Chapter Four

2.2K 49 2
                                        

Maddies POV

"Madds, you won't come?"

Nakasandal ako ngayon sa backseat ng kotse ni Bea, masyado akong malaki kaya umupo nalang ako at iningcline ang upuan dahil nangangawit na ako. Gaya ng pinangako namin kay Tey susunduin namin sila ng kapatid niya. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa pag-inom namin kagabi ay sumama ako, tiyak na magtatampo kasi siya kapag nalaman niyang hindi ako sumama.

"I'll sleep here nalang. Ang sakit ng ulo ko." Nanghihinang sagot ko.

Hindi na sumagot pa si Bea, ang pagbukas at pagsara ng pintuan nalang ang narinig ko.

Ano ba naman kasing pumasok si isip ni Jirah at nagyayang uminom. Alam nilang mahina ang tolerance ko sa alak, unlike them. Hindi lang naman kasi ang lasa ng alak ang hate ko, mas hate ko ang aftermath nito. The day after ko palang kasi nararamdaman yung epekto ng alak. Hindi naman masyadong marami ang nainom ko pero daig ko pa ang nakainom ng isang galon ng tequila sa nararamdaman ko ngayon.

After kasi ng 2 shots ay tumanggi na ako. Sinamahan ko nalang sila at pinakinggan ang kadramahan nila.

Wala pang nag-alaga saakin kahapon, kaya kailangan kong ipunin ang lakas para maligo. Alangan namang magpaligo ako sa mga kasama namin sa bahay.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit nanatili akong nakapikit, maliwanag pa masyado sa labas at masakit sa mata. Sa dami naman kasi ng pwedeng pagpilian ay tanghaling tapat ang flight nila.

Naramdaman ko na may bumeso saakin, it's Therese. I'm sure of that, Pauline will never kiss me, suntok pwede pa. Speaking of, buti hindi siya maingay, iwas badtrip.

"What came into your minds ba? You know she's not use to drinking alcohol. Hindi talaga namin kayo maiwang tatlo." Ayan na ang nagging ni Tey, kahit hindi ako ang sinasabihan niya ay sumasakit ang tenga ko.

"Answer, hindi yung you look stupid just sitting there." Muntik na ako matawa, takot kasi 'tong si de Leon kay Therese eh. Sakanya lang naman siya nakikinig.

"Tey, stop please. My head hurts. They didn't force me naman." My voice is hoarse.

"Gosh Maddie! You look like a mess."

Minulat ko ang mata ko sa narinig at tinignan ng masama si Therese. She tilt her head side ways as if asking me if I have a problem with what she said, I rolled my eyes and slouched on my seat.

"How's your trip?" Tanong ni Bea habang nilalabas ang sasakyan sa parking.

"It was a lot of fun. Me and Ponggay did a lot of adventures together. Right, Pong?" Napatingin ako kay Pauline, na siya palang katabi ko ngayon.

"Right. I missed going on adventures with ate. You should come next time, ate Bae." Masigla din niyang sabi, matching her sister's enthusiasm.

"Ang itim mo." Syempre ako nagsabi niyan. Totoo namin kasi, masyado yata nilang na-enjoy ng ate niya ang araw.

"Whatever. Matulog ka na nga. Hindi ka naman kasali sa usapan eh." Masungit niyang sabi. Nagkibit balikat lang ako at humiga, nakataas yung paa ko sa may window para magkasya ako.

Hindi tumakas sa paningin ko ang pagtitinginan ng best friends ko bago umiling.

"Nagpaluto ba kayo ng pagkain?" Therese asked.

"Yep. Kaya lang wala yung tatlo, na delay yung flight ng dalawa. Jirah's not home also."

"Where is she?"

"Saan pa ba? Edi nado'n sa bahay nila Jia."

Pinabayaan ko lang mag-usap yung dalawa sa harap. Tahimik lang din 'tong kasama ko sa likod habang nag c-cellphone. Pasimple akong humiga sa lap niya, nahihirapan kasi ako sa pwesto ko eh.

MISFITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon