteng sabi ni Tey, habang tinutulak sila palayo.
Itong katabi ko naman ay parang wala pa ding alam sa nangyayari. Lutang na lutang siya eh.
Naglakad siya papunta sa kung nasaan kami. Kumunot ang kilay ni Tey nang makita niya kami ni Bea.
"Oh? What happened to you two?" Umupo siya sa tapat namin.
