Maddie's POV
Three days, that's how long I stayed here inside our house. Wala din naman kasi akong mapuntahan eh. Jirah is busy with Jia, I don't know kung anong pinaggagawa niya don. Gizelle went to Bacolod to visit her relatives and Marge accompanied her. Bea, my desperate and hopeless romantic best friend is still searching for her "the one". Matibay talaga yun, ayaw sumuko eh.
Three days ko na din hindi nakikita si Pauline, wala tuloy akong maasar. Second week na niya ngayon dito sa Pinas and since malapit na mag start ang school year Therese and her went to a vacation to have some quality time together. Tey asked me if I want to come with them, but I declined. They deserve to bond, matagal din silang hindi nagsama.
Naiinip tuloy ako, bukod sa wala akong magawa dahil may air cast pa ang paa ko, wala din akong alam gawin. Parang nagsisisi tuloy ako sa hindi pagsama kila Pauline. Maasar ko sana siya wahaha.
Magmula kasi nung umuwi siya ay madalas kami magkasama. Duh, magkapitbahay lang kami at madalas na kasama niya pa ang ate niya. Kaya walang katapusang kurot at sermon tuloy ang inaabot ko kay Tey, magsasawa din siya pero never akong magsasawang asarin ang bunsong kapatid niya. Masama ba ang dating? Quits lang naman kami, araw-araw din niyang binubusit ang buhay ko eh.
"Anak, you look like you carry all the problems in the world." Mapang-asar na bati sakin ni daddy, umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Tss, bored lang ako dad."
"Why don't you go out? Tutal you don't need crutches na to walk."
"Wala naman po akong alam gawin. Isa pa tinatamad ako."
"Ang gulo mo naman, princess. Baka naman hindi ka bored?" Nagtatakang binalingan ko naman siya.
"Baka naman kasi may nami-miss ka kaya hindi ka mapakali." May himig ng panunuksong sabi niya.
"Sino naman pong mami-miss ko?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko.
"You, who do you miss?" He asked back, weird din ng daddy ko ah.
"Wala po. Nang-aasar na naman kayo." Inalis ko ang kamay niya na nakaakbay saakin dahil naiirita ako lalo.
"Really? You don't miss that certain, morena with brown eyes and curly hair who stands 5 ft 8 in, young lady?"
And only one person came to my mind, Pauline. Ever since he found she came back when mamita hosted a brunch to welcome Pauline back. Inaasar na niya ako. Hindi ko naman ma gets kung bakit. Sa tuwing magkasama naman kami ay nag-aaway lang kami.
"Here you go again. Kailan niyo ba titigilan yan?"
"Kapag alam mo na." Makahulugang sagot niya and weird pa ng ngiti.
"Ang alin?"
"Wala." He said shaking his head. "I'll just go upstairs and continue with my work. Good luck!" Ha patted my back before leaving me confused.
"Weird." I whispered.
Lalo lang nadagdagan ang pagka bored ko dahil kay dad. Tumayo ako sa sofa at nagpunta sa harap ng bahay namin.
Umupo ako sa may bean bag habang kinakalikot ang phone ko. Nakakainip din naman tong mga games ko eh. Kahit gusto kong matulog hindi ako makatulog, haay nako.
Bakit kaya umalis si Pauline noon? Kasi ang alam ko ayaw niya sa states, kaya hindi na tinuloy nina tito yung paglipat don. Tapos nagulat nalang ako nung kalagitnaan ng vacation umalis siya kasama ni ate Denisse. Parang biglaan lang pero hindi, kasi ako lang naman yung nagulat na aalis siya. Hindi man lang nga nabigla sina Bea nung makita nila na may dalang maleta sa Pauline.
